XXI

1.5K 35 0
                                    

# 21

Sienna's POV

Nandito ako ngayon sa gilid ng field at nakasandal sa dibdib ni Liam, nasa pagitan ako ng mga hita nya habang nanonood ng nilalaro nyang mobile games, nakikidutdot ako pero ang loko nagagalit.

Hays nakaka bwiset naman kasi, naka turtle jacket ako ngayon kahit hindi naman ganoong kalamig, kasi naman si Jiahn gagawa nalang ng kalokohan sakin mag iiwan pa ng marka. Hindi lang ata lima ang iniwan nyang marka sa leeg ko kaya mukang isang buong linggo ako mag susuot neto.

"Defeat.." rinig kong tunog ng cellphone nya kaya asar nyang naibaba ang phone nya

"Bwiset naman, ang panget kasi nitong kasama ko" saad nito kaya nakatikim sya ng siko sakin, dinamay pa ako?

"Aray!" At tawa lang sya ng tawa saka niyakap ang mga kamay sakin. Napapikit ako dahil malakas na humampas ang hangin. Nakaka antok tuloy.

Marami din namang naka tambay dito at ang iba ay nag babasa ng libro dahil sadyang napaka presko sa lugar.

Nakasandal si Liam sa puno kaya hindi naman sya siguro mangangalay kung matutulog muna ako sa dibdib nya dahil talagang kulang ang tulog ko. Naramdaman nya siguro na inaantok ako dahil nahuli nya ang pag hikab ko kaya lalo nyang hinigpit ang yakap sakin at pinatong nalang ang ulo ko sa mga braso nya saka pumikit.

Nagising ako ng may maramdamang kausap si Liam kaya pilit kong minulat ang mga mata ko at nabigla ng si Ynnah ang makita ko kaya napa ayos ako ng upo at agad naman nito akong nginitian

"Hi..." Bati nito at nginitian ko lamang sya, napansin ko si Jiahn na katabi nito at sa ibang direksyon naka tingin. Ganon na ba ako katagal nakatulog?

"Naku napaka antukin talaga nito noon pa man" natatawang saad ni Liam, so kanina pa nila ako pinag uusapan? Kaya nasiko ko na naman sya

"Grabe ka...nag papalipas lang kami ng oras wala pa kasi si prof" pag dipensa ko at tumango tango lang si Ynnah

"Niyaya ko din si Jiahn dito, gayon nga at napansin namin kayo atsaka ...."

"Ano bang maganda dito?" Inis na pag singit ni Jiahn kaya napatingin si Ynnah sa kanya

"Mahangin tsaka, nakaka presko sa mata tignan ang mga berdeng damo oh" nakangiti naman nitong sagot na nakatingin sa kalawakan ng field

"Kung nakakapag salita lang ang field malamang tinanong ka din nya kung bakit ka nandito" saad ko at sandaling tinignan ang reaksyon ni Jiahn pero ngumisi lang ito

"Ikaw na babae ka ang dami mong alam" si Liam saka pinisil ang dalawa kong pisngi pero hinabol ko ng kagat ang kamay nya at muntik na yong mahagip kaya tawa sya ng tawa

"Nakakatuwa naman kayo tignan" nakangiting saad ni Ynnah

"Eeeww.." sabay na saad namin ni Liam kaya natawa nalang si Ynnah, napa ub-ob muli ako sa braso ni Liam dahil antok pa talaga ako

"Bakit parang pagod na pagod ka Sienna? baka may gusto kang ishare sa kaibigan mo?" Napatingin ako kay Jiahn na ngayon ay naka ngisi. Nababaliw na ba sya?

"Ha? W-wala naman" sagot ko at masama itong tinignan

"Ganon ba? Ynnah bakit hindi mo sila imbitahan mamaya sa pool party?" Mapang asar na saad nito kaya napa irap nalang ako. Sinusubakan talaga ako ng lalaking 'to

"Ay oo nga pala, invited ang lahat ng nag aaral dito, dahil maayos nila akong winelcome dito sa school na 'to kaya ayun naisipan ko mag pa pool party" masayang tugon nito

"And ofcourse, turtle neck is not acceptable well except kung may tinatago ka wala ka na man sigurong tinatago?" taenamo Jiahn, ano ba gusto mong ipalabas? At hindi naman ako ganong katanga para hindi alam ang angkop na isuot sa pool party.

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon