XII

1.6K 40 0
                                    

# 12

"Hala totoo nga!" Si ate Jiana, habang pinipisil pisil ang pisngi ko. Kaya nag tataka naman ako

"Ate wag mo nga kulitin si Sienna, pagod yan sa byahe pahingahin mo muna" pag singit ni Jiahn saka pumasok sa kwarto para ayusin gamit namin.

"Pahiram lang kasi muna!" malakas na sigaw ni Ate Jiana at mabilis akong hinila patungo sa kwarto nya.

"Alam mo hindi ako naniniwala nung una pero totoong totoo pala talaga" titig na titig ito sakin kaya natawa ako ng may pag tataka saka kami naupo sa kama nya

"Bakit po ba ate?" Tanong ko

"Nabanggit kasi sakin ni mom na may dinala daw na babae si Jiahn na kamukhang kamukha ni Ynnah, e hindi naman agad ako naniwala kasi para namang napaka posible non diba? Pero shit halos iisa ang muka nyo" hindi parin nito inaalis ang tingin sakin na animoy hindi makapaniwala

"Ynnah?" Tanong ko kasi wala naman nababanggit sakin si Jiahn.

"Hmm, h-hindi ba nababanggit ni Jiahn?" Tanong nito at agad akong umiling

"Oww.. so hindi pala dapat ako ang mag sabi sayo hehe" agad syang napakamot sa ulo neto pero hinawakan ko ang kamay nya

"Okey lang ate, ilang buwan na din kami nag sasama pero wala sya nababanggit sakin ni isa at sa tingin ko ay wala naman itong balak mag kwento man lang sakin. Ni naging buhay nya wala din akong alam, pano naman kasi mukang ayaw naman nya pag usapan ang mga bagay na iyon  kaya hindi ko na din pinipilit" malungkot na saad ko habang hawak pa din ang kamay nya

"Ganon ba? But Sienna promise me na hindi mo ito sasabihin sa kanya and...." Tumigil sya at malalim na tumingin sakin habang ako nag hihintay lang ng sasabihin nya

"At wag sana mabawasan ang pag mamahal mo sa kapatid ko d-dahil ikaw ang dahilan ang mabilis nyang pag galing" napakunot naman ang noo ko, pag galing? May sakit ba sya? Sunod sunod na tanong na ang pumasok sa utak ko.

"Well, si Ynnah? Sya yung babaeng unang nag patibok ng puso ni Jiahn. Halos hindi na sya umuuwe ng bahay dahil sa kanya" napalunok naman ako at may kirot na tumusok sa puso ko

"Naging sila naman, halos tatlong taon sila nung nag sama at nung pang apat na anibersaryo nila ay plinano na ngang nag propose ni Jiahn" saglit syang tumigil at napayuko

"Ate.." pag tawag ko at mahina kong pinisil ang palad nya. Ngumiti sya at sandaling nag pahid ng isang luhang kumawala

"Halos perpekto ang proposal ni Jiahn at ginanap ito mismo sa resort namin sa baguio, buong pamilya namin at pamilya ni Ynnah nandon, si Jiahn mismo ang nanuyo at nanligaw sa pamilya ni Ynnah mapapayag lang at oo ganon nya kamahal si Ynnah." Napangiti ako ng malungkot, may babae pala syang sobrang minahal

"Pero nung gabing yon, nag bago lahat. Lumuhod si Jiahn sa harap nito habang ang mga tao ay nag tatago lamang sa dilim kasama na ako, kasi surprise nga."

"Kampanting tinanong ni Jiahn kung handa ba syang pakasalanan sya, hindi ito sumagot pero pilit paring nakangiti si Jiahn, sobra akong nasasaktan para sa kapatid ko"

"Jiahn i'm sorry ayan ang mga salitang hindi mawala sa isip naming lahat, niyakap lamang nya si Jiahn kaya tumayo si Jiahn at niyakap ito"

"M-may problema ba mahal? Oo tinanong sya ni Jiahn at iyak lamang ang sinagot ng Ynnah, sumubsob 'to sa dibdib ni Jiahn habang mabigat padin ang pag iyak nito, gulong gulo si Jiahn nung mga panahon na iyon maging kami."

"Mahal..tawag nito at inayos ng tayo si Ynnah, pakakasalan mo naman ako diba? Pilit ngiti parin tinanong ni Jiahn si Ynnah. Pero parang gumuho ang mundo nito sa pag iling ni Ynnah, at hinding hindi namin malilimutan ang huling katagang sinabi nito"

"B-buntis ako Jiahn, napangiti kami lahat kasi shempre mag kaka baby na sila pero pinag tataka naming lahat ang hindi pag kibo ni Jiahn"

Bigla nalang nya sinira lahat ng gamit at napaluhod sa sobrang sakit ng nararamdaman nito. Sobrang naguguluhan kami ng mga panahon na iyon

"Ynnah sobrang minahal kita at sobrang nirespeto kita, hindi ko kaylan man hiningi sayo ang bagay na alam nating hindi pa pwede. Kasi sabi mo sa kasal pa diba? K-kaya please sabihin mo saking nag bibiro ka lang, nanginginig nitong sabi at pilit na tumayo pero iyak lamang ang sinagot ni Ynnah, at dahil sa sitwasyon ng dalawa ay nag labasan na kami at nangialam na"

"Nagulat pa si Ynnah ng makita kami at marahil hindi nya ito inaasahan kaya bigla nalang sya tumakbo palayo, hinabol pa sya ng mga magulang nito habang si Jiahn nakaluhod at nakayuko, hindi namin sya makausap."

"Nalaman namin ang tunay na nangyare, buntis nga pala talaga si Ynnah at si Drake ang ama na nandun din mismo sa pinangyarihan, kababata namin sya ni Jiahn. Kaya pala sumunod si Drake ng tumakbo si Ynnah at balak na din pala nila talagang ipaalam ang relasyon nila, hindi lang talaga nya inasahan na mag popropose si Jiahn nung araw na yon. At kinabukasan din na iyon ay lumipad ang dalawa patungong states para doon mag sama" nakagat ko ang labi ko sa isiping ganon pala ang pinang daanan ni Jiahn. Naawa tuloy ako sa kanya

"Nag kasakit si Jiahn, ilang buwan syang hindi lumalabas ng bahay, naging mailap sa tao at naging mapanakit, sobrang trauma ang pinag daanan ng kapatid ko" napayuko sya at napa iyak na naman kaya niyakap ko lamang ito at hinaplos ang likod.

"Alam mo Sienna nung una ka nyang makita sa bayan? Doon na sya nag umpisang ngumiti at kausapin kami. Kinukwento ka nya samin at akala namin nababaliw na sya kasi sabihin ba naman na may nagugustuhan syang katulad ni Ynnah" napakalas ako ng yakap sa kanya at ngumiti

Bale nakikita nya lang pala ako as Ynnah? Nasaktan ako sa isipin na yon, kaya siguro nya ako nagustuhan kasi si Ynnah ako sa paningin nya.

"Halos mag dadalawang taon na din pala simula ng mangyare yon at sa tingin ko ay nakarecover na ng buo si Jiahn kaya salamat Sienna" niyakap nya muli ako.

Kaya siguro ganon na lamang kahigpit sakin si Jiahn dahil sa traumang pinag daanan nito. Ngayon ay mas naintindihan ko na, kaya kaylangan nya talaga ang totoong pag mamahal. Pero sana nga mahal nya ako as ako at hindi ang minahal nya noon. Pero never ko pa sa kanya narinig na sinabing mahal nya ko o i love you man lang sa text, nalungkot naman ako sa isiping iyon

Sa huli ay pinakita sakin ni ate Jiana ang litrato ni Ynnah at totoo palang kamukhang kamukha ko ito na kahit ako mismo ay nagulat.

"Baby, baba na kayo at hinahanap na tayo nina mom" natigil kami sa pag uusap ng biglang sumilip si Jiahn at umalis din agad ito para mauna ng bumaba

"Ayieee baby pala ha" pang aasar sakin ni ate at sinundot sundot pa ko sa tagiliran kaya natawa kami parehas at sabay na din kami bumaba.
------

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now