VI

1.7K 41 0
                                    

# 6

Takbo lakad ang ginawa ko para lang agad na makarating sa gate kung saan sya nakaparada, at ng mahagip ng paningin ko ang sasakyan nito ay agad akong nagtungo doon.

Naabutan ko syang seryosong naka tingin sa labas at wala kang makikitang expresyon sa muka nito kaya dahan dahan kong sinara ang pinto dahil ayaw ko makagawa ng anumang ingay.

"Bakit ngayon ka lang?" Malamig na tanong nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin

"Katatapos lang ng klase ko" dahilan ko kaya napatingin sya sakin

"Talaga? Nasaan ang class schedule mo?" Agad akong kinabahan sa tanong nya, shit 3pm ang tapos ng klase ko at 4:15 na.

"N-nasa bahay, hindi ko kasi nadala" hindi ko alam bakit ko nasabi yan shit sana sinabi ko nalang na hiniram ni Tris, tyak hahanapin nya iyon sa bahay. Walang anu ano ay pinaharurot nya ang sasakyan nya at ganon nalang ang kaba sa dibdib ko.

Parang ayaw ko ng makarating sa bahay, nasapo ko ang noo ko dahil sa mga isipin ko. Buti na lamang ay tinted ang sasakyan ni Jiahn kaya hindi kami napapansin ng mga studyante pero may ilan pa ding nakakakilalala sa sasakyan nito.

Ng makarating ay dumeretso ako sa kwarto at inilagay ang gamit ko don, naligo din ako para lang maka iwas sa maaaring pag usapan namin ni Jiahn.

Paglabas ko ay wala syang akong nakita. Nasan yon? May part sakin na masaya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at hindi ko nga sa nakita. Baka busy, kanina kasi ay may kausap sya sa phone

Nag luto ako ng hapunan at kumain saka tinakluban ko lamang ang para kay Jiahn. Sanay naman na akong hindi sya nakakasabay sa pag kain maging sa pag tulog.  Nag imis ako ng bahay pero wala pa rin hanggang ngayon ang presensya nya. Tsk bakit ko ba hinahanap diba dapat ay masaya ako?

9 na din pala, napasarap ako sa pag babasa ng libro. Nakaramdam na din ako ng antok kaya nag tungo na ako sa kwarto at ipinahinga ang sarili.

Bago pa lamang ako nakakagawa ng tulog ay may marinig ako ingay. Agad akong napatayo ng makita si Jiahn na nakaupo sa kama habang dumudugo ang kamay, sinuntok nya pala ang salamin at naaamoy ko din ang alak mula sa kanya. Ano na namang bang problema neto

"J-jiahn may problena ba?" Tanong ko at hinaplos ang likod nito. Hindi naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya kaya napag desisyunan ko nalang na kumuha ng first aid kit dahil sobrang nag dudugo ang kamay nito

Pero bago ko pa matungo ang pintuan ay nag basag na naman ito ng gamit at phone ko pa talaga?

"Pede naman kasi natin pag usapan hindi yung nag babasag ka ng gamit" hindi ko na din napigilan ang sarili ko at kasabay non ang pag pulot ko ng cellphone ko

Tinignan ko pa ito kung gumagana pa at napansin ko naman ang paglapit nya sakin

"Nakita ka daw Marco lumabas ng clinic, totoo ba?" Nanlamig ako bigla sa tanong nya kaya hindi ko na magawa ang sumagot pa

"TANGINA! SAGOT! TOTOO BA!?" malakas nyang hinatak ang braso ko dahil sa galit. Tanginang buhay to. Nasambit ko nalang

"BAKIT SIENNA? PINUNTAHAN MO YUNG LALAKI MO DON!?" nasampal ko sya dahil sa mga walang kwenta nyang sinasabi

"KAIBIGAN KO SI LIAM AT HALOS MAPATAY NYO SYA! GAWAIN PA BA YAN NG MATINONG TAO!?" Sigaw ko din sa kanya na ikinatawa nya

"Halos? So hindi pa pala sya napatay? Sayang naman, mag aaksaya na naman ako ng oras bukas bakit pa kasi hindi ko pa tinapos kanina" nakangisi nitong tugon dahilan pa maitulak ko sya

"Jiahn naman! Ano pa bang kulang!? Sige gagawin ko lahat tigil nyo lang yang mga kalokohan nyo, ang dami ng nadadamay oh!" Pag papa intindi ko sa kanya.

"Whatever" pag sasawalang bahala nito sa sinabi ko at napailing nalang ako

"By the way where's your class schedule?" Deretsa nyang tanong na malalim na nakatingin sakin. Shit di pa nga kami tapos may kasunod na naman na problema

"H-hindi ko kasi makita"

"Ako ba niloloko mo?" Malamig na tugon nito at agad ako umiling saka pumuntang drawer para kunwareng hinahanap ko ito

"Ang alam ko dito ko sya nilagay" dahilan ko habang kinakalkal ang loob.

"Lagayan mo yan ng underwear panong mapupunta yan jan" napanganga nalang ako at napapikit, shit oo nga ang tanga ko.

"Nahuhuli ka sa katangahan mo Sienna" kasunod non ang pag hila nya sakin at tinulak nya ko pahiga sa kama

Agad syang umibabaw sakin habang madiing naka hawak sa panga ko.

"Ito ang huling beses na pag bibigyan kita sa mga kasinungalinga mo at isang lapit pa sa lalaking iyon ay hinding hindi mo magugustuhan ang mangyayare" kasunod non ang pag halik nya sa leeg ko at pumatak nalang ang mga luha ko.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now