XLII

1K 26 0
                                    

# 41

Sienna's POV

"Xian, ayan na ang damit mo" turo ko sa kama habang kalong ko si Sean at pinupunasan ang buhok nito

Mag sisimba muna kami ngayong umaga, ilang buwan na din akong hindi nakakasimba e. Napatingin ako kay Jiahn ng lumabas ito ng Cr, naka pantalon sya at walang saplot pang itaas.

Ngumiti sya skin habang inaayos ang sintoron nito, may meaning na naman ang mga ngiti nya grabe. Pinag sal-itan ko ang tingin ko sa tatlo at para akong may triplets dahil sa kuhang kuha nila ang muka ni Jiahn. Lalo na ngayon na pare parehas magulo ang buhok nila. Natawa nalang ako kasi ang sarap sarap talaga nilang pag masdan

Tinulungan na din ako ni Jiahn sa dalawa at agad maman kaming natapos

"Tara na.." ako at nauna ng lumabas ang tatlo at sumunod na lamang ako

"Ang ganda naman ng pamilyang 'to nakaka inggit" aniya ni Ate ng madaanan namin ito sa pool kasama si Ynnah na halos tunawin si Jiahn sa titig, akala ko ba nag mo-move on na sya?

Hinalikan ni ate ang dalawa bago kami tuluyang mag pa alam. Mahigpit na hinawakan ni Jiahn ang kamay ko at hindi na binitawan, nag lakad lang naman kasi kami dahil walking distance naman iyon.

Hanggang sa natapos ang misa at sandali kaming kumain sa labas

"Hindi na sumasakit paa mo?" Tanong ni Jiahn ng maupo kami sa bench ng plaza at umiling lang ako

"Kumikirot pero kaya naman ng ilakad.." sagot ko at mas lumapit pa sya saka ako inakbayan

"Badtrip kasi, alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi ng ayos dahil sa pag hawak sayo ni Liam?" Napatingin nalang ako sa kawalan, hindi daw nakatulog? Mas masarap pa nga ang tulog nya sakin eh. Hindi nalang ako umimik at sinandal nalang ang ulo sa balikat nya habang pinag mamasdan ang kambal ko na bumibili ng lobo sa hindi kalayuan

"Baby napag isip ko na sa Manila na nga natin pag aralin ang kambal, si ate kasi hindi ko alam kung anong pumasok sa utak non at kasama lagi si tss basta! Lalayo tayo sa mga yon..." Natawa nalang ako sa inasta nya, kaya mag bago ni Jiahn pero dito talaga sa part na 'to sya nahihirapan, hindi nya maalis sa sarili nya ang pag ka seloso nya, marahil siguro sa mga napag daanan nya kaya pinili ko nalang intindihin

"Nag hiwalay ba kayo ni Ynnah bago ka bumalik sakin?" Pag iiba ko ng usapan kasi wala talaga akong alam sa kanila, basta nalang syang bumalik sakin e gayong alam kong may sila ni Ynnah, ang labas nyan ako ang kabit? Ganon?

"Alam na ni Ynnah yon.." walang reaksyong nyang sagot. Aba't so hindi nga sila nag hiwalay?

Hoy!"malakas ko syang nahampas sa balikat dahil sa sagot nya

"Basta ikaw ang mahal ko at ngayon sigurado na ako don.." sya at iginiya muli ang ulo ko sa balikat nya. Napangiti lang ako sa sinabi nya na sigirado na talaga sya sakin, mabuti at naliwanagan na din si Jiahn

Napatingin kami sa gawi ng kambal ng umiyak si Sean at agad na tumayo si Jiahn

"Ako na baby.." sya at umalis na, nakita ko itong lumuhod kay Xian at pinalo ito sa pwetan dahilan para umiyak na din si Xian at nag tatakbo sakin.

"Mama.." agad itong umub-ob sa hita ko kaya nahaplos ko ito sa likod habang palapit si Jiahn na karga na si Sean at nakaub-ob naman ito sa ama

"Oh bakit?" Tanong ko

"Pinutok yung lobo ng kapatid tapos natututo na ding managot, Xian ha?!" Si Jiahn at naupo na din sa tabi ko, lalo ng napa iyak si Xian dahil sa napag sabihan ng ama

"Xian masama ang sumasagot sa matatanda diba? Lalo na at mga magulang mo.." pag papa intindi ko pero nanatili lang itong naka ub-ob at humihikbi

"Marinig ko pa yang pag sagot mo Xian, makakatikim ka talaga sakin ng palo.." galit na saad ni Jiahn at mukang si Sean ay natakot din dahil napatahimik ito.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now