XV

1.6K 41 0
                                    

# 15

Simula ng nag pakita sya sakin ngayong araw ay hindi na ito umalis sa tabi ko. Naki sit in sya sa buong klase ko pero naka ub-ob lang naman ito mag hapon. Kaya nahaplos ko ang buhok nito.

"Anong bang problema?" Nasabi ko nalang sa hangin habang nakatingin sa kanya at nilalaro ang buhok nito

Nasa pwesto sya ni Liam buti nalang at agad syang lumipat sa likod ko ng makita nyang papasok si Jiahn

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko pero naka ub-ob pa din ito, akala ko kasi tulog sya. Maya maya ay pumasok na din ang prof ko para sa last subject ko. At simula non ay hindi na nya binitawan ang kamay ko hindi tuloy ako makapag sulat ng notes dahil kaliwete ako at nasa kaliwa ko sya kaya nakinig na lamang ako sa discussion.

Tinapik ko sya matapos ang klase at mukang nagising naman sya. Mahigpit pa din ang hawak nya sa kamay ko ng lumabas kami ng room. Hindi ko na tuloy nagawang makipag kita kay Liam para sa business plan namin. Hays babawi nalang siguro ako sa kanya sa ibang araw.

Sobrang naninibago ako kay Jiahn pero mas pinili ko nalang manahimik dahil mukhang kelangan nya iyon

"Baby nag text si Marco, mag bihis ka, pupunta tayo kay na Jiroh dahil birthday ng girlfriend nya" saad nito na mukang binasa pa ang text.

"Hindi ka ba muna mag papahinga?" Tanong ko dahil alam kong hindi sya okey

"No baby okey lang ako" hinalikan nya muli ako sa noo bago kami tuluyang pumasok ng bahay. Sobrang laki na ng pinag bago nya, madalas ko ng nakikita ang sweet side nya. Hindi kaya mahal nya na ko? Nahihiya lang sya sabihin? Natawa ako sa naisip ko.

------

"Hey baby, masyadong maikli yang dress mo" inis na saad ni Jiahn na bihis na pala

"Ganito lang talaga sya baby, may cycling naman ako" hindi na ako nakatanggap ng sagot bagkos malamig nya akong tinitigan.

"Okey, sandali lang" pag pasok ko ulit sa kwarto at nag palit ng dress na above the knee. Mahirap na makipag talo sa lalaking malakas ang tama.

Mukang okey naman na sa kanya ang soot ko ng lumabas ako dahil hindi na sya umimik pa at nauna ng lumabas

7pm na din kami nakarating dahil medyo may kalayuan ang lugar. Madami na ding tao sa loob kaya mahigpit akong napahawak sa braso ni Jiahn dahil maging ako ay hindi sanay na umaattend sa ganitong event. Marahil siguro ay nasanay lamang ako sa simpleng pamumuhay. Sobrang grande kasi ng gayak at halatang may mga kaya ang imbitado.

Napahiwalay ako ng makita ko si Tris at maging sya ay nabigla kaya agad nya kong niyakap at kasama nya pala si Nico, well anong meron sa kanila? Natawa nalang ako, itatanong ko nalang siguro mamaya. Inabutan nya ako ng isang basong wine.

Napansin ko naman na dumeretso si Jiahn sa mga kaibigan nito. Kaya nakipag kwentuhan na lamang din ako kay na Tris at nalaman kong nanliligaw pala talaga tong si Nico sa kanya.

"Hmm kaya pala ha" panunukso ko kay Tris

"Naku si Liam talaga ang gusto ko" deretsa nitong sabi kaya napalaki ang mata ko sa sinabi nya, kasi naman harapan nya pang sinabi e nasa tabi nya lang kaya si Nico.

Napakamot nalang ng ulo si Nico at si Tris nag peace sign lang, hindi ko tuloy malaman kung nag bibiro lang ba sya.

"Sus sige saktan mo lang ako kala mo naman susukuan kita" banat ni Nico na nag pakilig sakin maging kay Tris saka ito umalis at nakipag kwentuhan din sa iba, kaya naiwan na lamang kami ni Tris .

"Huy baka seryosohin mo joke lang yon sinubukan ko lang talaga si Nico" mapang asar na saad nito saka ito nag paalam sakin. Baliw talaga ang babaeng yon halata din naman na gusto nya si Nico kasi tamo oh nakadikit na kay Nico. Tss

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now