XXIII

1.6K 31 0
                                    

# 23

Siena's POV

Tumingin ako sa paligid bago sya sinundan at huminto sya sa parking lot, bago ko sya tunguhin ay humugot muna akong malalim na hininga.

Walang emosyon itong sumakay ng sasakyan nya kaya nag dalawang isip pa ko kung pupuntahan ko pa sya. Kaya lumapit ako sa bintana nya at kinatok ito, ilang sigundo ay binuksan nya din naman ang bintana ito.

"Jiahn hindi naman mag tatagal ang usapan natin kaya dito nalang tayo mag usap sa labas.." saad ko pero nakatingin lang sya sa harapan ng sasakyan nito.

"Jiahn.." pag tawag ko pa

"Pumasok ka.." malamig na tugon nito na hindi parin ako tinatapunan ng tingin. Problema na naman nito sakin?

"Dito nalang Ji..."

"Pumasok ka nga diba!!?" malakas nyang hinampas ang manubela niya kaya hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko

Napalunok ako at mahigpit akong napakapit sa sasakyan nya..kahit kelan talaga napaka ikli ng pasensya nya, kelan ba sya mag babago?

"Jiahn sumosobra kana!" Pag sagot ko, nagawa ko syang sagutin dala na din siguro ng alak. Pero agad ko ding nasapo ang noo ko kasi alam kong sa ginawa kong pag sagot ay lalo lang syang magagalit at magugulo lalo ang sitwasyon

"Ayaw mo ng tanginang issue diba!!?? Kaya bago pa ako mapilitan na lumabas Sy.....!"

"Eto na nga diba!" Inis na saad ko at hindi na sya pinatapos pang mag salita at binuksan nalang ang pinto ng sasakyan nya saka pilit na sumakay at deretsang nalang tumingin sa labas.

Lagi nalang sya ang nasusunod, bwiset kelan naman nya kaya ako pakikinggan?

Tangina kasi talaga, bakit hindi nalang nya agad sabihin ang dapat ng matapos na 'to. Lagi nalang nya akong sinisigawan, e kung yung sinisigaw nya kaya e pinang usap na namin edi sana tapos na.

Hindi na sya nag salita pa at mabilis na pina andar ang sasakyan nya, kaya agad akong napatingin sa kanya

"Jiahn akala ko ba dito tayo mag uusap? Saan tayo pupunta?...." Takang tanong ko pero hindi nya man lang ako magawang tapunan ng tingin o sumagot man lang

"Please, Jiahn itigil mo muna ang sasakyan mo at mag usap muna tayo" saad ko pa dito pero para syang walang nariring. Kaya naisandal ko nalang ang ulo ko sa upuan at pumikit dahil nahihilo hilo na din ako, at muka namang wala na kong magagawa

Nagising ako dahil sa mga halik na naramdaman ko sa labi ko kaya agad ko syang naitulak.

"Jiahn, a-ano bang ginagawa m?" Nauutal kong usad dito

"I need you" saad nito kaya mahina akong natawa

"So sa ganitong bagay kailangan mo ako? Ha? Tangina Jiahn ano ba talaga ako sayo? May iba pa ba bukod sa panakip butas mo lang?" Tanong ko dito, nakaka insulto lang kasi at sobrang nakakasakit na. Bakit ako? Bakit hindi si Ynnah? Sana naman tigilan na nya ako.

"No Sy, mahal ko si Ynnah oo, ang hindi ko lang maintindihan ay yung ganitong pakiramdam na sa tuwing.." bahagya kong tinaas ang kamay ko para patigilan sya sa pag sasalita nya. Ayoko na din kasi marinig pa ang mga sasabihin nya dahil wala na din kami, kaya para san pa iyon?

Nangungusap ang mga mata nyang nakatitig lamang sakin

"Sya ang piliin mo Jiahn, dahil unang una hindi mo ako magagawang iwan kung ako talaga yung gusto mo. Kaya wag mo na pahirapan pa ang sitwasyon, tanggapin nalang natin na tapos na tayo" mahaba kong saad dahilan para mapatingin sya sa kawalan

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon