XXXII

1.5K 44 2
                                    

# 32

Jiana's POV

Hindi ko maialis ang paningin ko kay Sienna kahit alam kong sobra na syang naiilang sa mga pagtingin ko. Napaka laki na ng pinag bago ng itsura nya,  napaka ganda nya na tipong nakakakuha talaga ng atensyon ng iba kaya ganon nalang siguro kapatay na patay ang kapatid ko sa kanya. Medyo iba na din ang itsura nya kumpara kay Ynnah

Kita ko ang takot sa mga mata nya ng pumasok ito sa bahay, sabayan mo pa ng titig nina Mama at Papa kaya hindi na nya alam kung saan pa nya ibabaling ang kanyang tingin, nailing nalang ako

"Sienna.." pag tawag ni mama dahilan para mapatingin to kay mama at bahagyang lumapit. Samantalang si papa nakaupo lang sa sofa at pinapanood sila.

Dinala ko muna sa kwarto ni Jiahn ang kambal saka ako bumalik sa sala.

"Kita mo nga naman.. ang inaakala kong bubuo sa anak ko ay sya din palang sisira dito" panimula ni mama at napaiwas ng tingin si Sienna

"Mama...hindi ko po sina-"

"Wag na wag mo ko matawag na mama Sienna!" Inis na sigaw ni mama kaya napayuko ito.

Masyado maamo ang muka ni mama para maging kontrabida. Hays kung hindi ko lang talaga nalaman ang side ni Sienna ay baka naunahan ko na si mama na masapak 'to

At ito na nga akma syang sasampalin ni mama ng tawagin ko sya.

"Ma...! Pag salitain nyo muna si Sienna.." saad ko pero umiling lang si mama

"Alisin mo sya sa harapan ko..!"galit na saad ni mama at kita ko na ang mga luha sa mata ni Sienna kaya bago pa yon tumulo ay hinila ko na ito paalis at dinala sa kwarto

"Isa kapa Ynnah...!"  Natawa ako dahil pati si Ynnah nadamay sa init ng ulo ni mama. Simula ng mawala si Kiteng? Ang pinaka mamahal na pusa ni mama ay naging mainitin ang ulo nya. Mas mahal pa nya pusa nya kesa sakin kaya mabuti na ding nawala 'to mwhahaha.

Seselos na kasi talaga ako kay Kiteng na yan laging may patirang pag kain si mama tapos ako? Sariling sikap? Isang linggo palang syang namamatay kaya sariwa pa kay mama

Nakita ko pa sila na lumabas ni Jiahn mukang ihahatid na nya ito pauwe. Kahit paano naman ay napatawad din namin si Ynnah pero sadyang hindi ko sya gusto para kay Jiahn.

"Sienna..." panimula ko ng maupo sya sa kama ko pero yumuko lang sya at tuluyan na ngang napaiyak habang nasa mga mata ang kamay nito, nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya

"Iyon na yon Sienna? Naiyak kana sa simpleng sinabi ni mama?" Tanong ko dito at kita ko naman ang pag punas nya sa mga mata nya bago tumingin sakin na mababakas pa din ang sakit.

"A-ate Jiana sorry..." Nauutal nitong saad saka ulit bumagsak ang luha nya sa isa nyang mata.

"Iyang sakit na nararamdaman mo Sienna? Wala pa yan sa kalahati na pinag daanan ng kapatid ko.. kaya umayos ka ha.." matigas na saad ko dito kahit na sobra ko na syang gustong yakapin, sobra ko syang namis at sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya sa pag bibigay nya samin ng kambal

Pero kaylangan kong maging matigas para malaman nya ang pinag daanan ni Jiahn at gaano sya kamahal nito baka kasi maging daan iyon para bumalik ang pag mamahal nya sa kapatid ko.

"G-ginawa ko lang naman ang alam kong tama ate.." paliwanag nito at yeah i know naman pero may isa lang akong gusto malaman na hindi sakin nabanggit ni hmmm whatever ayoko maalala ang lalaking 'yon

"May isa lang naman akong tanong sayo Sienna.." deretsa ko at tumingin naman sya sakin

"Kilala kita e...... Alam kong hindi mo naman iiwan ng basta si Jiahn gayong alam mo naman na sya ang ama ng dinadala mo. Pero ano ba talaga ang nag tulak sayo ha? Kasi tangina Sienna wala akong ibang maisip na katanggap tanggap na rason kung si Ynnah lang din ang dahilan? Malamang naman Sienna na tatanggapin ni Jiahn yan e at alam mo yon diba? Pinakita nya yon diba? Pero bakit ha? Bakit kaylangan pa 'to pag pag daanan ng kapatid ko? Bakit inulit mo?"

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now