XIII

1.5K 34 0
                                    

# 13

Katatapos ko lamang maligo at kasalukuyan akong nag pupunas ng buhok ng biglang pumasok si Jiahn na naka topless at boxer lang. Bumungad sakin ang makisig na pangangatawan nito kaya't napaiwas ako ng tingin.

Kakaibang titig ang binigay niya sakin, bakit ba hindi sya marunong kumatok? Edi sana nakapag bihis ako, naka tapis lang kasi ako.

Naramdaman kong palapit sya pero bago sya makalapit ay pinigilan ko ito.

"Sa labas mo nalang ako hintayin, mag bibihis lamang ako" saad ko pero dumeretso lang sya at tinuon ang dalawang kamay sa salamin, bale nasa pagitan ako ng mga braso nya kaya amoy na amoy ko ang bawat pag hinga nya, halos mag kadikit na din kasi kami

"Tumalikod ka" utos nito ng deretsang nakatingin sa labi ko. Tangina ano bang nasa isip nya? Nasa kwarto kaya kami ng kapatid nya, kaya hindi pwede yung naiisip nya

"No.." iling ko at bahagya syang tinulak

"It's not what you think" bulong nito sa tenga ko, kaya tumalikod nalang din ako.

Kinuha nya ang suklay sa harap ng salamin at inumpisahang isuklay sa buhok ko. Kitang kita ko sya sa salamin na seryoso sa ginagawa nya kaya napa ngiti ako. Ako lang pala yung nag iisip ng iba? Natawa nalang ako

"Sien-.. oh i'm sorry brother" si ate Jiana saka muling sinarado ang pinto. Kaya nahampas ko sa braso si Jiahn na ikinatawa naman nya

"Ayan nakakahiya kay Ate Jiana akala siguro may ginagawa tayo" napairap lang ako at ang loko pangiti ngiti lang.

"Edi gagawin tutal iyon din naman nasa isip nya" saad nito saka akma akong bubuhatin ng hampasin ko sya sa braso

"Tumigil ka nga, kaylangan na natin umalis may klase pa tayo kaya mag bihis kana din" at pinagtulakan ko na sya palabas saka agad na nilock ang pinto buti hindi na nangulit, dederetso na din kasi kami sa school.

-------

"Tita, tito una na po kami" paalam namin at hinalikan ko sila sa pisngi

"Babye girl, mag iingat kayo ni bunso" paalam ni ate at ang totoo nahihiya parin ako sa kanya kaya niyakap ko nalang din sya.

"Bye mom, dad" paalam din ni Jiahn bago kami tuluyang umalis

"Mag iingat kayo" nakangiting pag habol ni tita

At pinaandar na nga ni Jiahn ang sasakyan nito.
At tahimik na nag maneho. Napaka babait ng pamilya ni Jiahn tanggap na tanggap nila ako kaya napangiti nalang ako.

Mabilis naman kaming nakarating sa school pero hindi ko na din nagawang makahabol sa unang subject ko.

Napasulyap ako sa katabing upuan ni Liam dahil ito na lamang ang bakante. Naisip ko naman ang nangyare kahapon dahil naiwan ko sya ng walang paalam kaya medyo nahihiya ako.

May sinusulat sya kaya hindi nya ako napansin ng maupo ako sa tabi nito

"Sienna may groupings pala tayo sa business management at kulang kami ng isa kaya samin ka mapupunta, wala ka kasi kahapon" saad ni Tris at agad lamang ako tumango.

"Sino sino tayo?" Tanong ko.

"Bale ako ikaw, si Nico at Liam at may meeting tayo mamaya kaya wala munang uuwe" Paalala nito saka bumalik sa kanyang upuan.

Napasulyap naman ako kay Liam na ngayon ay nakatingin sakin.

"Eto oh, ang dami mong na skip na lesson kahapon" si Liam at inabot sakin ang dalawang notebook nya. Bakit ba napaka bait mo Liam? ang sama sama ko sayo pero ngayon concern kapa rin sakin.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now