LIV

960 22 0
                                    

# 54

Sienna's POV

Hindi ko na nagawang mag ayos ng sarili ko ng mabalitaan ang nangyare kay Sheena, nawalan daw ito ng malay sa school, sa swimming lesson pa nila, mabuti nalang at may nakapansin dito

Iniwan ko muna ang kambal ko kay Tris at nandito na din kami ni Jiahn sa school nya para sunduin ito sa clinic

May malay na sya ng makarating kami pero naka agaw ng pansin ko ang malaking pasa sa braso nito kaya agad akong lumapit

"Sheena" sabik ko syang niyakap at agad ding humarap dito, naramdaman ko naman si Jiahn sa likod ko

"Maiwan ko muna kayo, dadating din maya ang doctor na syang titingin sa kanya" aniya ng isang studyanteng volunteer kaya nag pasalamat ako dito at sinara na nya ang kurtina

"A-anong nangyare dito" tukoy ko sa braso nya at marahan itong hinawakan

"Bigla kasi akong nalula kanina ate kaya napatama sa gilid ng pool" dahilan nya pero hindi ako nakumbinsi kaya tinaas ko pa ang tela sa kanyang balikat at napatakip nalang ng bibig ng makitang hindi lang ito maliit

"S-Sheena, mag sabi ka sakin ng totoo" deretsa sa matang tanong ko dito kaya napabuntong hininga sya at tumingin kay Jiahn

"Kuya, pwedeng maiwan mo muna kami ni ate?" Pakiusap nito at tumango din naman si Jiahn

"Sa labas lang ako Sy" paalam nito kaya nginitian ko nalang sya at muling humarap kay Sheena

"Ate hindi ko din maintindihan ang nangyayare sakin" mahinang sambit nito kaya napakunot ang noo ko dahil hindi ko sya maintindihan

Mag sasalita pa sana ako ng mag umpisa syang tanggalin ang pa isa isang butones ng damit nya kaya hindi nalang muna ako nag salita at pinag masdan lang sya

Hanggang sa sando nalang ang natira sa kanya at sandali nya ulit akong pinag masdan bago nya ito alisin

Napatakip ulit ako ng bibig ng may makita akong mga pasa sa katawan nya, naupo ako sa tabi nya at tumalikod naman sya, maging sa likod nito ay may malalaki syang pasa

"A-anong ibig sabihin nito Sheena..?" kinakabahang tanong ko habang hinahaplos ang ilang pasa sa likod nya

"Hindi ko alam ate, dumami nalang bigla kasabay ng ilang araw ko ng pag ka lula" halos matulala ako sa sinabi nya

I-ito ang mga senyales na nakita ko kay mama bago ideclare ng doctor na may leukemia sya noon, bata pa non si Sheena kaya hindi malinaw sa kanya ang mga pang yayareng yon, pero ako? Tandang tanda ko pa, tandang tanda ko pa kung paanong nag hirap si mama sa ganoong sakit

Walang magawa si papa dahil mahirap lang naman kami, kulang pa sa gastusin namin ang kinikita nya kaya hindi man lang namin nagawang maipagamot si mama.

Ng mawala naman si mama, nag kasakit na din si papa dahil sa pangungulila nya, dahil sa pag iisip nya ay napabayaan na nya kami maging ang kalusugan nya, binigay nya kami kay tita at nabalitaan nalang namin na wala na sya, sumunod na sya kay mama at natagpuan na wala ng buhay sa mismong bahay namin

Sa pag iisip ko ay hindi ko na namalayan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko

"Ate" hinawakan ni Sheena ang kamay ko kaya nawala ako sa malalim na pag iisip ko, at tuluyang bumagsak ang mga luha ko ng mag tama ang mga mata namin ni Sheena

Nakikita ko si mama sa kanya kaya nahaplos ko nalang ang pisngi nya

"Ate naman, naiiyak ako sayo" mahinang sambit nya kaya mahigpit ko syang niyakap at sunod sunod na ngang pumatak ang mga luha ko

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now