XIX

1.4K 34 1
                                    

# 19

Sienna's POV

Kasalukuyan akong nasa field at nanonood ng mga nag tataekwando, para kasing gusto ko ding mapag aralan para wala na akong kamukha dito dahil balak kong bingutan na. Natawa nalang ako mag isa sa mga naisip ko, napaka bitter ko naman. Hmmp

Ang tagal naman kasi ni Liam, dadaan pa daw kasi sya sa office ni sir Ian, hindi ko naman nasamahan dahil nag cr ako.

Naalala ko ang ipinunta ni Ate Jiana sa bahay ng malaman nito na bumalik na si Ynnah, hintayin ko pa daw ng ilang buwan si Jiahn at wag daw muna akong tatanggap ng lalaki sa buhay ko, hindi ba at parang parurusahan ko lang ang sarili ko non?

Napansin ko ang biglang pag tingin ng ilang studyante sa iisang direksyon sa may bandang likod ko kaya sinundan ko din ito ng tingin, at bigla akong napasingkit ng mata ng makita ang pigura ni Ynnah na papalapit sakin.

Wala kang mababakas na lungkot o galit sa mga muka nya bagkos ay matamis itong naka ngiti patungo sakin, kaya't napa singhab ako. At tumayo mula sa kinauupuan ko

Nang makalapit sya ay agad nyang hinawakan ang dalawa kong kamay at malambing akong tinignan.

"Totoo pala talaga ang mga nabalitaan ko na mag kahawig tayo para lang akong nananalamin" nakangiti nitong saad at na pawang sinusukat pa ang buong sulok ng muka ko pero tanging ngiti lang ang naisagot ko. Kasi ano bang isasagot ko? Hindi ko nga alam ang ipinunta nya dito e

Medyo naiba lang ang itsura nito sakin dahil sa ilang makeup na nakalagay sa muka nito at nakasuot din sya ng mataas na heels kaya tumangkad sya sakin ng konti. Maikli naman kasi ako mag heels dahil hindi ako sanay.

Napapansin ko ang dumadaming mga studyante na nanonood samin. Marahil siguro ay inaakala nilang may gulong mang yayare, hindi naman ako ganoong klase ng babae na mang gugulo dahil lang sa isang lalaki. Pero shempre pag inunahan ako ni Ynnah ay mag kalimutan na. Bingot talaga 'to sakin.

"Hmm Sienna, gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyare hindi ko alam na may girlfriend si Jiahn ng mga panahon na yon.. kinausap ko sya pero.."

"No it's okey, maigi na ding nalaman ko na hindi puro ang pag mamahal nya sakin at nalaman ko lang iyon ng dumating ka" putol ko sa sasabihin nito ng malungkot itong ngumiti

"So hindi ka galit sakin?" Tanong nito habang pinipisil pisil ang mga palad ko.

Hindi.... Pero gusto kong pumatay, gusto ko sanang isagot tss, pero umiling lang ako sa kanya bilang sagot

"Salamat. At salamat din pala sa pag aalagang binigay mo kay Jiahn" hindi nawawala ang mga ngiti nya sa labi, sana lang ay ganon din ako. Masakit parin kasi talaga

Mag sasalita pa sana ako ng makita si Jiahn sa likod nito at malambot akong tinignan. Bigla ko syang namiss. Gusto ko syang salubungin ng yakap pero..

Lumapit ito at hinawakan si Ynnah sa baywang, bigla nalang may kumirot sa dibdib ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin

Kitang kita ko ang pag mamahal sa mga mata nila, lalo na kay Jiahn na kaylan man ay hindi ko nakitaan sa kanya noong nasa piling ko pa sya.

Tangina ang sakit sakit na makita sya sa iba, akala ko okey na ako pero iba parin talaga kapag mga mata ko mismo ang naka saksi. Parang sinasaksak ang dibdib ko.

Tangina nila hindi ba nila alam na iisang linggo palang ang nakakalipas? Shempre sariwa parin sakin ang lahat tapos halos ipakamuka nila? Wala ako makitang bakas sa muka ni Jiahn na naiisip nya ko. Ni minsan kaya sumagi ako sa isip nya? Kahit konti ay namimis nya kaya ako? Sa nakikita ko naman parang nasagot na lahat ng mga tanong ko.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now