XLVII

893 22 0
                                    

# 47

Sienna's POV

"Tara na baby, nag text na si papa.." aya ko kay Xian, nag pasama kasi sya sa playground malapit lang naman sa bahay, samantalang si Sean ay hawak lamang ang kamay ko

"Five minutes pa ma.." sya na pawang may hinahanap, ayaw naman sabihin sakin kung sino

Agad na nag liwanag ang muka ni Xian ng may dumating na dalawang tao, isang batang babae na medyo chubby at isang matangkad na lalaki at masasabi kong gwapo ito

Tumakbo si Xian palapit dito kaya sinundan namin sya ni Sean

"Shaina, aalis na kami gusto lang namin mag paalam ni Sean.." nakangiting paalam ni Xian ng makalapit ito at kumaway lang naman si Sean sa kanila

"Aalis na agad kayo? Wala na ulit ako kalaro.." malungkot na tono ng boses nito

"Babalik kami next year.." aniya ni Sean at wala ng nagawa ang batang babae kundi ang tumango

"Mga anak mo?" Nagawi ang tingin ko sa lalaki na lumapit sa pwesto namin, halos nakatingala ako sa tangkad nito

"Ah oo, si Xian at si Sean.." tumango tango naman ang lalaki na hindi inaalis ang tingin sakin

"Hindi halata na may anak kana, para kang dalagang tignan.." malambing na saad nito at ngitian ko nalang sya at binaling ang tingin sa dalawa

"Xian okey na ba? Nag text na si papa, hinahanap na tayo.." aya ko pa dito dahil parang ayaw pang umuwe. Ngayon na kasi ang uwe namin at pinag bigyan ko lang si Xian na pumunta dito sandali

"Pag bigyan mo na muna ang mga bata.."dagdag pa ng lalaki kaya napatingin ulit ako dito

"Anong oras na kasi e, may lakad pa ang ama nila.." paliwanag ko

"Okey? Hatid nalang namin kayo para naman masulit pa nila ang araw nila tutal aalis na pala ang kruxx ng prinsesa ko.." sabay kurot nito sa batang babae

"Uncle!" Matinis na sigaw ng batang babae kaya natawa lang kami dahil mukang nahiya sa sinabi ng tito nya

"Totoo Shaina?" May pang aasar ni Sean na pawang alam na ang mga ganitong bagay

"Sya tara na.." natatawa parin ako kasi naman ang cute ni Shaina

Nauna na kaming mag lakad ni Sean at sumabay naman ang lalaki samin

"Justine.." pag papakilala nito at inilahad ang mga kamay sakin

"Sienna.." nakangiti ko ding pag papakilala pero hindi ko inabot ang kamay nya at nilingon lang si Xian at Shaina sa likod namin na masayang nag kukwentuhan

"Xian bilisan na natin, 10 minutes na tayong late" paalala ko dito

"Opo ma.."

Medyo binilisan ko nalang ang lakad dahil hindi ako komportable sa lalaki at isa pa late na kami sa tinakdang oras

Napangiti ako ng masilayan na ang bahay namin at ang sasakyang nakaparada sa harap. Samantalang si Justine ay naging tahimik lang, mukang napansin naman nya na ayoko mag entertain ng iba

"Shaina mag paalam kana.." basag na katahimikan ni Justine

"Babye! Babalik kayo ha!" Si Shaina na nakatingin sa kambal ko

"Babye!" Paalam nila at sandali pa kaming nag katinginan ni Justine bago ako tumalikod

Ayoko lang ng may pag awayan kami ni Jiahn dahil kilala nyo naman ang isang yon at ito na nga ba lumabas sya ng sasakyan at matalim na tingin ang binigay sakin

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now