61

9K 194 10
                                    

MEDYO nahihilo pa si Luna nang magmulat siya ng mga mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Seymor at puti na paligid. She can guess that they are in the hospital.

"W-what happened?" tanong niya sa asawa.

"You passed out on the road. Sobrang nag-alala ako kaya dinala kita sa ospital."

"Ano ang sabi ng Doctor?"

"They tested you a while ago. Baka mamaya ay bumalik na rin iyon. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"O-okay naman. Medyo nahihilo pa rin pero feeling ko ay kaya ko ng i-manage."

Niyakap siya ni Seymor. Nanginginig ito. "You really made me worried."

"I'm sorry. Let's just hope it's not so bad..."

Tumango si Seymor. Dumating naman ang Doctor. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Kinumusta siya nito at sinagot naman niya ang kaparehong sagot na sinabi niya sa asawa.

"May sakit po ba ako, Doc? Is it fatal?"

Nakangiti pa rin ito. "No. It's actually a good news." Pinaglipat ng Doctor ang tingin sa kanya at kay Seymor. "You're pregnant."

Napakurap at nanginig si Luna. "Seryoso po kayo?"

"Yes."

"O-Oh God. How can I miss it?" Parang naiiyak si Luna pero siyempre ay sa saya. Sa totoo lang, inalis na niya sa isip ang tungkol sa pagkakaroon kaagad ng anak. Hindi niya na-monitor ang period niya. Na-realized niya ngayon lang na ilang araw na pala siyang delayed. Bukod pa sa isang linggo na niyang hindi maintindihan na mood at pagiging matakaw. She didn't see the signs.

Naniwala si Luna sa pangalawang Doctor niya na wala naman siyang early menopause syndrome. Sinabi niya sa sarili na hindi naman sila nagmamadali ni Seymor. Mas maganda nga kung i-enjoy muna nila ang isa't isa. But knowing that they really have a child overwhelms her. She feels so happy and complete.

Tumingin si Luna kay Seymor. When she saw his happy face, she knew there is nothing she could really wish for in life.

Nagsalita pa ang Doctor tungkol sa lagay niya. Wala naman daw siyang dapat ipag-alala dahil normal lang ang nangyari sa kanya. Pero binigyan pa rin siya nito ng gamot na puwede niyang inumin kapag sumasama ang pakiramdam niya. May vitamins rin ito na nireseta.

"Maraming salamat po, Doc." Parang naluluha na wika ni Seymor bago umalis ang Doctor. Pina-settle lang sa kanila ang bill pagkatapos ay puwede na ulit sila na makaalis. Si Seymor ang nag-asikaso noon. Nang makabalik ito ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"I love you, I love you, I love you..." wika nito na may tumulo pang luha sa mata. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Thank you for everything."

"Ako dapat ang magsabi sa 'yo niyan. Ako ang may malaking kasalanan sa 'yo dahil sa pag-iinarte ko sa mga nakalipas na araw."

"Naiintindihan ko na ang dahilan noon. At kahit ano pa man, kayang-kaya ko iyon na tiisin..."

"Dahil mahal mo ako."

Tumango ito at hinalikan siya. "Mahal na mahal kita..."

Sa pagkakataon na iyon ay hindi na napigilan ni Luha na maiyak rin. At sigurado siya na hindi hormones ang dahilan noon. "Mahal na mahal rin kita, Honey..."

Si Seymor naman ang hindi nakapagsalita. Napaungol siya. Hinawakan niya ang pisngi nito.

"Say something..."

"I-It's hard to say something when you felt so overwhelmed. First, the baby. Pagkatapos ay ang confession mo."

Ngumiwi si Luna. "I should have said it before. Kaya lang, naguguluhan naman ako sa nararamdaman ko. I know I am a woman of confidence. But it bothers me to say my true feelings first before you. Lalo na at hindi naman basta-basta na feeling iyon."

"But you chase after me."

"It was because of sexual desire. Love is different. It is much more powerful. It can make or break you."

"May point ka. Pero sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo sa akin? I am not a perfect man."

"I am not a perfect woman either."

"I have a bad disability."

"But you are still good for me."

"Maybe not in the future..." Yumuko si Seymor.

Hinawakan ni Luna ang ulo ng asawa at sinalubong ang tingin nito. "You don't have to feel insecure, Seymor. We all have imperfections. And love will embrace all of it..."

Tinitigan siya sandali ni Seymor. Pagkatapos ay nagliwanag ang mukha nito at ngumiti. "T-tama ka. Wala akong dapat na ikatakot. But can you please say it again? Baka kulang lang ako sa rinig."

Inirapan niya ito. Pero sa huli ay sumunod pa rin. "I love you."

Umungol ito. "Again."

"I love you, I love you, I love you." Hinalikan niya ito. "Masaya ka na?"

"Very. I am complete." Wika nito at hinawakan ang pipis pa niyang tiyan. "I have a family..."

"I have everything." Wika ni Luna at tumingin sa mga mata ni Seymor. "You're so good, Honey. From the start and I want to believe until forever."

"From the start?" Natawa si Seymor. "Paano? Hindi ko nga iyon naalala."

"Hindi na iyon mahalaga. Basta ang alam mo, magaling ka. Kaya nga siguro kita hinabol." Si Luna naman ang natawa. "Teka, ayaw ko na nga na isipin ang part na 'yun. Funny to say but I feel shy now."

Umungol si Seymor. "You owe me the story for that."

Kinindatan ni Luna ang asawa. "Malalaman mo rin 'yun sa tamang panahon." Tumingin si Luna sa paligid. Sinasamaan na sila ng tingin ng staff pala na naroroon---ibig sabihin lang ay kailangan na nilang umalis. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at hinila na ito palabas ng emergency room cubicle. "Let's go home."

"Okay, but will you promise me one thing?"

"Ano?"

Ngumisi si Seymor. "Ire-renact mo ang lahat ng nangyari sa unang gabi natin pag-uwi sa bahay."

Tawa lang ang sinagot ni Luna at pinagpatuloy ang paghila sa asawa palabas.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now