42

5.1K 127 2
                                    

KAHAPON pa pinipilit ni Luna na mag-concentrate sa trabaho. Nahihirapan siya pero sinusubukan na kayanin. Pagkatapos ng lahat, maliit na rason lang naman na ma-distract siya. Ni hindi nga niya kilala o nakikita pa ang pinaka-dahilan ng distraction niya kaya hindi dapat talaga. Pero malapit ito sa taong malapit sa kanya kahit papaano ay nag-aalala siya.

Kahapon pa hindi nakikita ni Luna si Seymor. Ayon rito ay dinala sa ospital ang Mama nito dahil sa mataas na blood pressure. Okay na naman daw ito at wala na dapat ipag-alala. Kaya nga lang, hindi pa rin sila makakapagkita ni Seymor dahil busy daw ito. Naiintindihan naman niya dahil sa nangyari sa Mama nito. Ayaw naman niyang istorbohin ito. Kailangan ito ng pamilya nito. Pero pakiramdam niya, kailangan rin siya roon.

Kahit mali.

Anong karapatan ni Luna na mag-alala? Samantalang ni hindi pa nga siya legal na karelasyon ni Seymor. Bukod pa roon ay hindi rin niya sigurado kung ano ba ang kahihintnan ng relasyon nila dahil sa magkaibang idelohiya nila at pag-iinarte niya. She should not feel this way. She hated it.

Hindi pamilya ni Luna ang Mama ni Seymor. At kung magiging asawa man niya si Seymor, parang awkward rin kung matutunan niya na mag-alala at mapalapit rin rito. Samantalang sa nag-iisa at buhay niyang pamilya ay wala man lang siyang pakialam....gaano man subukan ng taong iyon na lumapit sa kanya.

At dahil yata sa iniisip ni Luna ay na-attract noon ang isip rin ng pamilya niya. Bago dumating ang lunch ay hindi inaasahan na binisita siya ng ama niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinubukan ni Luna na huwag magpaapekto sa presensiya ng ama. Kahit alam niyang naroroon ito, nagpatuloy siya sa trabaho niya sa computer niya.

"May gusto lang akong sabihin."

"You could have email me."

Tumikhim ang ama niya. "Email? Hindi 'yan normal na gawain ng isang pamilya. Mas maganda sana kung sinabi mo na lang tawagan o i-text---"

"And aren't we normal?" Patuya na putol niya sa sasabihin ng ama. "Say your piece fast. I am busy."

"Nabalitaan ko na may lalaki raw na nali-link sa 'yo. Mukhang seryoso rin daw ang relasyon niyo."

Luna assumed what his father was saying is about Seymor. "Concern ka ba?"

"Oo."

"You don't have to be. I am in good hands." Hindi pa rin tumitingin sa ama na sagot ni Luna. Pero pagkatapos noon ay napansin niya mula sa gilid ng mata niya ang pag-iling nito. Sandaling napatigil tuloy siya sa trabaho.

"What?" Untag niya rito nang hindi naman ito nagsalita sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit importante pa sa 'yo ang love life ko."

"It is. Dahil pina-imbestigahan ko ang lalaking ito at hindi ko siya gusto para sa 'yo."

Doon na napatigil si Luna ng pagtatrabaho. Tumingin siya sa kanyang ama at tinaasan ito ng isang kilay. "How dare you say that to me?"

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now