53

4.7K 125 3
                                    

UNTI-UNTING nawawala ang excitement ni Luna sa pagpuno ng shopping cart niya. Sa kabila kasi ng saya niya sa pamimili ay nahahalata naman niya na kabaligtaran iyon ni Seymor. Hindi ito nagsasalita habang todo shopping siya sa pamimili ng baby clothes and stuffs. Parang ipinapamukha nito sa kanya na hindi nito gusto ang ginagawa niya.

"It's all for now." Nasabi tuloy niya sa sales lady na tumutulong sa kanila ng hindi na niya makaya ang silent treatment ng kanyang asawa.

"Kulang pa po ng baby bottles---"

"We will get it some other time." Nginitian niya ito at nagpatulong na sa counter. "Babayaran na namin ito."

"Is it necessary?" Noon lang nagsalita si Seymor, nakakunot ang noo nito.

Tinaasan ni Luna ng isang kilay ang asawa. "I shopped for it. Of course, I am going to pay for it."

Bumuntong-hininga si Seymor. "This is crazy."

Hindi niya ito pinansin. Sumunod siya sa sales lady na nagtulak ng cart papunta ng counter. Nang tapos ng mai-punch lahat ng items ay ibinigay niya ang card niya pero naunahan siya ni Seymor. Iniabot nito sa cashier ang card nito.

"What the hell?"

Hindi sumagot si Seymor. Hinayaan nito na gamitin ng cashier ang card. Pero sa halip na matuwa dahil nakatipid at nagbigay rin ng "effort" ang asawa niya ay nainis pa siya. She doesn't want anything monetary. Siya tuloy ang nanahimik nang makalabas sila ng baby store. Hindi rin siya nagdala ng kahit anong pinamili nila. Hinayaan niya si Seymor na magbitbit.

"Dadalhin ko muna ang mga ito sa kotse. You wait here then we will have our dinner."

Umiling siya. "No dinner. Gusto ko ng umuwi."

"I'm tired. I won't be able to cook. Let's just eat here. Besides, may bagong bukas na restaurant sa mall na ito na gusto kong---"

"I said, umuwi na tayo." Pinatigas niya ang boses. It's time to pay back!

"Galit ka ba?"

Humalukipkip siya at inikutan ito ng mata. "Look who is talking..."

Nagkamot ng ulo si Seymor. "'Cant you blame me? You are acting so weird."

"It's not weird! Mag-asawa na tayo. At alam mo naman na noon pa lang ay gusto ko ng magkaanak."

"But are you sure about it?"

Hindi sumagot si Luna. Hindi nga siya sigurado. May pakiramdam siya na buntis siya pero natatakot rin siyang kumpirmahin iyon. Mas maganda rin daw kasi na magtake ng pregnancy test sa umaga para mas accurate ang result. Out of town rin ang OB niya kaya ipinagpaliban na rin muna niya ang pagbisita sa ospital.

"You are too excited, Honey. And it's not good. Ayaw kong umasa ka pagkatapos ay masaktan---"

"Stop being negative." Inirapan niya ito at tumingin sa tiyan niya. "I am feeling that I am pregnant. Tatlong araw na akong delayed. I was never delayed."

"Ganyan rin 'yung nangyari last time, remember?"

Tama si Seymor. Inakala niya na buntis siya at nagpa-ospital pa nga dahil akala niya ay dinugo siya. Nasaktan lang siya. Kaya kung nag-iisip man si Seymor ng negatibo ay hindi niya ito masisisi. Nararamaman niyang mahalaga siya rito. Siyempre ay ayaw nito na masaktan siya.

"I don't want you to be so excited. Darating rin tayo diyan. For now, why don't we just focus on ourselves? Mas kilalanin muna natin ang isa't isa bago tayo mag-anak."

Umiling siya. "You don't understand."

"I understand. You are a woman and most of them wants to be a mother. Gusto ko rin naman iyon. Pero na-realized ko na mas maganda na sa ngayon ay huwag muna tayong magmadali. Mas maganda kung i-enjoy muna nating dalawa ang buhay mag-asawa."

Hindi mo pa rin naiintindihan. Nawika na lang ni Luna sa kanyang isip. Paano ba niya ipapaliwanag kay Seymor ang lahat? It is very complicated. And even telling the truth is also hurting her.

"I'm not feeling well. Umuwi na lang talaga tayo."

"Honey---"

Ipinikit niya ang mga mata at itinaas ang kamay. "Please."

Bumuntong-hininga si Seymor. Sa huli ay wala na rin itong naggawa kundi sumunod sa utos ni Luna.

Feared (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ