25

5.7K 143 18
                                    

NANG tawagan ni Seymor si Luna kanina ay hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito. Hindi rin niya inaasahan ang sinabi nito sa kanya---sunduin mo ako. Naguluhan siya sa gusto nitong mangyari. But she sounded like she is in pain so the superman in him got alerted. Walang pag-aalinlanan na inayos niya ang kanyang sarili at sinunod ito.

Pero bago pa man niya masundo si Luna ay ilang beses itong nagpalit ng location. At nang sa wakas ay masundo niya ito, hindi naman maganda ang sitwasyon nito---basang-basa ang buong katawan nito. Mukhang naglakad o tumakbo ito sa ulan. Kaagad naman niya itong pinapasok sa kotse niya nang makita ito.

"What happened?"

Hindi sumagot si Luna. She just hugs herself. Napatiim bagang naman siya. Hinubad niya ang suot na T-shirt at pinagpalit ito. Nagtatakang tumingin ito sa kanya.

"Don't worry, my car is heavily tinted. No one can see you outside."

Hindi pa rin tumalima ang babae. Huminga naman siya nang malalim. "Mahihiya ka pa ba sa akin? You knew I've seen everything..."

Tinitigan siya sandali ni Luna. Pero tumalima rin naman ito. Tinanggal nito ang suot na itim na dress. Bra at panty na lang ang suot nito nang tumingin ulit sa kanya.

"Okay lang naman sa 'yo na suotin ko itong T-shirt mo ng walang bra, 'di ba? It's also wet."

Napalunok muna si Seymor bago nakasagot. Malamig ang paligid dahil umuulan at malakas rin ang aircon ng sasakyan niya. "O-okay lang."

Tinanggal na nga ni Luna ang bra nito. Her luscious breast was exposed. Hindi niya dapat tinitignan iyon. But something in him can't help it.

And he remembers...

The stressball...His stressball.

Gustong mapaungol ni Seymor. Blurred sa kanya ang mga nangyari sa kanila sa tent. Pero may pakiramdam nga siya na totoo iyon. Ginawa niya talaga iyon. Pero dahil naalala niyang lasing rin siya kaya siguro confuse rin siya sa nangyari. Parang ayaw rin niyang tanggapin na ginawa niya iyon rito. He was really a gentleman. And he felt like he is taking advantage of her that time.

Pero alam rin ni Seymor na may pagkakamali siya. Mali na itanggi niya ang nangyari. Kaya kung gusto na siyang iwan ni Luna, dapat ay tanggapin rin niya iyon. Nasaktan ito. Pero hindi ito madaling iwanan. Naging malapit na rin ito sa kanya. They also shared the same wants and needs. At kahit naman hindi rin siya makapaniwala, may tensyon rin sa pagitan nila: Sexual tension.

Ang kailangan lang ni Seymor ay maniwala sa alam niyang imposible.

Naisuot na ni Luna ang damit niya. Mabuti na lang at mahaba ang T-shirt niya para dito kaya na-cover rin ang panty nito. Pero malinaw sa kanya na sa ilalim naman noon ay ang walang saplot nitong dibdib. Kaya parang nahihirapan pa rin siyang huminga at mainit pa rin ang paligid. Paulit-ulit rin na naglalaro sa utak niya ang gabi kung kailan napaglaruan niya ang dibdib nito.

"Drive now."

Sa daan na lang tumingin si Seymor. Kailangan niyang alisin sa isip ang sexy na presensiya ni Luna sa harap niya. "W-where do you want us to go?"

"Anything that will forget all my troubles."

"Aren't I one of them?"

Medyo matagal bago sumagot si Luna. "J-just drive."

Hindi na niya inusisa pa si Luna. Gusto niyang makasama ito 'di ba? So he needed to take advantage of it.

Dinala ni Seymor si Luna sa bahay niya. Nang makarating roon ay kinuha niya ang basa na dress nito at bra. Isinampay niya iyon. Naunang pumasok si Luna sa bahay niya at komportableng humiga sa sofa niya. Nakapikit na rin ito, mukhang makakatulog na nang makapasok siya.

Nilapitan niya si Luna. Sandaling pinagmasdan niya ang mukha nito. Parang natunaw sa saya at sakit ang puso niya. Despite her bossy attitude, he really likes her. Pero maraming "kaya lang" sa isip niya, lalo na at alam na naman niya ang gusto nito at isa iyon sa bagay na hindi niya sigurado kung maibibigay ba talaga niya.

"I-I'm sorry..." Napayuko si Seymor.

"Sorry for what?"

Napatingala si Seymor. Bukas na ang mga mata ni Luna. "F-for everything..."

"Do you really mean it?" Titig na titig si Luna.

"Yeah. But---" Na-frustrate si Seymor sa sarili. Ginulo niya ang kanyang buhok. "I'm so in denial, Luna. Pero may mga dahilan kung bakit ako ganoon."

"Explain it to me, then."

Napatitig na rin si Seymor sa babae. Bigla-bigla ay may pumasok sa isip niya: ayaw niyang mawala ito sa kanya. At kapag sinabi niya ang totoong karamdaman niya, alam niyang mawawala ito sa kanya. Pero hindi ba at kapag nagpatuloy siya sa pagtanggi at pagtatago, rason rin naman iyon para iwan siya nito?

Seymor should spill the beans. It is now or never.

"Hindi ko kasi sigurado kung dapat ko bang paniwalaan ang akusasyon mo. For more than a decade, I believe that I am impotent."

Napakurap si Luna. "P-Pardon?"

"I am impotent. I cannot go up. I have erectile dysfunction, whatever you call it."

"Did you just self-diagnose it or what?"

Umiling siya. "Nagpatingin ako sa Doctor. Two Doctors. They diagnosed it."

"Pero hindi ako naniniwala. We made love---twice! At akala ko nga ay muntik mo na akong mabuntis."

"That's why it's so hard to believe, that is why I am in denial..." Tinitigan niya ulit ang babae. "Pero totoo ba talaga ang sinasabi mo? Because I am really not sure about it. Whenever I see you almost naked or whenever I touch you, I feel an ache in me. I feel hot. But I don't feel that it is growing..."

Napatingin si Luna sa suot niyang shorts, partikular sa lugar ng pagkalalaki niya. "But I've seen it. I feel it. And I am not a liar."

"Ayaw ko rin na isipin na nagsisinungaling ka. Pero ano ba talaga ang patunay? Paano ba ako maniniwala kung Doctor na mismo ang nagsabi ngayon?"

Natigilan sandali si Luna. "Why don't we test it now?"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"You are completely sane today, right? Hindi ka lasing?"

"Yeah..."

Bumangon si Luna mula sa pagkakahiga. Napatayo naman siya habang lumuluhod ang babae sa harap niya. Mas lalo siyang napakunot noo. "Luna? What are you---"

Nahigit ni Seymor ang hininga nang biglang ibaba na lang ni Luna ang shorts at underwear niya.


---

A/N

Pasensya na po at mabagal akong mag-update. Haha! Kasalukuyan po akong nagma-marathon ng Money Heist. Pero patapos na rin naman. Happy weekend to everyone! :)

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now