44

5.1K 130 0
                                    

DIRE-DIRETSONG nilagok ni Luna ang kakarating lang na alak na in-order niya. Napagdesisyunan niyang makipagkita kay Seymor sa isang resto bar. Sinadya niya na agahan kaysa sa oras ng usapan nila dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kayang tiisin pa ang pangangailangan ng katawan niya sa alak. Sobrang sama lang talaga ng loob niya at alak ang nakikita niyang solusyon.

Naka-dalawang alak na si Luna nang dumating si Seymor. Kunot na kunot ang noo nito.

"Hey, bakit hindi mo agad sinabi na nandito ka na pala?"

Hindi siya sumagot sa lalaki. Sa halip ay kinuha niya ang ulo nito at dire-diretsong hinalikan ito. She made it deep and passionate she almost drown on it. Mukhang naapektuhan naman roon si Seymor dahil ibinalik rin nito ang halik. Kaya lang ay saglit lang iyon. He just lost for a moment. Kumuwala rin ito sa kanya at pulang-pula na kinompronta siya. "Luna, what the hell are you doing?"

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. As my partner, you should also kiss me back!"

"But not on this place and not in your situation." Tumingin ito sa paligid, mukhang nahihiya. "We have to get out of here."

"Bakit? Para mas mahalikan ako o itigil itong ginagawa ko?" Umiling si Luna. "Sorry but it's a no. I still want to stay here and get drunk."

Kinuha na ni Luna ang isa pang alak at nilagok iyon. Sinubukan siyang pigilan ni Seymor pero hindi siya nagpapigil. Hinayaan na rin siya nito sa huli pero nakatiim bagang rin na pinapanood siya.

Naka-apat na bote na si Luna nang makaramdam siya ng pagkahilo. Napansin naman iyon ni Seymor kaya inalalayan ang likod niya.

"Why are you doing this?"

Nahihilo man ay malinaw pa rin naman para sa kanya ang tanong ni Seymor. "Dahil naiinis ako."

"Pero bakit? Hindi ba at ako ang dapat na mainis sa 'yo?"

Inirapan niya ito. "Hindi mo naman alam ang pinagdadaanan ko."

Napakamot ng ulo si Seymor. "Paano ko malalaman eh hindi mo naman pinapaliwanag?"

"Naiinis ako sa Daddy ko." Pagsisimula niya at kinuwento rito ang natanggap na tawag mula sa ama. "Hindi ka daw niya gusto. Nagresearch daw siya sa 'yo at sabi niya, bading ka raw."

Hindi nagsalita si Seymor kaagad. Para itong natatawa na hindi maintindihan. "Naniwala ka naman?"

Umikot ulit ang mata ni Luna. "Siyempre hindi! Tried and tested na kita, remember? May disability ka man pero alam ko naman na hindi ka bading."

"Hmmm... Paano kaya niya nasabi 'yun?"

"Hindi ko nga alam, eh. Kaya naiinis ako lalo. Ang lakas ng loob niya na sumugod sa opisina ko at pangaralan ako samantalang hindi naman siya naging mabuting ama sa akin."

Natahimik sandali si Seymor. Naging seryoso ang mukha nito. "Galit ka ba sa ama mo?"

Sandaling natahimik si Luna. Kung sa ibang pagkakataon siguro, mawawalan siya ng lakas ng loob para aminin ang nasa puso niya. Pero dahil sa alak ay parang may lakas siya para ilabas iyon. Isa pa, si Seymor rin naman ang pagsasabihan niya. Sandali pa man sila na magkakilala pero ramdam naman niya na mapapagkatiwalaan niya ito.

Uminom muna ulit si Luna ng alak bago nagpaliwanag. "Sino ba ang hindi magagalit sa isang kagaya niya? Napakahina niyang lalaki, ama at pati na rin asawa."

Napapikit si Luna. Naramdaman niya ang sakit sa pag-alala ng nakaraan. Nang magmulat ulit siya ay nakita niyang nanatiling nakatingin lang si Seymor sa kanya. Mukhang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Huminga nang malalim si Luna at nagpatuloy. "Dalawang taon ako nang maghiwalay si Mommy at Daddy. Magulo kasi ang buhay ni Daddy---siya 'yung tipo ng tao na hindi alam ang gustong patunguhan sa buhay. Sinubukan niyang maging accountant, engineer, politician, college professor at ngayon naman ay natutuwa siya sa newly found "hobby" o "career" niya---ang pagiging chef at pagkakaroon ng all day food business. Alam mo 'yung nauuso ngayon na pack food na kakainin mo sa buong araw? He just build something like that a year ago. There is nothing wrong with that, I know. Pero kung makikita mo ang history ng buhay niya, sigurado akong iiwanan rin niya iyon dahil magsasawa siya---kagaya ng nangyari sa relasyon nila ni Mommy.

"Walang contentment si Daddy sa buhay. Kahit pinaparamdam naman niya sa akin na lagi naman siyang nandiyan, pakiramdam ko ay hindi pa rin iyon sapat. Dahil kung sapat 'yun, bakit hindi man lang niya pinaglaban ang custody ko kay Mommy? I wrote a lot of times to him when I was young to say that I want to live with him. Pero wala akong napala sa kanya. He let me stay with my mom who is a witch.

"Galit ako sa magulang ko---sa Daddy ko na hindi ako iniligtas at sa Mommy ko at Lola ko na pinahirapan ang buhay ko. They are strict and bossy. They are both dead right now pero kung hindi dahil sa kanila, hindi siguro ako kakainisan ng maraming tao. Mabait siguro akong tao dahil hindi ako mahahawa sa kanila." Natawa muna si Luna bago uminom ulit ng alak. Pakiramdam kasi niya ay ilang sandali na lang at tutulo na ang luha sa mga mata niya. "Alam ko naman na puwede kong baguhin ang sarili ko. But they mold me this way. Sabi nila, kung hindi daw ako magiging matapang, hindi ako magtatagumpay. Tama naman sila. I am a successful woman. Pero pakiramdam ko ay may mali pa rin sa pagkatao ko. At gusto kong sisihin sila roon..."

Tumingala si Luna at tumingin sa mukha ni Seymor. He looked sad. Parang lalong nag-init tuloy ang kanyang mata. Pero kagaya kanina, pinili niyang pigilan iyon. Hindi na lang ulit siya nagsalita at ininom ang mga natitira pang alak, pinipilit na alisin ang sakit sa puso niya.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now