55

4.9K 145 17
                                    

NANATILING positibo si Seymor sa kabila ng negatibong sitwayson. Sa halip na matakot sa inamin sa kanya ni Luna ay pinili niya na palawakin ang kaalaman niya. Nagresearch siya tungkol sa sakit nito kahit naipaliwanag na naman iyon sa kanya ng asawa.

"I was never delayed, Seymor..." pagsisimula ng kuwento ni Luna sa sakit nito. "Ilang beses ko na ba itong sinabi sa 'yo? Regular ang period ko. Hindi ito nale-late. But a few months before, it went a bit late. Tapos parang patak lang siya. Sandali lang. Kaya nag-aalala ako na baka may mali sa akin. Namatay ang Mommy ko sa ovarian cancer at natakot ako na baka isa iyon sa sintomas.

"And then the Doctor told me it can be a symptom of early menopausal for women. Kaya concern siya sa akin dahil dalaga pa ako at walang anak. Kaya kung gusto ko pa raw magkaanak, s-in-uggest niya na mag-anak na ako sa lalong madaling panahon..."

Basang-basa ang mata na tumingin sa kanya si Luna. "Masisisi mo ba ako kung sabik na sabik na akong magkaanak? Natatakot ako na hindi na mangyari iyon. I maybe a monster to a lot of people but I still want a child of my own, Seymor. Ayaw ko rin na isipin na may sakit ako. Normal naman kasi talaga ang lahat sa akin, eh..."

Nasasaktan si Seymor sa pinagdadaanan ng kanyang asawa. Naiintindihan na niya ito. Pero kung pareho silang maging mahina at magpaapekto sa sitwasyon, mas lalo lang siya na mahihirapan. Hindi dapat sila magpatalo sa lungkot.

Pinili rin ni Seymor na intindihin ang kanyang asawa. Pagkatapos ng lahat, nang siya ang may problema ay inintindi siya nito. Tinanggap rin siya nito. Hindi siya nito sinukuan kahit na ba hanggang ngayon ay may pinagdadaanan rin siya. Kailangan rin niyang tulungan ang kanyang asawa.

Pero sandali pa lang na nagre-research si Seymor ay napakunot-noo na agad siya.

First sign: mood swings. Hmmm... Parang medyo tagilid. Hindi naman pabago-bago ang mood ni Luna. Sadyang mataray ito at tanggap naman niya ito sa kahit ano pa man ito.

Second sign: Sleep disturbances. Ekis rin ito para sa kanya. Sa ilang gabi na magkasama sila na matulog ay hindi naman ito nagkaka-disturbances.

Third sign: Weight Gain. Payat si Luna kaya parang hindi naman appropriate na tumataba ito.

Fourth sign: Vaginal Dryness. Parang gusto niyang matawa. Lagi nga na basa ang pagkababae nito, lalo na kapag magkasama sila!

And the fifth and final sign: lower sex drive. Lalong hindi siya makapaniwala. Tuluyan na siyang natawa. Si Luna yata ang babaeng hindi mawawalan ng drive sa sex.

Nang matapos ang pagre-research ni Seymor ay nakumbinsi na siya. The signs were just complete opposite of what his wife is experiencing. Sa maikling panahon, pakiramdam niya ay kilalang kilala na niya si Luna kaya ramdam niyang mali ang Doctor.

Maybe Luna was just misdiagnosed.

Gumaan ang mood ni Seymor. At nang magkita sila ni Luna ay ganoon pa rin siya. Masaya ang mukha niya. Lukot naman at nakasimangot ang mukha nito.

"I hate you." Nang halikan niya ito ay ganoon pa ang sinabi nito sa kanya. Kumawala ito sa yakap niya.

"Hmmm... Bakit naman?"

"How can you smile like that when you know my condition?"

Hinaplos ni Seymor ang mukha ni Luna. "At ikaw, alam mo rin naman ang kondisyon ko pero tyinaga at pinakasalan mo pa rin ako. Kaya bakit hindi ako puwedeng sumaya sa piling mo?"

Humalukipkip si Luna. Hindi ito nagsalita kaagad pero bumuntong-hininga rin maya-maya. "I got my period today. Lalong hindi ako buntis."

"We have forever to get you pregnant, Honey."

Sumubsob sa dibdib niya si Luna. "Natatakot ako..."

"You don't have to be." Kinuha niya ang kamay nito at pinisil. "Kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo. Isa pa, may natuklasan rin ako..."

Kunot ang noo na nakinig si Luna kay Seymor. Natulala naman sandali at napaawang ang labi ni Luna sa kanya.

"D-do you really think so?"

"Wala naman na masama na magpa-second opinion 'di ba?"

Natigilan sandali si Luna. Pagkatapos ay gumaan ang awra ng mukha nito. "T-Tama ka..." Ngumiti na si Luna. Pinisil rin nito ang kamay niya. "I'll get a second opinion. You will be by my side, okay?"

"Always..." wika ni Seymor at hinalikan ang asawa.

Feared (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن