23

5.7K 155 13
                                    

MADILIM at tahimik pa ang paligid nang maggising si Luna. Ibig sabihin lang noon ay sandaling oras pa lang siya na nakakatulog. But even so, she woke up with a big smile. Hindi man natuloy ang "pag-iisa" nila ni Seymor kagabi ay magkasama pa rin sila na matulog. Sapat na iyon para mapasaya siya kahit papaano.

Gumalaw si Luna at tinitigan ang tulog pa rin na si Seymor. Fully clothed pa rin ito dahil nga hindi sila natuloy. Nang mawalan ng malay si Seymor sa kalagitnaan ng mainit nilang tagpo ay pinatulog na lang niya ito sa kanyang tabi. Mukhang nawalan lang naman kasi ng malay ng lalaki dahil nahihilo ito. Malinaw naman kasi sa kanya na lasing ito. At kahit nakakainis iyon, parang balewala na rin naman sa kanya. Kahit papaano kasi ay nakatulog siya at gusto niyang isipin na ang dahilan noon ay ang presensiya ni Seymor.

"No matter what happens, you are mine." Wika ni Luna at inilapit ang mukha kay Seymor. She claimed his lips and branded him. Dahil naman sa ginawa niya ay naggising ang lalaki.

Napakurap si Seymor at napalayo sa kanya nang magkamalay na. "Luna? Anong---"

"You are the male version of sleeping beauty." Medyo natatawa na sabi niya. "Hinalikan lang kita at naggising ka na."

Napakurap ulit ito sa kanya. Napahawak ito sa ulo. "Naka-inom na naman ako."

"You admitted that last night."

Tumingin ito sa paligid, parang may pilit na inaalala. "And I-I went here..."

"Do you want me to make you remember it?" she said, caressing his face.

"N-no. Naalala ko." Namula ito at tinanggal ang kamay niya. "It's embarrassing."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ikinahihiya mo ang ginawa mo?"

"Of course. I am out of my mind. I really do silly things when I am drunk..."

Silly things...

Napalayo na rin si Luna. Nasaktan siya sa binitawan na salita ni Seymor. She cherished what happened last night, even though he knew he is clearly drunk. But now, she felt so stupid. Dahil kahit alam na naman ni Seymor ang ginawa nito kagabi, hindi pa rin pala maganda ang tingin nito roon.

"Hey, are you okay?" tanong ni Seymor ng tumalikod siya.

"No. And I want you to get out."

"What? Pero bakit?"

"Just do what I say."

"I don't want to. Marami pa tayong dapat pag-usapan---"

"Just do what I say." Putol niya sa sasabihin nito, pinalakas pa niya ang boses at binigyan ng emphasis ang bawat salita niya.

Natahimik sandali si Seymor. Pero maya-maya ay naramdaman niya ang paghawak ng kamay nito sa likod na balikat niya. "Luna---"

"I said, get out!" Humarap na siya rito. Nag-iinit sa galit ang kanyang mukha. Kabaligtaran naman noon ang reaksyon ng mukha ni Seymor. Namumutla ito.

Inirapan niya ang lalaki. "'Wag mo na akong hintayin na ipagtabuyan ka pa palabas."

Tumikhim si Seymor. Pagkatapos ay huminga ito nang malalim. "Magkikita tayong muli."

Lumabas na si Seymor ng tent niya. Hindi rin naman niya sinagot ang huling sinabi nito. She doesn't have the voice and energy to. Iisa lang ang kaya niya na gawin sa ngayon---ang umiyak.

One word: Pathetic.


---

A/N


Haay, naloloka na ako sa kanilang dalawa. Huhu. Pero dahil undas, let me take a short break po muna. Baka hindi po ako maka-update ng 2 days. >_<

Sana nandiyan pa rin kayo sa pagbabalik ko. Happy Halloween and safe trip sa mga babiyahe ng probinsya o dadalaw sa mga yumaong mahal nila sa buhay.

Thank you for reading my works. Sana mabasa niyo rin ang iba pa sa kanila :)

Feared (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ