54

4.8K 141 37
                                    

NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Luna habang hinihintay ang resulta ng ginawa niyang pregnancy test sa banyo. Maaga siyang gumising para gawin iyon. Kaya maaga rin naman siyang nasaktan. Iisang pulang linya lang ang lumabas sa kit.

It was negative. Hindi siya buntis.

Napaungol si Luna sa inis at sakit. Mali na umasa siya at nagpadalos-dalos pa sa pagbili ng mga baby stuffs. Masyado siyang na-excite. Hindi pa rin naman pala magagamit iyon. O mas maganda siguro na maliit na lang ang chance na magagamit pa nga iyon.

The clock is ticking for her. Sa pagtagal na hindi siya mabuntis, sa paglaki rin ng chance na hindi na siya puwedeng magkaanak pa. And it hurts big time.

Pakiramdam ni Luna, kung hindi siya magkakaanak ay hindi mabubuo ang kanyang pagkatao. Lalo na ngayon na may asawa na siya. Nakita rin niya kung gaano kabait ang magulang ni Seymor. Ito ang tipo ng mga tao na kapag nagka-apo na ay siguradong i-spoil ng mga ito. Ang Daddy niya ay nagpaparamdam na rin tungkol roon. Nang malaman nito na nagpakasal sila ni Seymor ay sinabihan sila nito na gumawa na ng apo. She liked the idea and she was in rush on that.

Na siyang nakikita naman ni Seymor na mali.

May mali talaga si Luna na si Seymor ang pinili niya na partner. He maybe kind and so is his family but he doesn't understand what she is going through.

Pero paano ba niya maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag? Nasa isip ni Luna. May mali rin siya. Pero natatakot siyang magpaliwanag. Natatakot siyang aminin na may sakit rin siya. Natatakot siyang aminin ang katotohanan at realidad ng buhay niya.

Ganoon pa man, alam ni Luna na hindi niya puwedeng itago ang lahat. Lalo na at ngayong may asawa na siya.

Nasa ganoong pag-iisip si Luna nang may kumatok sa banyo. "Honey, are you there? Are you okay?"

Ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata para pigilan ang kanyang luha. Hindi niya alam kung bakit gising na si Seymor. Hindi naman niya ito ginising at pinaalam ang gagawin niya. Inayos na lang niya ang sarili niya, tinapon ang kit at lumabas na ng banyo.

"Yeah, I am okay." Sagot niya kay Seymor na nasa may pintuan.

Tinitigan siya sandali ni Seymor. "You did the test, right?"

Tumango siya. "You're right. Hindi dapat ako umasa."

"Oh, Honey..." His voice sounded sad.

Naglakad si Luna sa kama. Humiga ulit siya. Tinabihan naman siya ni Seymor. "'Wag ka naman na malungkot. Hindi kita iiwan. At kahit na wala tayong baby, nandito naman ako. Ako na lang ang i-baby mo."

Tumawa pa si Seymor sa dulo. Nairita tuloy siya. "It's not funny, Seymor."

"You're just too serious. Pinapagaan ko lang naman ang usapan natin." Niyakap siya nito. "Ayaw ko lang malungkot ka, Luna. It doesn't matter if we have a baby soon or not. We can be each other's baby..."

May punto naman si Seymor. But she wanted to have her own family. At magiging kompleto lang ang isang pamilya kung magkakaroon ng anak. Nalulungkot siya na hindi niya maibibigay iyon sa lalaki at kahit sa sarili niya.

"M-maybe. But the problem is in me, Seymor. Ako ang hindi makatanggap na may problema sa sarili ko." Hindi na napigilan ni Luna ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. "May sakit rin ako. I am diagnosed with an early menopause syndrome..."

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now