21

6K 159 14
                                    

GUSTONG isisi ni Luna na uncomfortable siya dahil sa tinutulugan niya ngayon. Dahil gaming camp iyon, ang accommodation rin nila ay parang camping. They have their own tents to sleep on the night.

Ito ang unang beses ni Luna na matulog sa isang camping tent. Mag-isa lang rin siya roon at medyo may kalayuan pa sa mga tao ang tent niya. Nag-request siya ng ganoon dahil ayaw niya ng maingay. Napansin kasi niya na karamihan sa mga tao sa may tent area ay maiingay. Hindi naman siya natatakot na mag-isa o malayo sa mga tao. Hindi lang talaga siya makatulog dahil hindi yata siya sanay o ginugulo lang siya ng kanyang isip. Palagi niyang naalala ang mga nangyari kaninang umaga...

Isang malaking gulat para kay Luna ang ginawang paghalik ni Seymor. He was ever so gentle whenever he is in his sane mind. Kaya sino ba naman na mag-aakala na marahas na hahalikan siya nito, lalo na sa harap ng publiko?

Pero sa halip na itulak sa pagkabigla ay napapikit si Luna. Para gusto rin niyang maiyak. Gaano man niya subukan na balewalain si Seymor ay parang kasing hirap yata iyon ng paglakad sa apoy na lupa, lalo na kapag nagpapakita ito sa kanya. Gusto niya ang init ng halik at hawak nito. At ngayon pa nga ay pinaparamdam nito sa kanya na gustong-gusto rin nito iyon.

Seymor's lips moved in hers like he kissed it in his entire life. Kabisado na nito ang bawat galaw niya at ang mga klase na gusto niya. He bit her lips, nipped the lower portion of it and open her mouth with his tongue. He collided his burning tongue of desire with hers. Parang nag-iba ito sa Seymor na kilala niya. But isn't change the only thing that is constant in this world? At bakit pa nga ba siya magrereklamo samantalang gusto niya ang ginagawa nito? Uhaw siya rito at sa mga halik nito.

Sinagot rin ni Luna ang mga halik nito. Hindi rin niya napigilan ang mapaungol. So what if they are in public? Her thirst and hunger for him seems to be more important than her reputation...

"This is insane!" Ang reaction na iyon ni Julius ang nakapagpatigil sa kanilang paghahalikan.

"Or are you?" Nakangising wika ni Seymor kay Julius.

Nagtatagis ang bagang na tinignan siya ni Julius. "Tell me this is just a joke, Luna."

"You already have a proof. Hindi pa ba sapat 'yun? Do you want more?"

"Si Luna ang kinakausap ko rito." Masungit na sagot naman ng lalaki.

Nakagat niya ang ibabang labi. Nagyuko siya ng ulo. "Sa ibang araw na tayo mag-usap, Julius."

"I'll expect that. At aasahan ko rin na sa araw na 'yun, you get rid of this guy already." Matalim pa rin ang tingin ni Julius kay Seymor bago ito tuluyan na umalis.

"Sino ba ang lalaking 'yun?" May inis naman sa boses na tanong ni Seymor.

"H-he is one of my colleague and a friend."

"Boyfriend?"

Huminga siya nang malalim. "It's not what you think. Isa pa, bakit mo ba tinatanong?"

"Because you are my business."

"I am a human, not a business."

"Whatever it is, I care for you. At ganoon ka rin naman sa akin 'di ba? Nililigawan mo ako."

"Pero hindi na ngayon."

Natahimik sandali si Seymor. "Ito ba ang dahilan kung bakit parang binabalewala mo ako sa nakalipas na araw?"

Nagtaas siya ng tingin sa lalaki, sinalubong niya ang mga mata nito. Parang nanghina siya sandali pero sinubukan pa rin niya na ilabas ang tapang at tatag niya. "Ano ba talaga ako para sa 'yo, Seymor?"

Si Seymor naman ang hindi nakapagsalita.

Seymor's silence made Luna's heart ache. Naalala niya ang sinabi ng kaibigan nitong si Cato sa kanya: "What makes you think that a girl like you will be a perfect match for my gentle friend?"

Ang naging pag-uusap nila ni Cato ang dahilan kung bakit pinili ni Luna na lumayo na kay Seymor. May punto naman kasi ang lalaki. Hindi sila bagay ni Seymor. Pinipilit niya lang ang sarili niya rito.

Luna doesn't want to be pathetic anymore. Kaya ano pa ba ang ginagawa niya at hinihintay ang lalaking ito? She has a better match than him. Hindi niya deserved ang lalaking ito.

At mukhang sa tingin rin naman ni Seymor, hindi siya deserving para sa buhay nito...

Iniwan na ni Luna si Seymor pagkatapos nitong hindi makasagot. Sinubukan siya nitong habulin at kausapin ulit pero hindi na niya ito pinansin. Her business doesn't also gave him a chance. Naging busy siya. Hindi na rin niya masyadong inisip ang pangyayari dahil na rin sa trabaho. Wala na siyang chance para mag-isip, maliban na lang ngayon na oras na sana ng pahinga niya.

It was a tiring day. Pero hindi pa rin siya makatulog. Maya't maya ay tumitingin siya sa kanyang cell phone. Nag-e-expect siya na tawagan siya ni Seymor. Weird iyon dahil iniwasan at tinanggihan na nga niya ang lalaki. Kung wala na itong pakialam sa kanya, nararapat lang naman iyon.

Pero gusto niyang umasa na kahit papaano ay hahabulin siya nito.

Napaungol si Luna. She feels so frustrated on herself.

Matulog ka na nga! Pagkausap niya sa sarili.

Ipinikit na ni Luna ang mga mata. She tried so hard not to think of Seymor. Pero nang maya-maya ay nakarinig siya ng mga ungol at pagkaluskos sa kanyang panaginip ay napadilat ulit siya ng mga mata.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang may makitang may pumasok sa loob ng tent niya. Kinumbinsi niya ang sarili na isang panaginip lamang ang mga sumunod na nangyari...

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now