51

4.8K 129 5
                                    

MAAGANG naggising si Luna kaya naisipan muna niya na magtrabaho. Masyado pa rin kasing maaga para ipagluto niya ng almusal ang asawa. Dahil sa mga nakalipas na araw ay medyo naging abala siya kaya natatambakan siya ng trabaho.

Inunang tapusin ni Luna ang mga natambak na trabaho. Puwede naman niya iyong gawin sa cell phone kaya hindi siya nahirapan. Nang matapos siya ay tinignan naman niya ang schedule niya. Maluwag ang schedule niya ngayong araw kaya puwede pala siya na pumasok ng late. Hindi niya sigurado kay Seymor pero ramdam naman niya na willing ito na mag-adjust sa lahat ng gusto niya.

Bumangon na si Luna ng kama. Thirty minutes before the usual time ng gising ni Seymor pero inisip pa rin niya na magluto ng pagkain na mas matagal na lutuin. Mabuti na lang at well-stocked naman ang kusina ni Seymor. Naisip niyang magluto ng beef broccoli. Ilang araw na kasi siyang nagke-crave sa pagkain na iyon.

Matagal na palambutin ang baka kaya inabala na lang muna niya ang sarili sa pagkalikot ng cell phone niya. Binuksan niya ang mga application notifications niya. Napukaw ng atensyon niya ang notification mula sa menstrual cycle application niya.

Three Days Delayed.

Napakurap si Luna. Sa dami ng pinagdaanan niya sa nakalipas na araw at linggo ay ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang tungkol sa period niya. And it is something she should look forward to...or not. Dahil kung hindi dumating ang period niya, ibig sabihin lang ay buntis na siya.

She made it... Parang kinilig si Luna. Parang gusto tuloy niyang magtatalon. Naggawa na niya ang plano niya---ang kailangan niya bago pa man mahuli ang lahat.

And now, everything seems to be falling in the right place. May asawa na siya at posibleng magkaanak pa. They are going to be a family.

She is going to be a mother.

Hindi maganda ang childhood ni Luna pero hindi iyon hadlang para mangarap siya na maging ina, lalo na nang malaman niya ang diagnosis sa kanya ng Doctor may ilang buwan na ang nakalilipas. Gusto niyang magkaroon ng pamilya---pamilya na totoong magmamahal sa kanya at mamahalin niya. Ibibigay niya sa magiging anak ang pagmamahal na nahiling niya na naibigay sa kanya ng mga magulang na mayroon siya noong bata pa siya.

Pinahid ni Luna ang luha na unti-unting lumabas sa mata niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Parang gusto tuloy niyang tumakbo ng pharmacy para bumili ng pregnancy kit at masigurado ang lagay niya. Pero dahil may pakiramdam naman siya na tama ang kanyang hinala, wala na rin siyang dapat ipagmadali.

Everything will be okay and great.

Sana...

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now