43

4.9K 158 15
                                    

NAKA-DALAWANG missed calls na si Luna nang sumagot si Seymor. Sinamahan kasi niya na bumalik sa ospital ang Mama niya at dahil gusto rin niyang mag-concentrate sa sinasabi ng Doctor rito ay naka-silent ang cell phone niya. Tinignan lang niya ang cell phone nang maihatid niya pabalik sa bahay ang Mama niya. Nasa out of town business trip pa rin kasi ang Daddy niya at bilang solo na anak, siya lang ang maasahan na mag-aasikaso sa kanyang ina. Hindi man ito na-confine dahil sa mataas na blood pressure ay in-advise ito ng Doctor na bumalik pagkatapos ng ilang araw simula nang isugod niya ito. Okay na naman ngayon ang Mama niya. Kaya nga lang, maraming precautions na sinabi rito ang Doctor para hindi na maulit ang nangyari. Bilang anak rin ay responsibilidad niya na i-monitor na susunod ang ina sa mga bilin ng Doctor.

Mahalaga para kay Seymor ang Mama niya at maiintindihan naman siguro ni Luna ang hindi niya kaagad pagsagot sa tawag nito. Pero mali siya. Galit ang babae nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.

Sabagay, hindi na rin naman bago ang reaksyon niya na ito. Nasa isip na lang ni Seymor.

"What the hell are you doing?!"

Pinaliwanag ni Seymor nang kalmado ang nangyari.

"Palagi ka na lang abala. Kailan mo ba ako bibigyan ng oras? I need you right now!"

Huminga nang malalim si Seymor. "Puwede bang mag-relax ka nga?"

"I'm not in a good mood. Gusto kong magkita tayo mamaya. And I won't take no for an answer!"

"May importante ba tayong dapat pag-usapan? Mukhang atat na atat ka, ah." Ngayon ay parang na-amuse si Seymor. Parang naiintindihan na niya ngayon ay ang inaasal ni Luna.

"Kailangan ba na importante para magkita tayo?!" Nai-imagine niya ang paglaki ng butas ng ilong nito sa galit at parang natatawa tuloy siya. "Basta gusto ko na magkita tayo. I'll call you again later and make sure you will answer it ASAP!"

"Aye, aye boss!" Natatawa na lang rin na sagot niya. Pinatay na naman ni Luna ang tawag.

Ngising-ngisi si Seymor sa kabila ng inis ni Luna. Mukhang tama nga talaga ang ama ni Luna sa binitawang mga salita nito sa kanya at sa plano na pr-in-opose nito sa kanya.

"Kilala ko ang anak ko. Lahat ng bagay na gusto kong gawin niya ay hindi niya gagawin. She's that stubborn..."

Dahil sa naisip, napatawag tuloy si Seymor sa lalaking bigla niyang naisip.

"Hello, Tito. Mukhang nakausap niyo na si Luna, ah? Good news po. I think it's working..."

Hindi kaagad sumagot ang matanda pero na-imagine ni Seymor na kagaya niya ay malaki rin ang ngisi sa labi nito.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now