15

6.1K 181 24
                                    

NIYAYA ni Luna si Seymor na mag-lunch. Pero tumanggi ito dahil abala raw ito.

"One hour lang naman ang lunch. Can't you spare time for me?"

"I'm really sorry, I cannot. Saka traffic sa labas. It will take more time if I go out for lunch."

"I insist. Gusto kong makasama ka. I missed you."

Bumuntong-hininga si Seymor sa kabilang linya. "If you really are determined, pumunta ka na lang dito sa opisina ko. Magdala ka ng lunch para sa ating dalawa. And take note: gusto ko 'yung lutong bahay, 'yung hindi nabibili sa restaurant lang, ha." Wika nito at binabaan na siya ng cell phone.

Pinanatili ni Luna ang pagiging makulit. Tinawagan niya ulit ang lalaki. "Hey, ayaw ko ng binababaan ako ng telepono, ha."

"At ayaw ko rin na kinukulit ako kapag sinabi ko na busy ako." May inis na ang boses ni Seymor. "'Wag mo akong galitin, Luna. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nanliligaw sa akin."

Pinatay na naman ni Seymor ang tawag niya. Nangigigil siya. Pero may punto naman ito kaya pinili na lang niya na intindihin ito.

Tinawag ni Luna ang sekretarya at inutusan. "Ihanap mo ako ng pagkaing lutong bahay."

"Anong oras niyo po kailangan?"

Napatingin siya sa relo. Alas onse na. Thirty to forty minutes ang biyahe papunta sa opisina ni Seymor, depende pa sa traffic. "Within twenty minutes or even less."

"Ahmm, Ma'am. I'm sorry but I don't think it's possible. Ang alam ko po kasi kapag lutong bahay, kailangan na iluto pa siya kapag in-order mo. It will take time---"

Napatigil ito nang taasan niya ng kilay. "Ano pa at h-in-ire kita bilang sekretarya ko? Make things possible! Be efficient!"

Naumid ang dila ng sekretarya. "Susubukan ko po, Ma'am."

Nag-follow up siya sa sekretarya after twenty minutes. "Sorry, Ma'am. Kakatawag ko lang po at niluluto pa raw po. Baka mga twenty minutes pa daw po tapos ide-deliver pa dito---"

Nagngitngit ang ngipin niya. "Damn! Paano na ako ngayon?"

"Subukan po natin sa karinderya sa labas po. Puwede na rin naman po 'yun na matawag na lutong bahay."

Kumunot ang noo niya. "Karinderya? Hindi ba at madudumi ang pagkain doon?"

"Hindi naman po. Lagi naman po akong nakain doon at hindi naman po ako nagkakasakit."

Nauwi sila sa karinderya. Sumama pa siya sa sekretarya habang namimili ng "lutong bahay" na pagkain na gusto ni Seymor. Sinigang na Baboy at Menudo ang nabili nila.

Masuwerte naman na walang traffic kaya saktong lunch time ay nakarating sila sa opisina ni Seymor. Kilala na siya ng sekretarya nito pero hindi kaagad siya pinapasok.

"Wait lang po, Ma'am. May kausap lang po kasi si Sir. Pagkalabas na lang po kayo pumasok."

Sinunod niya ang sekretarya. Naghintay siya, iniisip na baka sandali na lang naman at lalabas na ang kausap ni Seymor. Pero ten minutes na ang nakalipas ay wala pa rin na lumalabas.

Lunch time rin ng sekretarya pero dahil sa table nito ito kumakain ay nakausap niya ito. "Sino ba 'yang nasa loob ng opisina niya? Masyado ng abusado, ha. Lunch time na ni Seymor. Hindi dapat siya iniistorbo."

"Ah, kaibigan niya po. Biglang napabisita."

"Friend lang pala. Akala ko naman importanteng kliyente o ano." Nagkibit-balikat siya at naglakad na papunta sa pinto ng opisina ni Seymor. Sinubukan siyang pigilan ng sekretarya pero hindi siya nagpapigil. Nagdire-diretso na siya sa pagpasok.

Isang lalaking maputi at may pagka-chinito ang naabutan niya sa opisina. Sa biglaan niyang pagpasok ay mukhang nagulat ang mga ito, lalo na ang chinito. Hindi naman niya pinansin ito.

"Hi, Babe." Bati niya kay Seymor.

Parang nalaglag ang panga ng chinito na lalaki. "Ha? Babe? Girlfriend mo?" Pinaglipat-lipat rin nito ang tingin sa kanya at kay Seymor.

Tinignan niya ito sandali at nginisian. "No. I'm his future wife." Confident na wika niya at nilapitan si Seymor at walang pag-aalinlangan na pinaglapit ang kanilang mga labi.

---

A/N

Jusko, Luna! Sana all may self-confidence na kagaya ng sa 'yo. Hahaha!

Feared (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz