36

5.2K 133 12
                                    

PARANG pinagbagsakan si Seymor ng langit at lupa sa binitawang salita ni Luna. Namutla at nanghina siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"I just want a child from you, Seymor. That's it. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang idea na gusto kong magpakasal tayo." Hindi pa rin nababawasan ang galit sa mukha at tinig ni Luna.

Umiling si Seymor. Hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi nito. "Hindi mo ba naalala? You declared to Cato that you are my future wife!"

Natameme sandali si Luna. "I-It's impulsive of me. But I don't really mean that."

"At ano ang gusto mong gawin sa akin, Luna? Sperm Donor? Palahian?"

"We can live, have sex and raise our baby together. But not marriage. I do not like and believe the idea of that."

"That is not right. I want a family, an official and legal family. Hindi ko papayagan ang gusto mo at ganoon rin ang pamilya ko."

"Your family will not be involved with this."

Nanlaki ang mata niya. "What the hell are you talking about? Kung mabubuntis ka man, anak ko 'yan. Pamilya ko 'yan. May karapatan ang pamilya ko diyan!"

Hindi nagsalita si Luna. Nagngingitngit na tuloy siya sa galit. Ano ba itong napasok niya? Pumayag siya sa isang proposal na hindi malinaw ang mga bagay-bagay. Hinayaan niyang pangunahan siya ng tawag ng laman. It was a very bad idea.

"Hindi ako papayag na magkaroon ako ng anak na bastardo, Luna. Magpapakasal tayo, sa ayaw mo o sa gusto!"

Umiling ito pagkatapos ay tinalikuran siya. "Leave."

Kaunti na lang ay malalaglag na ang panga ni Seymor sa galit. "What the hell? You could be pregnant by now, Luna! Alam ko na mali at napaka-ungentleman ng ginawa ko na nakipag-sex ako sa 'yo bago ang kasal. I am sorry for that. But now, I am correcting my mistakes. We will marry as soon as possible. Hindi ko papayagan na paalisin mo ako---"

"For now." Putol nito sa sasabihin niya. "I want you to leave for now. Saka na tayo mag-usap kapag nakapag-isip-isip na ako nang tamang gawin."

Sinubukan ni Seymor na magprotesta pa rin. Pero naging matigas si Luna. She stood firm on her decision: pinilit siya nitong umalis at wala na rin naman siyang naggawa.

Pinapasakit ni Luna ang lahat sa kanya. She gave him an unbelievable ache on his cock and also in his head. She is such a brat. She is a pain in the ass and sadly, she is also becoming a pain in his heart.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now