60

5.9K 167 17
                                    

NAKATANGGAP ng tawag si Luna mula kay Cato. Pilitin raw niya si Seymor na pumunta para sa gender-reveal party ng kaibigan ng mga ito na si Dash. Wala siyang kaalam-alam na may lakad pala ngayon ang asawa kaya sinabi niya rito ang nangyaring tawag.

"Mukhang galit si Cato."

"Hayaan mo na siya." Pinatay nito ang TV. "It's holiday. Mas gusto ko na makasama ka."

Nilapitan siya ng asawa. Niyakap siya nito pero hindi niya ibinalik iyon. "Napapansin ko na hindi ka lumalabas kasama ang mga kaibigan mo."

Sa totoo lang, sa mahigit na isang buwan na mag-asawa sila ni Seymor ay hindi ito lumalabas kasama ang mga kaibigan nito. Ni hindi rin nito nababanggit iyon.

"Ayaw mo ba noon? Nasa sa iyo lang ang atensyon ko?"

Tinitigan niya ito. "Galit ka ba kay Dash at Kaia?"

Lumayo si Seymor sa kanya. "Bakit naman ako magagalit?"

"Alam ko ang nararamdaman mo kay Kaia noon."

"It's past. At hindi naman malalim iyon." Umingos ito. Pinindot rin nito ang kanyang ilong. "'Wag mo siyang pagselosan."

"Hmmm..." Napaisip si Luna. Wala naman siyang dapat ipagselos. Okay naman sila ni Seymor. At kung magkakaanak na si Dash at Kaia ay mukhang okay rin ang relasyon ng mga ito. "Parang gusto ko siyang makita."

Natigilan ang katawan ni Seymor. "S-seryoso ka?"

Pinakiramdaman ni Luna ang sarili. "Yeah. Let's attend the gender-reveal party."

Napakurap si Seymor. Parang hindi ito makapaniwala sandali. Tumayo na siya at nagsimula nang mag-ayos para ipakita rito na seryoso talaga siya. Sumunod na rin naman ito pero ramdam niya na parang may pag-aalinlangan pa rin ito sa kilos.

Hindi na pinansin ni Luna ang kakaibang kilos ng kanyang asawa. Nagfocus siya sa sarili niya. Nag-ayos siya, nagsuot ng isa sa pinakamaganda niyang pulang damit at nag-heels pa. She wanted to look beautiful. Gusto niyang maging proud si Seymor sa kanya kapag personally ay nakita na siya ng iba pang kaibigan nito. Isa pa, para matalbugan rin niya si Kaia. Gusto niyang makita ni Seymor na wala itong dapat pagsisihan na hindi ito pinili ni Kaia. She wanted him to feel that right now, he got the best.

"Wow." Puno naman ng paghanga ang mga mata ni Seymor nang makita siya. "You're so beautiful, Honey..."

"I know, right?" Ngingisi-ngisi naman na wika niya. "Mas maganda ako kay Kaia, 'di ba?"

"Siyempre naman." Hinapit nito ang baywang niya at hinalikan siya. "And I am so lucky to have you."

Napapikit si Luna. Bigla siyang nahilo nang mapalapit kay Seymor at maamoy ang pabango nito. Lumayo siya rito na may lukot tuloy ang mukha. "Haays, tara na nga!"

Kumunot naman ang noo ni Seymor sa pagbabago ng kanyang reaksyon. Pero hindi na rin ito nagsalita at sumunod sa kanya nang lumabas siya ng gate. As usual, ito ang nagdrive papunta sa bahay nina Dash at Kaia. Na-e-enjoy kasi ni Seymor ang pagda-drive kaya hindi ito kumukuha ng driver. Siya naman ay ganoon rin, bukod pa sa pakiramdam niya ay mas safe siya kung personal na siya o taong kilala niya ang nagda-drive. Noong bata pa kasi siya ay may sarili siyang driver at nasangkot sila sa major accident. Simula noon, na-realized niya na hindi magandang ipagkatiwala sa iba ang sarili.

Nang makarating sila Seymor at Luna sa bahay ay halos sila na lang ang hinihintay. Hindi na naman iyon kataka-taka dahil late na silang naabisuhan---kasalanan siyempre ng kanyang wala pala na balak na asawa.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now