17

5.9K 160 16
                                    

HINDI mapakali si Luna. May pakiramdam kasi siya na baka kaya palagi siyang tinatanggihan at pinahihirapan ni Seymor ay dahil may ibang babae ito. Naiisip niya ang nabanggit na si Kaia. Kahit nilinaw naman sa kanya ni Seymor na asawa na ito ng kaibigan ay baka may nararamdaman pa rin ito sa babae. Maybe his feelings for her are the main reason he couldn't return her feelings back.

Pero hindi naman niya matanong si Seymor tungkol kay Kaia. Sa tuwing ginagawa niya ay naiinis ito sa kanya o kaya ay iniiwasan siya. Sinubukan niyang i-research si Kaia. Kakaunti lang naman ang nakuha niya na impormasyon. Pero isa sa mga iyon ang katotohanan na nagpakasal na nga ito at ang sinasabi ni Seymor na kaibigan nito na si Dashrielle "Dash" Panganiban.

Ganoon pa man, hindi siya kontento. She needed more of the story about Seymor and his past. Kaya sinubukan niyang hanapin ang kaibigan na pinagmulan ng pangungulo ni Kaia sa kanya---si Cato. Isa rin itong business man kaya madali lang ito na hanapin. Personal rin niyang pinuntahan ito sa opisina nito na malapit lang naman sa kanya.

Nakilala naman siya kaagad ng lalaki. "Oh, hello, Miss Taray aka Seymor's Future Wife." Ngingisi-ngisi na wika nito nang makita siya. "How are you today?"

"I'm good, thank you." Tumingin si Luna sa isa pang babae sa opisina nito. Sa itsura nito ay mukhang may ginawang kababalaghan ang dalawa bago pa man siya pumasok. Magulo kasi ang buhok ng babae, pawisan ang mukha at smudge na ang lipstick nito. May bakas pa noon sa labi ni Cato. Obviously, they were making out. Malas nga lang nito dahil wala siyang sekretarya na nakita sa labas kaya basta-basta na lang siya pumasok at nahuli ang mga ito.

Kung pagbabasehan tuloy sa nakita niya ay parang mahirap paniwalaan na kaibigan ito ni Seymor. Mabait at gentleman kasi si Seymor---kapag nasa matinong pag-iisip. Samantalang ang lalaking ito, dahil nasa opisina naman ay dapat matino ang pag-iisip. Pero mukhang nasa dugo nito ang pakikipaglaro.

"Okay, good. Ako ba tatanungin mo kung kumusta ako?"

Tumingin siya sa babaeng kasama nito. "There is no need to. Obvious naman. You had a good time. May lipstick ka pa nga sa labi mo."

Napahiya ang lalaki. Naghanap ito ng salamin at tinanggal ang lipstick. Pinaalis na rin nito ang babae na kasama sa opisina.

"Magaling ka talagang mansupalpal 'no?" Parang inis na wika nito.

Hindi niya ito sinagot. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tell me about Kaia."

"Hindi pa nakuwento ni Seymor sa 'yo?"

Pinandilatan niya ito ng mata. "Kung may sinabi siya, hindi ko na kailangan na magpunta rito."

"Fine." Lumabi ito. "Kaia is our friend's wife."

"And so Seymor said."

Tinaasan siya ng kilay ngayon ng lalaki. "Akala ko ba walang sinabi sa 'yo si Seymor?"

"'Yan lang ang alam ko. Ano pa? May past ba sila ni Seymor?"

"Kind of. May gusto si Seymor kay Kaia. In fact, ang alam ko nga ay gusto na niyang pakasalan si Kaia. But Dash won't give him the opportunity to do so."

Napakuyom ang kamay ni Luna. Alam na ni Seymor na pang-seryosohan na commitment ang gusto niya. Kung gusto nito na magpakasal, ibig sabihin lang noon ay gusto na rin nitong magka-anak.

Too bad, hindi siya ang napili nito. Kailangan pa niyang maghirap para piliin nito.

"Nagseselos ka ba?" tanong ni Cato.

Hindi siya sumagot. She was guilty as charged.

Kinuha ni Cato ang pagkakataon na iyon para inisin siya. Obviously, he hated her guts. "Silence means yes." Ngumisi ito nang nakakaloko. "O, nasaan ang tapang mo? Dapat ba na magselos ang mga confident na maging future wife?"

Luna hated this feeling. At ayaw rin niyang inaasar kapag naapakan ang pride niya. Tumayo na siya at tumalikod sa lalaki. She had enough information, enough to break her heart.

Pero hindi pa sapat ang lahat para kay Cato.

"Teka lang, hayaan mo muna akong tanungin ka bago ka umalis." Tawag ng lalaki sa kanya bago pa siya makalabas ng pinto.

Sumunod si Luna. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin nililingon ito. "Tell."

"What makes you think that a girl like you will be a perfect match for my gentle friend?"

Napakurap si Luna at sandaling natigilan. Pero wala pa rin na sagot na tuluyan na siyang lumabas ng opisina ni Cato.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now