11

7.1K 174 4
                                    


PUNONG-puno ng pawis ang mukha at katawan ni Seymor nang magising siya. He had a dream...again. Pero parang hindi lang iyon basta-basta na panaginip dahil isang linggo na siyang binabagabag noon. Paulit-ulit lang niya na napapaginipan si Luna at ang pag-aangkin niya rito.

Hindi niya sigurado kung may ibig sabihin ba ang panaginip. Pero parang totoo ang lahat ng iyon. Hindi nga lang niya makumpirma kung ganoon nga ba dahil hindi naman iyon pinapatunayan ng katawan niya. When he woke up, it is still the usual.

Dead.

Napamura si Seymor nang makita na naman ang kanyang pagkabigo. Paano nga ba niya paniniwalaan si Luna kung sa panaginip lang siya dinadalaw ng mga alaala? At puwedeng hindi totoo ang panaginip. Bukod sa isang beses lang naman ang naalala niya---noong nalasing yata siya sa wine. Ang background kasi ng paulit-ulit niyang panaginip ay ang kuwarto nito.

Bumangon na si Seymor ng kama. It is another frustrating morning. At parang ganoon rin ang naramdaman niya nang makita na naka-tatlong tawag na pala sa kanya si Luna. Pero sa halip na i-call back ito, hinayaan na lang niya iyon. Sigurado naman siya na hindi iyon importante dahil sa loob ng isang linggo, nakaka-sampung tawag sa kanya si Luna sa kanya sa isang araw. Kinukulit siya nito.

And even though he likes her, he cannot accept her. Magiging unfair lang iyon rito. Gusto man niya na mag-settle down na pero hindi sa babaeng kagaya ni Luna.

Gusto siya ni Luna dahil iniisip nito na maibibigay niya ang gusto nitong anak. At sa kondisyon na mayroon siya, pakiramdam niya ay malabong maibigay niya iyon.

Feared (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ