48

4.8K 146 14
                                    

"THIS is not legal." Madilim ang mukha ni Seymor nang makalabas sila ng mayor's office kung saan sila "ikinasal" ni Luna. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kanyang "asawa". Gusto man niya na magpakasal pero hindi sa ganitong paraan! Napakabilis ng lahat. Ni hindi man lang nga alam ng pamilya niya ang tungkol rito. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kanya?

Nagpakasal si Seymor na wala man lang bisita na pamilya o kaibigan niya. Ang witness nga lang nila ay ang mayor's assistant.

"It is. We just had a ceremony. It is civil and true."

"We don't have a marriage license---"

"But still the mayor wed us." Kinindatan siya nito. "Ire-register na ang kasal natin kaya wala ka ng kawala."

"You really are a powerful woman, are you?" Naiinis na sabi niya.

Nang-aasar naman na nginitian siya ni Luna. "Alam mo na iyon. I don't need to elaborate. And I explained to you that the mayor is my God father and a very good friend of my mom and grandmother. So that's make it easy for me...or for us."

"Hindi ko ito nagustuhan." Pag-amin niya kay Luna nang makabalik na sila ng sasakyan. Tumingin pa siya sa kamay niya na may singsing na nga. Si Luna rin ang nag-asikaso ng lahat.

"Halata naman." Tumawa si Luna. "Pero sa tingin mo ba ay nagustuhan ko ang kuntsabahan niyo ng Daddy ko?"

Natigilan sandali si Seymor. "I-Inamin na sa 'yo ni Tito."

"Yes. And I didn't like it. Ginamit mo pa talaga ang Daddy ko." Iiling-iling na sabi ni Luna. "But anyway, I have my revenge now. Alam ko na gusto mo na magpakasal. Pero dahil kilala na kita, alam kong hindi mo magugustuhan ang klase ng kasal na ibinigay ko sa 'yo. You are a gentle and dignified man, Seymor. Siyempre, gugustuhin mo ang isang magandang kasal para sa ating dalawa."

"Tama ka doon. But I hate the fact that you want to make even on me. Ginawa ko lang naman na kuntsambahin ang Daddy mo out of desperation. At okay naman ang kinalabasan rin 'di ba? Itinawag na sa akin ni Tito kanina na maayos na kayo. You look happy about it."

"Yeah, I am fine. Masarap sa pakiramdam na magkabati na kami." Nagkibit-balikat si Luna. "And surprisingly, masaya rin naman ang pakiramdam na maging kasal sa 'yo. Now that my relationship with my father is okay, the fear in me is slightly gone. Natatakot ako na magpakasal dahil ayaw kong maggaya sa parents ko---ang maghiwalay at makita ko pa kung gaano kahirap na magprocess ng annulment. It took them years, you know. May isip na ako ng legal na mapaghiwalay silang dalawa. Ayaw ko lang na makita ng anak ko ang mga ganoong pangyayari. Pero ngayon ay na-realized ko rin naman na iba ka sa Daddy ko. Matiyaga ka sa mga bagay, hindi kagaya niya at ni Mommy. So I thought if things won't work out properly, you won't give up easily. Kagaya ng ginawa mo nang nag-inarte ako sa 'yo..."

"Hmmm..."

"Anyway, ano pa ba ang pinagrereklamo mo sa ginawa ko rin? You got what you want. I just didn't agree to marry you. Ako pa mismo ang nag-ayos ng kasal natin. And now, we are married."

May punto si Luna. Kasal na sila ngayon at iyon naman talaga ang gusto niya. He should just accept it and take it positively. Hindi man iyon sa paraan na gusto niya pero kasal na sila. Dapat ay maging masaya na lang siya.

Pero parang hindi basta-basta matanggap at maintindihan iyon ni Seymor. He felt like he had the need to get back on her, too. Sa dami ng magagandang ginawa niya kay Luna, ito pa ang gagawin nito sa kanya? He doesn't really like it.

Hindi na lang nagsalita si Seymor. Inumpisahan na niyang magdrive. "Sa bahay ko tayo dumiretso. Nandoon pa rin si Daddy. I want him to know about the wedding. Hindi ko sinabi sa kanya ang naisip kong plano nang umalis ako kanina."

Tumingin lang si Seymor sandali sa mukha ni Luna pagkatapos ay ibinalik na ang tingin sa daan. Maya-maya ay may bigla siyang naisip at napangisi siya. Pinagpatuloy pa rin niya ang pagda-drive pero hindi sinunod ang plano ni Luna.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakahalata naman ang asawa na sinuway niya ito.

"Hey, hindi ito ang pupunta sa bahay ko." Tumingin si Luna sa kanya, naniningkit na ang mata. "Teka, saan mo ako dadalhin?"

Ito na ang oras ni Seymor para gayahin ang mapang-asar ni ngiti ni Luna kanina. "Maiintindihan naman ni Tito Lucas kung medyo male-late tayo ng pag-inform sa kanya. Kaya sa ngayon, sa bahay ng magulang ko tayo pupunta. It is also important for them to know about our marriage."

Napaawang lang ang labi ni Luna. Ngising-ngisi naman si Seymor. Things won't always work out on your way, wife.

Feared (COMPLETED)Where stories live. Discover now