52

4.8K 148 7
                                    

TANGHALI ng nakapasok sa trabaho si Seymor dahil sa bagong buhay niya. May asawa na siya. Pagkagising niya at pagkakain ng almusal ay nangulit si Luna ng iba pang klase ng "pagkain". Gusto rin naman niya iyon kaya pinagbigyan niya ito. She made him drink wine again in able to perform. And so he did. Ilang oras rin silang "nagkainan" na dalawa sa kama bago pumasok. Parang ayaw pa nga sana ni Luna pero iginiit niya na marami siyang trabaho kaya pumayag na rin ito na umalis siya. Mukhang maganda rin naman ang mood nito kaysa sa dati kaya mabilis rin niya ito na mapapayag.

Pero ilang oras pa lang na nakakapagtrabaho si Seymor ay may nanggulo na sa kanya. Hindi inaasahan na binisita siya ng kaibigan na si Dash sa opisina.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong niya.

"It's been a long time, no see. Kumusta ka na?"

"Okay lang. Ikaw?"

"Okay rin. Alam mo naman ang nangyari sa buhay ko."

Tumango si Seymor. Ilang buwan ng kasal si Dash kay Kaia. At dahil abala siya sa buhay niya na ngayon ay hindi na niya masyadong inusisa ang mga ito.

"Mukhang masaya ka naman. Iinggitin mo ba ako kaya ka nandito?"

Tumawa ito. "Mukhang masaya ka rin naman kaya wala kang dapat ikainggit. Balita ko, may future wife ka na daw. Bakit hindi mo pinapakilala sa amin?"

Hindi nakapagsalita sandali si Seymor. Hindi na lang niya future wife si Luna. Asawa na niya ito. Pero parang hindi pa siya handa ipakilala ang mga ito sa kaibigan. "Sorry, I've been busy. I-set up na lang natin 'yan next time."

"Sige. Magpapa-gender reveal party kami a few weeks from now. Gusto kong pumunta kayo, ha? Hindi ka na pumunta sa housewarming namin."

Kumurap si Seymor. "Gender reveal? Buntis na si Kaia?"

"Yeah. Hindi mo ba napanood ang interview niya? Naging viral rin siya."

Tumikhim siya. "Sorry, I am really been so busy." May narinig nga siya na bali-balita na pinag-usapan ang sakit ni Kaia.

"Yeah. You've change." Iiling-iling si Dash. "Mukhang binago ka ng babaeng sinasabi ni Cato."

"Sometimes, change is for the better."

Nagkibit-balikat si Dash. "Hindi rin. Sometimes it makes you lose your sanity. Just like what is happening in my life right now."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Akala ko ba masaya ka?"

"Oo. Masaya naman ako na buntis si Kaia. Masarap sa pakiramdam na magkakaanak na ako at bubuo ng pamilya, lalo na at kasama siya. But she's being a bad ass lady these days. Hormones daw."

"Ah, kaya mo pala ako ginugulo para magsabi ng problema." Kakamot-kamot na wika ni Seymor.

"Parang ganoon na nga." Napangiwi si Dash. "Busy si Cato at si Pierre, eh. Ikaw ang naisip kong puntahan. Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-usap. At sa ating barkada, mas sensible ka na kausap."

"Ano ang gusto mong sabihin ko? Ginusto naman ito. You have to deal with it."

"I know. Gusto ko lang na may mapagsabihan ng problema at makatakas ng kaunti sa kanya. Inom tayo."

"Ang aga-aga pa, Dash. At alam mo na hindi ako mahilig uminom."

Ngumiwi ito. "Yeah. Nababaliw na nga yata ako para puntahan ka. But that's it! This damn pregnancy makes me crazy."

"Ano ba kasi ang pinagagawa niya?"

Nagkuwento si Dash. Naging mataray raw si Kaia, pala-utos at kung anu-ano ang gustong ipaggawa rito. Napangiwi na lang siya habang pinapakinggan ang parang karumal-dumal na pinagdadaanan ng kaibigan sa asawa nito.

"Well, that sucks."

"It is really." Tumayo ito at tinapik ang balikat niya. "Kaya ikaw, i-enjoy mo muna ang buhay binata. Masaya man ang buhay may asawa ay iba pa rin ang buhay ng binata."

Napalunok na lang siya sa sinabi ni Dash. It's too late.

Ganoon pa man, wala naman na dapat pagsisihan si Seymor. Masaya naman siya kay Luna. At hindi naman siya kagaya ni Dash. Mahaba ang pasensya niya. Alam niya na kapag nalagay rin siya sa lagay ni Dash ngayon ay kakayanin niya.

Kaya lang, nang makaalis ang kaibigan ay napaisip siya. Okay sa pakiramdam na magkaroon ng pamilya at anak. Pangarap rin niya iyon. Pero parang sa ngayon ay mas maganda sana na mas makilala pa nila ni Luna ang isa't isa. May problema pa rin siya sa pagkatao niya. Mas maganda sana kung doon muna ang focus nila kaysa sa bumuo ng pamilya.

Pero nang matapos ang oras ng trabaho ni Seymor ay may pasabog ang kanyang asawa. Tinawagan siya nito at pinapa-diretso sa mall kung nasaan ito.

"What are you doing there? Gusto mo bang mag-dinner tayo ngayon sa mall?"

"Puwede. But for now, I am looking and potentially buying baby clothes. Gusto kong samahan mo ako."

"Bakit? May aanakin ka ba sa binyag?"

"No." Tumawa ito. "At kung ganoon man, I am not going to waste my precious time going to the mall and personally buy that. Nag-online shopping na lang sana ako o kaya ay nagbigay na lang ng pera. Pero dahil importante ito sa akin, mas gusto kong maging hands-on."

"Hmmm... Birthday ng anak ng kakilala mo?"

"Hindi rin." Tumawa ulit si Luna. "I should not say this to you on phone but I think I can't stop my excitement now. I think I am pregnant, Seymor. I want to buy baby clothes as soon as possible."

Nanlamig yata ang buong katawan ni Seymor sa narinig.

Feared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon