8

7.9K 190 6
                                    

FALSE ALARM.

Parang hindi makapaniwala si Seymor nang malaman ang resulta ng test ni Luna: negative. Hindi talaga ito buntis. Ang dahilan kaya sumakit ang puson nito nang nasa opisina sila ay sign na magkaka-period na ito. At pagkatapos nga nilang makatulog ay nagkaroon nga ito. Iyon ang dahilan kaya naggising sila na may blood stain sa kama.

Pero parang mas hindi naman kapani-paniwala ang itsura ni Luna nang malaman nito ang resulta. Mukhang disappointed na disappointed ito.

"Are you really sure, Doc?" Ilang ulit pa na tanong ni Luna sa Doctor.

"Yes. I'm really sorry." Hinagod ng Doctor ang likod nito. "Don't worry, Luna. You still have months to try and---"

Nanginginig si Luna. "And it's not okay! What are the chances that I will conceive easily? Damn this life!"

Tumingin sa kanya ang Doctor, parang humihingi ng tulong. Tumango naman siya at nilapitan si Luna. Umalis na ang Doctor na kasama nito kanina. "Hey, its okay."

Tumingin ito sa kanya. Her eyes were cold but she didn't say anything.

Huminga nang malalim si Seymor. Hinagod rin niya ang likod nito, sinusubukan na pakalmahin ito.

Tinuturing si Seymor ng mga tao bilang "everyone's friend". Mabait raw kasi siya at madaling kasama. Isang tawag lang sa kanya ng mga kaibigan niya ay napunta rin kaagad siya. Siya ang madalas na sabihan ng mga ito ng problema. Pero ewan niya ba pero para siyang natetensyon na ilabas ang "kaibigan na laging bukas na makinig" na image niya sa babaeng ito.

Parang hindi siya komportable na kasama si Luna. Iyon ba ay dahil sa halik na pinagsaluhan nila o sa kung ano man na ibinibintang nito sa kanya? He felt awkward beside her. O puwede rin niya na idahilan ang init na nararamdaman niya sa tuwing magkalapit sila. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon sa isang tao, sa isang babae. He is having a hard time to handle it.

Kaya naman nang yakapin siya ni Luna ay parang nagkanda-letse-letse ang tibok ng puso niya. Nagulat siya sa ginawa nito. He saw her as a girl with so much confidence and power. Pagkatapos ngayon ay lalambot ito ng ganoon sa kanya? It felt ridiculous.

"Don't leave me." Wika pa ni Luna.

Napalunok si Seymor. Nalilito siya sa nangyari. "But why?"

Nagtaas ng tingin sa kanya si Luna. May lungkot sa mga mata nito. "Because I need you."

"W-we barely knew each other."

"I want you." Sumunod na sinabi ni Luna, sinasalubong ang mata niya ngayon na may apoy na. Napalunok ulit siya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na i-react rito. Bukod pa sa parang nag-init na rin ang lahat sa kanya at lalo siyang natensyon.

Nang hindi na niya nakaya ang pakiramdam ay ibinaba na niya ang tingin. "I-I'm sorry, I just do not know what to say."

Dahan-dahang itinaas ni Luna ang kanyang ulo gamit ang index finger nito. "You don't have to say anything. You just have to feel." Wika ni Luna at walang pagkiling ulit na hinalikan siya.

Feared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon