41

5.2K 120 2
                                    

SA KABILA ng kaartehan at parang patuloy pa rin na pang-iiwas ni Luna kay Seymor ay hindi niya ito iniwan. Natulog siya sa apartment nito. Hindi iyon gusto ni Luna pero hindi siya nagpapigil. Gusto niyang bantayan ito at ilagay rin sa isip nito na kahit ano pa man na pinagdadaanan nito ay hindi niya ito iiwan. He is setting a good example of a good partner for her. Malay naman niya at baka sa pamamagitan noon ay mabilis nitong ma-realize na walang mali kung magpapakasal sila.

Gumising siya ng alas singko para ipagluto si Luna ng almusal nila. Alam niyang alas sais ay gigising na ito. Fifteen minutes naman bago ang usual wake up time nito ay tapos na siyang magluto. Pero kahit ganoon ay hinintay pa rin niya na si Luna mismo ang gumising at bumaba ng dining area. Alam kasi niya na mas magandang gumising ng kusa ang isang tao kaysa ang gisingin ito. Baka mamaya ay hindi pa maganda ang tulog nito at mapag-initan pa siya kapag naggising. Kailangan pa naman niya na magpa-good shot rito.

Kaya nga lang, pagkatapos ng limang minuto ay tumunog ang cell phone niya. It was a call from her mom. Nagpapadala ito sa ospital dahil mataas daw ang blood pressure nito. Regular kasi nitong mino-monitor sa blood pressure equipment nito sa bahay ang BP nito tuwing umaga. May history kasi ng high blood ang pamilya nito.

Seymor took the situation as an emergency. Medyo nagpanic rin siya dahil may pagka-panic rin ang boses ng Mama niya sa tawag. Napailing-iling na lang tuloy siya habang tinatakpan ang mga niluto na pagkain. Nag-iwan na lang siya ng note sa lamesa para malaman ni Luna ang dahilan kung bakit bigla siyang umalis at hindi na ito nasabayan sa almusal.

Lumabas na ng bahay si Seymor. Pero bago pa siya makasakay ng kotse niya ay may delivery man na nakaagaw ng pansin niya. May delivery ito para kay Luna. Sa itsura noon ay mukha iyong pagkain---a whole day meal. May packed food para sa breakfast, lunch, snack and dinner. Hindi niya alam na may subscription pala si Luna sa ngayon ay sumisikat na all-day healthy food delivery. Kinuha muna tuloy niya iyon at binayaran pero umiling naman ang delivery man.

"Hindi na po kailangan, Sir. Araw-araw po akong nagde-deliver rito ng pagkain na pine-prepare ni Sir para kay Miss Luna."

"Sir?"

"'Yung boss ko po ang father ni Miss Luna." Paliwanag ng delivery man.

Napakunot noo naman siya. Wala siyang kaalam-alam sa food delivery kahit na ba ilang araw at linggo na niya na nakakasama si Luna. At ngayon ay ang pamilya pala nito. Anong klaseng lalaki siya? Gusto niyang pakasalan si Luna pero wala naman siyang kaalam-alam sa buong pagkatao pala nito.

Kaya naman yata ayaw ka niyang pakasalan, eh. Hindi mo kasi siya ganoong kinikilala... bulong ng isang bahagi ng isip niya.

Gusto pa sana na magtanong ni Seymor pero mukhang nagmamadali ang delivery man. Nagpaalam na ito. Nagmamadali rin naman siya kaya hindi na siya naghabol pa. Ganoon pa man, tinandaan niya ang pangalan ng food company. He will start from there.

Pagkatapos asikasuhin ni Seymor ang lagay ng Mama niya ay magsisimula na siyang kilalanin si Luna. At kung magiging masikreto man ito kagaya ng ginagawa sa kanya nito ngayon ay mukhang wala siyang choice kundi mag-imbestiga.

Feared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon