Day 29

225 12 0
                                    

Halos sunod sunod na ang ungol ng mga zombie sa labas. Sa tingin ko, sa ganitong pagkakataon, hindi na problema ang mga taong sana'y aming makakatunggali. Sa tingin ko, problema rin nila ngayon ang mga zombie na ngayon ay agresibo na. Mas matagal na ang babad ng mga zombie sa tubig kumpara nung nakaraang pag-ulan.

Patuloy pa rin ang pag-ulan ng ilang araw at sa itsura ng lahgit ay matatagalan pa bago sumikat ang araw.

"Mukang kailangan na ninyong lumipat sa hotel," ang sabi ko kay Charlie.

"Ganun nga rin ang iniisp ko." ang kanyang sagot.

Tinulungan ko ang mag-ama na magdala pa ng karagdagang mga supply sa hotel. Pagkatapos ay ang kanilang mga gamit.

Tinanong ko sa Dan kung ligtas at sarado na ba ang ibaba ng hotel.

"Sa ngayon, hinihintay na lang namin na tumigas pa lalo ang semento," ang kanyang sabi. "Pero maliban doon, okay na."

"Kailangan lang nating mabantayang mabuti ang overpass dahil siguradong dito sila dadaan. Hindi magtatagal ang ginawa nating harang sa hagdan," ang sabi ko. "Mukang sinisimulan na nga nilang sirain. Wire fence lang kasi nilagay natin."

Papasok pa lang ako sa gate ng Farmings nang marinig kong bumigay ang ginawa naming harang sa overpass. Hindi na ako naghintay pa sa pagakyat ng mga zombie. Dali dali akong tumakbo patungong Gate.

Pagdating ko sa Gate, ibinaba ko kaagad ang lagusan at nilagyan ng padlock. Dinig ko ang malalagas na ungol ng mga zombie at ang tunog ng metal gate sa lagusan papuntang SaveWise.

Pumunta ako sa loob ng model unit upang kunin ang lahat ng gamit ko. Paglabas ko ay sinilip ko ang lagusan papuntang SaveWise. Malapit na nilang masira ang gate. Wala na akong mapupuntahan pa. Kulong na ako sa loob ng mall.

Zombie.phWhere stories live. Discover now