Day 16

233 10 0
                                    

Kaunting ungol na lang ang naririnig namin mula sa labas. Tila bumabalik sa dati ang mga zombie.

Hindi pa namin nililipat sa ibang channel ang TV.

"Irvine," ang aking sabi. "Subukan mo nga scan sa iba."

Sa activity center kami natulog lahat dahil dito naka-set-up ang TV. Kumuha kami ng maraming kutson ang kumot sa department store. Mistulang nag-camping kami dito sa Gate.

May nasagap na isa pang channel. Hindi ko kilala ang channel na ito pero mukang balita.

"... ng balitang ito, manatili lamang po kayo sa loob ng inyong tahanan. Sa mga panahong ito ay nananatili ang Martial Law dito sa Davao para sa seguridad ng lahat. Ang ating pangulo ang gumagawa ng paraan para maapula ang kaguluhang ito. Punta muna tayo kay Ka Bert na nasa binabantayang entarnce ng safe zone. Ka Bert.

"Nandito po tayo ngayon sa main entrance ng tinatawag natin ngayong safe zone. Sa loob lamang ng sampung araw ay naipatayo ang bakod na pumapalibot sa safe zone. Ito ay salamat sa tulong tulong na paggawa ng lahat ng mamamayan na nandito. Bente kwatro oras na binabantayan ng militar ang buong bakod para sa posibleng mangyari. Balik sayo.

"Davao," ang aking sabi. "Oo nga. May private na TV station nga doon. Kaya umaabot ang signal niya dito."

"May mga local TV stations sa bawat probinsya," ang dagdag ni Charlie. "Pero hindi ganun kalakas ang signal nila para makaabot dito sa Metro Manila. Posibleng may mga lugar na hindi apektado."

"Mabuti naman kung ganon," ang sabi ni Yassy.

"Pero hindi naman tayo basta basta makakaalis dito kung naging agresibo na ang mga zombie," ang aking sabi.

Nagtungo ako sa kung saan naroon ang malaking bintana na tanaw ang central bus station. Malinis na, walang zombie. May ilang supermarket na nasa gawing ito; ang Shop Pa More, SaveWise, SaMalamig Supermarket, at Hali Mall. Wala nang zombie dito kaya madali na lang kumuha ng stocks dito. May Hyperpalengke pa sa may gawing Timog. May Purong Ginto pa pala sa tabi ng Farmings. Siguro wala nang natitira sa palengke mismo ng Farmings.

Ang kailangan kong planuhin ay kung paano ako makakarating sa amin. Napakalayo ng lalakbayin ko. Magdadala ba ako ng stocks o aasa na lang ako sa pwede kong madaanan?

Bumalik ako sa activity center kung nasaan silang lahat. Nakasagap pa sila ng tatlong channel pa. At least ngayon ay may balita kami sa kung ano ang nangyayari sa iba pang lugar.

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon