Day 11.2

255 12 1
                                    

Alas singko na ng hapon. Kailangan na naming makahanap ni Yassy ng matutulugan. Sa dami ng condo at hotel sa Cubao, lahat yon ay mas mabuting iwasan namin sa kadahilanang pwedeng may tao na sa loob ng mga ito. At pwedeng hindi sila papayag na may makikihati sa kanila.

Mula sa overpass, tinignan kong mabuti kung walang gagambala sa paglalakad namin mula sa kinatatayuan namin hanggang sa Farmings Mall. Kailangan naming makapunta sa kabilang overpass kung saan maaari kaming makatungtong sa linya ng Rail Transit. Sa overpass din na ito ay may daanan papasok ng mall.

Bumaba kami ng overpass at maingat na nagtungo sa Farmings Mall. Tahimik ang loob nito. Dahan dahan kaming nagtungo sa branch ng isang kilalang hardware store. Sa tabi ng hardware store ay may daanan na catwalk papunta sa kabilang gusali, ang Gate. Hindi muna kami tumuloy sa hardware store kundi tumuloy sa Gate. Maingat pa rin kami patungo doon baka sakaling may zombie. Tahimik din ang Gate.

Sa Silangang bahagi ng Gate, may mga malalaking bintana. Tanaw mula rito ang central bus station. Hindi man kailangang makita ang central bus station, alam na na maraming zombie dahil sa labas lamang ng gusali ay napakarami na nila. Katabi lang ksi halos ng Gate ang condo na napapalibutan ng mga zombie.

"Punta tayo ng department store," sabi ni Yassy. "May pay rest room dito diba? Baka pwede tayong maligo dun. Hanap tayo ng damit na pagbibihisan."

Pumasok kami sa department store at kumuha ng mga komportableng damit, sabon, twalya, at kung ano pang pwedeng magamit. Pagkatapos ay nagtungo kami sa restroom. Walang paliguan ang mga rest room dahil palikuran lamang ang mga ito. Sa bandang looban ay aking natanaw ang pangalan ng kompanya ng isang developer. Sumenyas ako kay Yassy na aming puntahan ito. Mayroong model unit ng isang condo. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit sarado ito. Naghanap ako ng pwedeng panira sa doorknob. Biglang bumukas ang pinto.

"Anong kailangan ninyo?" ang tanong ng lalaking nasa pinto. Malaki siya at may hawak na baseball bat. Sa tindig niya ay handa siyang hatawin kami kung may gawin man kaming hindi maganda. Lamang naman kami ni Yassi sapagkat may katana ako, dalawa ang dala niyang burike, at mayroon pa kaming baril. Biglang may sumilip sa hita ng lalaki. Isang bata.

"Pasensya na," ang aking sabi. "Naghahanap lang kami ng mapagliliguan. Doon na lang kami sa banyo."

Paalis na sana kami ni Yassy nang tinawag kami ng lalaki. "Sandali lang. Dalawang model unit ang nandito sa loob. Pwede ninyong gamitin yung isa." Pumasok kami sa pinto at itinuro niya sa amin ang pinto ng bakanteng model unit.

"Ako nga pala si Charlie," ang sabi niya. "Ito naman ang aking anak na si Nina."

"Jiro, at ito naman si Yassy."

"May lumalabas pa namang tubig diyan sa loob. Pwede kayo maligo diyan," wika ni Charlie.

Pumasok sa loob si Yassy para mag-ayos. "Gaano na kayo katagal dito?" ang aking tanong.

"Mula sa simula. Ahente ako dito. Isa ito sa mga binebenta kong unit." Pinunasan ni Charlie ang kanyang mukha. "Mabuti na lang at nagpasya ako na dalhin ang anak ko sa trabaho nung araw na yun. Kadalasan kasi iniiwanan ko siya sa kapit bahay namin. Nasa abroad kasi ang nanay niya."

Mahigpit ang yakap ng bata sa binti ng kanyang tatay habang nakatitig sa akin. "Sandali lang ha. Pakakainin ko lang muna siya."

Nagtungo sila sa kanilang model unit at ako naman ay tumuloy sa model unit na kanyang ipinagamit sa amin ni Yassy.

Zombie.phWhere stories live. Discover now