Day 5.2

519 20 1
                                    

Tila napansin ni Yassy ang biglang paglakas ng aking pagtulak sa gate. Siya naman ay bumitaw sa pagtutulak, itinutok ang burike sa ulo ng zombie at tinusok niya ito.

"Buti nga sa 'yo!" ang sigaw ni Yassy sa bumulagtang zombie.

Napatingin ako sa zombie at kay Yassy, at sa zombie ulit. "Anong nangyari?! Kilala mo ba yun?"

"Yan kasi yung operator na laging nambabastos!" May galit pala si Yassy sa taong yun kaya madali sa kanya ang kanyang ginawa.

Nang mahimasmasan ako, binuksan ko ang gate upang itulak ang zombie palabas at isinara nang tuluyan ang gate. Gawa ito sa bakal at marahl hindi basta mapasok ng mga zombie. Kumuha na lang ako ng hanger na gawa sa alambre at yun ang ginamit kong pang-lock.

Bumalik kami ni Yassy sa laboratoryo. Naririnig pa rin namin ang mga kalabong ng mga zombie sa pinto. Marahil ay titigil lamang sila kung wala na ang amoy ng niluto ko kanina. "Kailangang mapaalis natin sila sa pintuan. Pwede pa rin nila sirain yun pag tagal," wika ko kay Yassy. "Kailangan nating matakpan ang butas. Pero kailangan natin silang mapaalis bago natin magawa yun."

Bumalik kami sa locker area para kumuha ng mga damit. Gaya ng manok sa fridge, siguradong hindi na ito babalikan pa ng mga nagmamay-ari. Mabuti na lang at maraming gamit sa locker. May nakita pa kaming mga extension cord at isang electric fan. May naisip akong paraan para mailayo ang mga zombie sa pintuan ng lab.

Hindi na namin kailangan pang buksan lahat ng locker. Kumuha lang kami ng ilang mga t-shirt. Kumuha ako ng flavoring sa fridge at hinalo ko sa tubig saka ko binabad ang mga damit. Hinango ko ang mga damit at saka ko binalot sa plastic upang hindi kumalat ang amoy.

Bumalik kami ni Yassy sa locker area at nilatag ang mga extension cord. Timingin kami sa labas kung mayroong mga zombie; wala naman kaming nakita liban sa mga nasa malayo. Tinanggal ko ang alambre na dating hanger na ginawa kong lock sa gate. Lumabas kami dala ang electric fan, plastic na may basang t-shirt na binabad sa flavoring at mga extension cord na pinag-kabitkabit. Nilalatag namin ang mga extension cord habang papalayo sa gate ng locker. Nang makarating kami sa parking area ng mga delivery truck, ipinwesto ko na ang electric fan at binuksan ang plastic na kinalalagyan ng mga t-shirt. Malakas ang amoy ng flavoring nang aking binuksan. Itinutok ko ang electric fan upang maikalat ang amoy ng mga basang t-shirt.

Dali dali kaming bumalik ni Yassy sa locker area. Isinara ko ang gate at ni-lock muli gamit at alambre. Mula sa mga mala-rehas na dungawan sa lokcer area, pinagmasdan namin ang paglapit ng ilang zombie sa munti naming pain. Unti unting dumami ang mga zombie na pumalibot doon.

"Balik na tayo sa loob. Tignan natin kung umalis na yung mga nasa pinto," yaya sa akin ni Yassy.

Wala na nga ang mga zombie nang kami'y bumalik. Inayos namin ang mga pinang harang ko sa pinto kagabi. Malalaking file cabinet na ang hinarang namin sa pinto. Tinakpan na rin namin ang silipan ng pinto. Inabot na kami ng hapon sa pag-aayos at paninigurado na hindi kami mapapasok sa laboratoryo.

"Katabi lang ng locker ng lalaki yung locker area ninyo. Gusto mo bang kunin natin mga gamit mo?" tanong ko kay Yassy.

"Ligtas kaya yun?"

"Silipin natin kung nakapaligid pa rin sila dun sa ginawa natin kanina."

Nakapalibot pa rin sa aming pain ang mga zombie nang aming sinilip. Muka pa ngang dumarami sila.

Kunuha ko ang aking pad lock sa locker bago ko binuksan ang gate ng locker area. Naisip ko na baka may makapasok na iba dito na hindi zombie. Sinigurado namin na dala namin ang bukod-tangi naming sandata; ang mga burike. Lumabas kami ng locker area at pumunta sa kabilang locker area. Nakasara ang gate nito ngunit hindi naka-lock. Mabuting sinyales ito dahil posibleng walang nakapasok na zombie sa loob. Ganun pa man ay maingat pa rin kami sa aming pagpasok.

Maayos ang pagkakahanay ng mga locker sa area ng mga babae. Hindi tulad ng sa lalake na salisaliwa ang pag pwesto ng mga locker. Parang sa super-market lang, kita ang dulo mula sa kabilang dulo. Mas napadali ang pang-check namin. Nang masiguro namin na ligtas ang area, pinuntahan ni Yassy ang kanyang locker at kinuha ang kanyang mga gamit.

Habang hinihintay ko si Yassy, napansin ko na mas napalibutan ng kongkretong pader ang locer area ng mga babae. Sa lalake, mga rehas lang. Para siguro hindi sila masilipan. Pati ang gate nila ay buong buo. Pero ang pagitan ng dalawang locker area ay tila mukang double wall lang na plywood. Kinatok ko ang dingding at tama nga ang hinala ko.

Ginamit ko ang burike upang makagawa ng butas sa pader na plywood. Nabutasan ko ang dingding pati na rin ang kabila. Sumilip ako at nakita ko ang kabilang locker area. "Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Yassy.

"Mukang pwedeng butasan natin itong dingding para dito na lang tayo dumaan. Maski permanente na ang lock sa gate."

"Yang burike ang gagamitin mo?"

"Hindi. Siguradong maraming gamit sa kabilang locker na pwedeng pambutas. Mga lalake, parating dala ang gamit sa locker."

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon