Day 7.0

346 14 0
                                    

Wala sa kanyang higaan si Yassy paggising ko. Saan kaya siya nagpunta? Wala naman siyang pupuntahan maliban sa mga locker area at sa rooftop. Sa aking pagbangon, napansin kong may nakahanda nang pagkain. Kumain ako at pumunta sa locker area para tignan kung nandoon si Yassy. Nang hindi ko siya makita doon, umakyat ako sa rooftop at nakita ko siya doon sa gilid at nakatingin sa parking lot kung saan ko ihinagis ang mga Molotov kagabi.

"Uy! Gising ka na pala," ang bati sa kin ni Yassy.

"Salamat sa agahan ha," ang sabi ko naman sa kanya. Tumango lang siya.

"Tignan mo," sabay turo niya sa kung saan naroon ang apoy kagabi. "Di ba may mga nasunog na zombie? Naging abo lang ata sila. Nasunog pati buto."

Tama si Yassy. Pansin yun dahil may mga tumpok ng abo at walang nasunog na katawn sa parking lot. Wala ring zombie na mukang nasunog. Mukang kailangan uli naming mag-experimento.

"Gawin natin uli yung ginawa natin kagabi," ang aking sabi. "Ngayon at maliwanag, makikita natin kung ma-aabo nga sila pag nasunog."

Kumuha uli kami ng apat na Molotov, sinindihan, at ihinagis sa parking lot na sana may tamaang isang zombie. Pinalad kami na may nasapul na dalawa. Nagliyab ang dalawang zombie at makalipas ang ilang sandali, bumulagta na ang mga ito. Hinintay namin ni Yassy na mamatay ang apoy. Tulad nga ng aming napagalaman na, hindi tumungo ang mga zombie sa apoy dahil maliwanag na.

May katagalan din ang aming hinintay bago mamatay ang apoy at abo na lang ang matira sa mga zombie.

"Mukang nag-iiba ang katawan ng tao kapag nagiging tulad nila," ang aking sabi. "Biruin mong walang matitira pag nasunog sila."

"Pwede nating gamiting sandata yung mga ginawa nating Molotov."

"Oo."

"At may alam na tayo tungkol sa kanilang paggalaw."

"Tama."

"Pwede na tayong umalis dito kung ganon."

Napatango ako sa sinabi ni Yassy. At sa kanyang pagkakasabi ng mga katagang yon ay diterminado siyang maka-alis kami dito.

Naghanda kami para sa aming pag-alis. Inilagay namin ang mga nagawa naming Molotov sa isang icebox. Nilagyan namin ito ng cooling gel na galing sa freezer ng fridge. Hndi kasi pwedeng mainitan ang petroleum ether. Hindi nga lang lahat nagkasya kaya gagamitin namin ang natitira para mamaya.

Nagpasya kaming ipagpabukas na ang aming pag-alis. Sa ngayon ang magbabawas muna kami ng nakakalat na zombie sa paligid.

Naisip ko na baka nasa guard house pa ang mga baril ng mga guard. Naghanap kami ng pwedeng gamiting sandata sa locker area. Nandoon ang crowbar at martilyo na ginamit ko sa paggawa ng butas papuntang locker area ng mga babae, baseball bat, dalawang pirasong tubo, at iba pa. Mayroon din kaming nakitang mga helmet at mga padding ng rider.

Umakyat kami sa rooftop dala ang mga tirang Molotov. Sinunog namin ang mga naka-grupong zombie sa parking lot. Nakagamit kami ng halos pitong Molotov. Mayroon pang natitirang lima. Pagkamatay ng mga apoy, may mga natitira pa ring zombie ngunit kaunti na lang sila. Yung iba marahil ay nasa loob ng production building o sa malapit doon. Hindi na kasi namin matanaw mula sa kinalalagyan namin yun. Ang mahalaga, walang masyadong zombie sa dadaanan namin palabas ng gate ng compound.

Zombie.phWhere stories live. Discover now