Day 4

722 23 5
                                    

Late na akong nag-break kung tutuusin. Pasado alas dose na ng hating gabi. Madaling araw na nga.

Tuloy ang trabaho pagkatapos ng break time. Paulit-ulit na ito ang aking ginagawa sa araw-araw. Kailangang gawin. Kailangang kumita ng pera.

Natapos ang aking shift ng walang aberya. Sana nga ganun din mamaya pagpasok ko.

Bumyahe na ako pa-uwi. Hindi naman ganon kalayo ang inuuwian ko. Isang sakay lang ng jeep.

Bumili muna ako ng aking makakain bago tumuloy sa aking apartment. Mga quarter to seven na ng umaga nang makarating ako dun. Ihinanda ko ang aking pagkain at binuksan ko ang TV.

Nagulat ako sa aking napanood sa balita. Naka-quarantine ang halos kalahati ng probinsya ng Pangasinan. Bakit kaya? Gawa ba ito nung bacteria?

Ang mga nagkakasakit ay nagwawala na parang may rabis. Kaya ang lahat ng daan papasok at paglabas ng ...

"Mukang hindi maganda ang balitang iyon. Malapit pa naman ang Pangasinan sa Baguio."

Kadarading lamang ng balitang ito. Kaparehong insidente ang nangyayari ngayon sa probinsya ng Bohol. May mass panic na doon at nagkakagulo na.

"Hindi talaga maganda ito. Mukang buong Pilipinas na ang apektado. Hindi magtatagal, aabot na dito sa Maynila ang sakit na iyon. Buti na lang at mayroon akong emergency bag. Papasok pa kaya ako mamayang gabi sa trabaho? Sana pala hindi muna ako bumyahe pabalik dito sa Maynila."

Iniligpit ko ang aking pinagkainan at humiga sa aking kama. Hindi ako nakatulog agad sa pag-aalala ko sa aking pamilya. Ngunit dala na rin ng antok, ako'y nakatulog.

Matinding sigawan ang naririnig ko sa aking paligid. Nagkakagulo na. May putukan, may tunog ng nagbabanggaang mga sasakyan.

Bumangon ako at lumabas at nakita ako ang mga taong nagtatakbuhan. Pumunta ako sa kalsada at pinagmasdan ang kaguluhan.

May naramdaman akong parang may nakatingin sa aking likuran. Dahan dahan akong lumingon at nakitako ang isang babae. Duguan ang kanyang bibig. Dahan dahan akong umatras ngunit may dumakma sa aking binti at ako'y natumba. Lumapit ang babae sa akin. Hindi na ako makagalaw palayo. Nakahawak na siya sa aking balikat. Lubhang napaka-lakas niya. Binuksan niya ang kanyang bibig.

Beep! Beep! Beep! Beep!

Ginising ako ng alarm sa aking kwarto.

"Panaginip lang pala iyon."

Dali dali akong bumangon upang manood ng balita sa TV. Maliban sa quarantine sa Pangasinan, naka-quarantine na rin ang mga karatig probinsya ng Bohol. Mayroon ding karambola ng mga sasakyan sa Balintawak.

"Muka namang hindi pa nakakarating dito ang sakit. Papasok pa rin ako."

Naghanda ako at muling nagtungo sa pabrika. Gaya ng kahapon, dumating ang hating gabi ng walang aberya. Siguro pagpasok ko bukas, dadalhin ko yung emergency bag ko. Just in case.

Zombie.phOnde histórias criam vida. Descubra agora