Day 25

205 9 0
                                    

Napakalakas ng ulan pag-gising ko. Marahil ay malakas na ang buhos simula pa kagabi. Sa pagdungaw ko sa bintana na tanaw ang SaveWise, napansin kong may baha na sa labas. Tila parang mas magalaw ang mga zombie sa labas ng SaveWise. Para silang may hinahanap.

Sana ay ayos pa ang kalagayan ng mga kasma namin na nasa SaveWise. Kami man ay siguradong mahihirapan sa pagsasagawa ng aming plano sa lakas ng ulan.

Tumungo ako sa may activity center ng Gate kung saan naroon sina Charlie. "Mukang mahihirapan tayo sa gagawin natin kung ganito kalakas ang ulan," ang aking sabi.

"Oo," ang sagot ni Charlie. "Mukang ganun na nga. Buti na lang at supermarket ang kinalalagyan nila. Malaki ang SaveWise. Halos kompleto dun. Sa ngayon, mukang hindi rin naman gumagawa ng hakbang ang kalaban natin dahil sa ulan kaya pwede muna tayong maghintay."

Sana nga ay tama si Charlie.

Sa pagkaka-alam ko ay may walkway na nagdidikit sa SaveWise at sa SaMalamig. At ang SaMalamig naman ay may walkway papuntang Hali Mall. Hindi pa nga lang namin nasusuyod ang mga mall na yun pero pwede silang tumakas sa mga mall na yun just in case.

Maya't maya ay sinisilip ko ang SaveWise mula sa bintana. Tinitignan kung may pagbabago sa paligid ng supermarket, sa panahon, o sa mga nakapaligid na zombie. Tinatanaw ko din ang gate sa baba lamang ng escalator na malapit sa bintana. Dito dumaan ang mga kasama namin papuntang SaveWise.

Tuloy tuloy ang pag-ulan. Malakas at walang senyales na titigil ito. Hindi namin maisasagawa ang pagliligtas sa mga kasama namin. Mahirap gumalaw sa baha.

Nantili ako sa bintana na tinatanaw ang SaveWise. Napansin ko na tila nagbabago ang paggalaw ng mga zombi na nakapalibot dito. Lumilingon sila sa paligid nila. Hindi man agresibo ang kanilang galaw, kakaiba pa rin.

Hindi kaya nagbabago nanaman sila katulad nung minsan.

Zombie.phWo Geschichten leben. Entdecke jetzt