Day 10.2

276 14 0
                                    

Pagdating namin sa gate ng pabrika, napansin namin na tila mas maraming zombie ngayon kaysa nung umalis kami.

Gamit ang aking katana, pinatumba ko ang ilan sa mga zombie na malapit sa amin. Ngunit sadyang napakarami nila at maaari nila kaming palibutan. Kumuha si Yassy ng isang Molotov, sinindihan at hinagis sa grupo ng zombie na nasa direksyon ng locker. Inilabas ko naman ang isang revolver para barilin ang ilang hindi natamaan ng apoy ng Molotov.

Pagdating namin sa gate ng locker, dali-daling binuksan ni Yassy ang padlock habang ako ang abala sa pagbaril sa mga papalapit na zombie.

Nakahinga kami ng maluwag nang ma-isara namin ang gate ng locker at i-lock ito.

"Saan kaya galing yung ibang zombie?" ang aking tanong.

Hindi na sumagot pa si Yassy sa aking tanong. Pumasok na siya sa loob ng lab. "Maghahanda na ako ng makakain natin."

Sumunod ako patungo sa loob ng lab pero dumeretso ako patungong rooftop.

Mula sa rooftop ay nakita kong bukas ang sliding door ng isang warehouse. Mukang may iba pang tao nung mga nakaraang araw at mukang nagtangka din silang umalis kagaya namin ni Yassy. Kaya siguro maraming zombie dito sa loob ng compound.

Siguro may mga ibang tao pa sa Cubao. May mga condo doon kaya posibleng may mga nakaligtas. Hindi naman marunong umakyat ng hagdang ang mga zombie na 'to. Sana, konting zombie lang ang nasa daan patungo dun. Sana kagaya lang ng flyover sa Ortigas Extansion ang flyover sa Libis; walang zombie.

Kamusta na kaya yung mga nasa flyover sa Ortigas kanina? Hindi kaya sila yung mga galing sa warehouse dito? Hindi ko na siguro malalaman ang sagot sa katanungang yon.

Napansin kong nagtutungo ang mga zombie bandang entrance ng lab. Mukang may naaamoy sila doon.

Bumaba ako sa lab at inabutan ko si Yassy na naghahanda na ng pagkain namin.

"Naglakad na ba mga zombie?" ang tanong sa kin ni Yassy. "Binuhay ko kasi yung exhaust sa bandang entrance. Siguradong pupunta mga zombie dun. Mabibigat naman ang mga file cabinet na nakaharang sa pinto. Para pag aalis na tayo. Hindi na natin problema na masasalubong pa natin sila papuntang gate."

Mahusay ang naisip ni Yassy. Magtitipon ang mga zombie sa kinalalagyan ng exhaust fan. Mapapadali nga ang pag-alis namin dito. Hindi kailangang mag-aksaya ng bala.

Pagka-kain ay pinatay na namin ang exhaust fan. Ayaw naman naming magtungo rito pati na ang mga zombie na nasa labas.

Kailangan naming maghanda ng mabuti. Katulad kanina, siguradong maraming hindi inaasahang mangyayari sa daan. Iba na kasi ang panahonn ngayon. Marami nang zombie.

Zombie.phWhere stories live. Discover now