Day 18

224 9 0
                                    

Handa na kaming dalawa ni Yassy para ipagpatuloy ang aming paglalakbay. Halos isang linggo rin kaming namalagi dito sa Cubao. Nagpaalam kami kina Charlie, Nina, Dan, Polo, at sa iba pang nakatira sa hotel na hindi na nalaman pa ang mga pangalan. Umakyat kami sa platform ng Rail Transit at nagtungong Norte.

Malinis ang daanan ng Rail Transit. Pero hindi pa rin kami sigurado sa magiging sitwasyon sa bababaan naming station; ang Kamuning Station. May kadikit na condo ang station na yun. Kung may mga tao sa condo na yun ay siguradong mapapalibutan din yun ng zombie.

Malayo ang natatanaw mula sa kinalalakaran namin. Napansin namin na may ibang mga gusali rin na napapalibutan ng mga zombie. Marahil ay may mga nakatira rin sa mga yun. Sana lang ay hindi magiging ganito ang sitwasyon sa Kamuning. O kung ganun man, sana sa condo lang.

Makalipas ang halos dalawampung minutong paglalakad, tanaw na namin ang Kamuning Station. At sa kasamaang palad, maraming zombie ang nakapaligid sa condo na kadikit ng station. Pati sa babaan sa kabila ay marami ring zombie. Hindi kami maaaring bumaba sa station na 'to. May iba pa namang station paglagpas ng Kamuning. Ito lang naman ang pinakamalapit mula sa Cubao.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papalapit sa Kamuning Station. Hindi ko man lamang naisip na baka may zombie sa platform ng station na ito. Pero huli na nang mapansin namin. Nasa station na kami at papalapit na sila sa amin nang aming mapansin ang mga zombie. Mabuti na lamang at hindi sila sing bilis nung nakaraang mga araw.

Masyado silang malapit kaya napilitan akong gamitin ang shotgun para makalayo. Malakas ang putok ng shotgun at ako'y napa-atras sa recoil nito. Naka isa pa akong putok bago ko kailangang lagyan uli ng bala ang shotgun. Madali ko itong ginawa pero sa pagmamadali ay lalo akong natagalan. Sa ganitong sitwasyon, sana ay may molotov pa kami.

Tumakbo kami ni Yassy pabalik ng Cubao. Mabuti at mabagal ang mga zombie. Matatakbuhan pa rin namin sila.

Nakarating kami sa Cubao Station at nakita namin si Charlie na doon ang nakatanaw sa amin. "Anong nangyari?" ang kanyang tanong.

"Maraming zombie sa Kamuning Station," ang aking tugon. "Mukang hindi muna kami makakadaan doon hanggat hindi sila nauubos."

Umakyat kami sa platform ng station. Mabuti na lang at mataas ito at hindi basta maaakyan ng mga zombie. Huwag lang sila tumulad sa mga zombie nung nakaraan na tila kakaiba. Huwag lang uli mangyari yun.

Bumalik kami ni Yassy sa model unit namin sa mall. Susubukan uli naming magtungo sa kanila pero hindi na kami dadan pa sa riles.

Zombie.phWhere stories live. Discover now