Day 14.4

234 12 1
                                    

Umatras ng bahagya si Yassy mula sa hagdan para hindi na siya mapansin pa ng ibang zombie. Nakahanda lamang siya sa gilid at nanatiling nakatago.

Ibinaba ko ng dahan dahan ang hagdan para maka-akyat na ang tatlo mula sa bus.

"Mauuna ako," ang sabi ng hanggang ngayon ay boss pa rin ang tingin sa sarili na si Manikis.

"Opo mam," ang sabi ng isa sa dalawang kasama niya. Hindi ko na sigurado kung sino. Naka-akyat mula sa bubong ng bus ang tatlo.

"Salamat," ang sabi ni Polo.

"Bakit kayo natagalan?" ang sabi ni Manikis sa dalawang bata.

Bago pa man sila sumagot ay nauna na akong nagsalita, "Hindi namin sila agad pinuntahan. Akala namin mga zombie lang na nambubulabog."

"Paano kung napahamak kami," ang sabi ni among babae.

"Hindi na namin problema yun," ang sabi ni Yassy.

"Mabuti pa bumalik na kayo sa hotel ninyo," ang sabi ko. "Mukang hinihintay na kayo ng mga kasama ninyo." Ngayon ko lang napansin na tinatawag na pala ng mga nasa hotel ang kanilang mga kasama. Sa dami ng nangyayari kanina, hindi ko na sila napansin.

"Paano kami," ang simula niya pero pinigilan siya ni Dan.

"Mam," ang sabi ni Dan. "Nagmadali kasi tayo masyado kanina. Katapat lang ng dulo ng overpass ang isang bintana ng hotel."

Mukang doon lang napansin ni Manikis ang bintana. "Tatalunin natin?" ang medyo sarcastic niyang tanong sabay turo ko sa hagdan na kinuha ko sa hardware store. Mukang nakuha naman niya ang nais kong sabihin. Siya na mismo ang kumuha ng hagdan para gamitin nilang tulay.

Inilatag nila ang hagdan sa dulo ng overpass at sa bintana. Halos isa't kalahating metro din ang layo ng tutulayin nila.

"Duda ako sa tibay ng hagdan na yan," ang sabi niya. "Mauna ka, Polo." Napatingin lamang si Polo pero sumunod din siya. Hindi masyadong magbalanse si Polo kaya siya'y biglang napa-upo sa kalagitnaan ng kanyang pagtulay. Dahan dahan na lamang siyang gumapang patawid.

Pinasunod ni Manikis sa Dan na gumapang ng napakabagal ngunit nakatulay pa rin. Susunod na sana si Rina pero pinigilan ito ng madam. "Ako na ang susunod," ang kanyang sabi. Umakyat siya at nagsimula nang tumulay. Dahan dahan siyang naglakad ngunit pagdating niya sa gitna, bumigay ang hagdan. Marahil ay dahil sa biglang pagbagsak ni Dan sa unang tawid ay humina agad ito.

Nahagip ko ang isang niyang braso. Kumapit siya sa aking braso para hindi siya mahulog sa ibaba na kung saan napakaraming zombie. Tila may nakapansn nang zombie sa amin at may nagsimula nang umakyat muli sa hagdan.

"Itaas mo ako agad!" ang sigaw ni Manikis. "Dalian mo."

Unti unti ko siyang naitatas habang abala si Yassy sa pagbaril sa mga paakyat na zombie.

Bigla akong napatigil sa pag-taas sa kanya dahil wala akong naririnig. Tumingin ako sa mga taong nakasilip sa bintana ng hotel, lahat sila tila walang ipinapakitang emosyon sa nangyayari. Tumingin ako kay Jocelyn, ang mga mata niya'y galit. Tumingin ako kina Dan at Polo. Tumingin sila sa akin tapos tumingin sa kanilang likuran. "Ano ba! Dalian mo na!"

Unti unti kong niluwagan ang pagkakahigpit ng aking kamay sa kanyang braso. Unti unti namang humihigpit ang kanyang pagkakakapit sa aking braso. "Wala kang kwentang trabahador! You insubordinate!" At tuluyan nang nahulog si Engr. Jocelyn Manikis sa dagat ng zombie sa ibaba ng overpass.

Zombie.phWhere stories live. Discover now