Day 8.0

336 14 1
                                    

Ito na ang araw ng aming pag-alis sa compound ng pabrika.

Sinigurado namin na dala naming lahat ng kailangan; ang mga baril at bala, ang ice box na nilalaman ang ginawa naming mga Molotov cocktail, at ang mga burike.

Pinad-lock ko ng mabuti ang locker area. Baka kasi kailangan naming bumalik dito. Mabuti rin at dalawa ang susi ng pad lock. Ibinigay ko kay Yassy ang isa.

Dali dali kaming tumakbo patungo sa main gate ng compound bago kami mapansin ng mga zombie na nakaharap sa kung nasaan ang apoy kagabi. May ilan sa kanila ang nakapansin sa amin pero malayo sila. May ideya na kami kung ano ang makikita namin sa labas dahil tanaw ang ilang karating lugar ng compound mula sa rooftop ng locker area at laboratoryo.

Halos walang zombie sa labas ng compound. Marahil ay nagsipasok silang lahat dahil sa dami ng nagaganap sa loob ng compound ng pabrika. Hindi lang namin masabi kung ganun din sa loob ng katapat na pabrika, sa mga tirahan sa malapit, o sa commercial district na malapit sa pabrika; marahil maraming zombie doon. Kilalang puntahan ng mga tao ang lugar na yun.

Wala kaming natanaw na zombie sa magkabilang dulo ng kalsada; hanggang sa aming matatanaw. Hinidi nga lang kami sigurado sa mga nakaparadang mga abandonadong sasakyan. Sinimulan naming maglakad papuntang C-5. Nakarating kami doon ng walang aberya.

Tulad ng pinanggalingan naming kalsada, ganun din ang itsura ng C-5; maraming mga abandonadong sasakyan. Marahil may mga zombie sa loob ng ilan sa mga ito.

Mabilis kaming naglakad patungong Timog. May mga ilan kaming zombie na nadaanan pero iniwasan na lamang ang mga ito. Napatigil kami sa aming paglalakad nang matanaw namin ang Ortigas. Naparakaming sasakyan. Mukang nagkarambola pa ang ilan sa mga ito. Lumapit kami ng kaunti at naaninag namin ang napakaraming mga zombie.

"Hindi tayo makakadaan diyan," ang sabi ko.

"May alam ka bang ibang madadaanan?" tanong ni Yassy.

Tinitigan ko ang flyover. Hindi ganoon karami ang sasakyan dito. Hindi ko rin alam kung may mga zombie sa ibabaw nito. "Subukan nating dumaan sa flyover," ang aking sabi.

Naglakad kami patungo sa on-ramp ng flyover. Madali pa rin kaming naglakad hanggang marating namin ang pinaka-tuktok nito. Tanaw namin ang palibot ng flyover. Maraming zombie sa kahabaan ng Ortigas. Dahil siguro marami ding nagkagulong tao dito. May mga zombie din sa C-5, paglampas ng Ortigas. Ngunit hindi singdami ng nasa Ortigas.

Tumuloy na kami sa pagbaba ng flyover. Napatigil kami dahil may maliit na grupo ng zombie sa paanan ng off-ramp ng flyover. Tumingin ako sa gilid ng flyover. May kataasan pa ang kinalalagyan namin. Pwede kaming masaktan pag tumalon kami. Kailangan naming gumamit ng Molotov.

Sinindihan ko ang isang Molotov. Inasinta ko ang isang kotse na malapit sa mga zombie. Hinagis ko ang Molotov at kumalat ang apoy sa ilalim ng sasakyan. Nasunog din ang dalawang zombie.

"Umatras tayo," wika ko kay Yassy. "Posibleng sumabong yung sasakyan na yun."

Madali kaming umakyat muli ng flyover hanggang makarating uli kami sa tuktok. Pinanood naming masunog ang sasakyan at naghintay. BOOM! Sumabog ang sasakyan at sumama sa pagsabog ang grupo ng mga zombie na malapit dito. Subalit kumalat din ang apoy sa ilan pang sasakyan.

"Dalian natin!" ang aking sabi at kami'y nagmadaling bumaba ng flyover. Para na rin kaming tumatakbo. Nagmamadali kami baka may sumabog pang ibang sasakyan na tinamaan ng kumalat na apoy. BOOM! Ang pagsabog pa ng isa. Tumakbo na kami hanggang sa kami'y makarating sa Hyperpalengke.

Zombie.phWhere stories live. Discover now