Day 11.1

278 10 0
                                    

Marahil hindi zombie ang mga nakahandusay na mga katawan sa daraanan namin. Sinubukan ko kasing batuhin pero hindi gumagalaw. Pero nakahanda na rin ang dala kong katana kung sakali na may bumangon sa kanila. Nakahanda na rin si Yassy sa dalawang burike.

Pumunta sa direksyon ng Hali Mall si Yassy ngunit minungkahi ko na huwag siyang papasok sa loob ng mall, sa labas lang. Sumunod ako sa kanya hanggang makarating sa entrance ng 9-13. Mula sa labas, walang tao o zombie sa loob ng 9-13. Kitang kita rin na mukang nalimas ang halos lahat ng laman ng convenience store. Ibig sabihin, posibleng may mga tao sa paligid.

"Mukang may tao pa dito," sabi ni Yassy. At tinuro ko ang mga nakapalibot na condo sa Cubao. "Sa tingin mo may mga tao pa diyan?"

"Posible naman," ang aking sagot sa kanya. "Ligtas ka nga diyan kasi hindi marunong umakyat ang mga zombie."

Tumuloy kami sa paglalakad patungo sana ng EDSA pero napatigil ako sa paglalakad dahil sa aking nakita. "Bakit?" Tanong ni Yassy. Tinuro ko ang direksyon ng central bus station. May zombie na nakatayo sa may kanto.

"Hintayin mo ako dito," sabi ko kay Yassy. "Titignan ko lang kung nag-iisa siya."

Tumango lamang si Yassy at ako'y nagdahan dahan na nagtungo sa kanto ng Hali Mall na katapat ng central bus station. Hindi pa man ako nakakarating ay nagulat na ako sa aking nakita. Napakarami nila. Punong puno ang bus station. Karamihan sa kanila ay nakaharap na tila nagsisik sikan patungo sa condo na nasa gitna Cubao. Bumalik ako kay Yassy at sinabi sa kanya ang aking nakita.

"Mukang hindi tayo makakadaan doon," ang kanyang sabi.

"Mukang pinalibutan nila ang mga natitirang tao dito"

"Pero hindi lang naman yan ang condo dito."

"May mga restaurant kasi sa ibaba ng condo na yan. Malamang naamoy nila ang pagkain. Medyo may kalakasan nga ang amoy ng parang instant noodles."

"Balak mo ba uli iligtas ang mga tao sa condo?" tanong ni Yassy. Pero ako's umiling.

"Hindi naman tayo sigurado kung may tao nga sa loob ng condo," ang aking sabi. "Maaari ngang ginawang pain ng mga tao sa ibang condo ang condo na yan para ligtas sila. Pabayaan na lang natin."

"Saan tayo dadaan?"

"Sa dami nila sa may bus station, mukang mas magandang masilip muna natin ang EDSA bago siguraduhing doon ang dadaanan natin."

Bumalik kami sa Tuazon upang yun ang tatahakin naming daan papuntang EDSA. Nang malapit na kami sa kanto ng EDSA. Natanaw namin ang mga bus at ibang sasakyan na tila nag siksikan. May mga usok din na iba't iba ang pinanggagalingan. Tumigil kami sa paglalakad at nagkatinginan. Tinignan naming mabuti ang aming paligid bago kami tumuloy sa paglalakad.

Umakyat kami sa overpass ng Tuazon upang makita ng mas-maigi ang paligid. Mistulang napakasikip ng trapik sa EDSA pero hindi gumagalaw ang mga sasakyan na halas siksikan na.

"Hindi tayo pwedeng dumaan ng EDSA kung ganito," ang sabi ni Yassy.

Sang-ayon ako sa sinabi niya. Kung sakaling may mga zombie kaming masasalubong, mahihirapan kaming umiwas o tumakas. Napatingin ako sa itaas at nagkaroon ng idea.

"Pwede pa ring EDSA ang daanan natin," ang aking sabi. At itinuro ko ang linya ng Rail Transit.

Zombie.phWhere stories live. Discover now