Day 9.2

285 12 2
                                    

Habang kami'y naghihintay ng antok, nag-usap kami ni Yassy.

"Sa kinalalagyan natin ngayon, may dalawang lugar na tayong dapat iwasan," ang aking panimula. "Doon sa kanto kung saan naroroon ang Happy Bubuyog, at ang kahabaan ng Ortigas Extension. Hindi natin sigurado kung hanggang EDSA ang dami ng mga zombie sa Ortigas."

"So ano ang suggestion mo na daanan natin?"

"Tahakin natin ang Sixto hanggang makarating sa may subdivision saka tayo tutungo muli sa C-5. Sana lang karamihan ng mga zombie sa daan ay napunta na sa Happy Bubuyog at sana hindi ganun kalakas ang amoy ng pagkain doon na pati yung mga zombie sa Ortigas ay nakalanghap. Andami nun."

"Tama. Tuloy tuloy tayo sa C-5 hanggang makarating tayo ng Cubao at doon na tayo papasok ng EDSA."

"Ganun na nga. Planuhin nating mabuti ang bawat araw natin. Kung maaari, sa isang gusali tayo magpalipas ng gabi."

"Mall?"

"Pwede. Para may makain din tayo doon. Para hindi natin magalaw ang baon nating pagkain. Kakailanganin natin ang pagkain kung sakaling abutin tayo ng dilim sa daan. Lalo na pag tatahakin na natin ang mga daan sa labas ng lungsod."

"Sa tingin mo aabot tayo sa Cubao bago magdilim?"

"Kung walang aberya, maaari. Pero kung mayroon, pwede tayong bumalik muna sa pabrika. May mga naiwanan pa tayong zombie na pakalat kalat sa compound pero at least ngayon may mga gamit na tayo."

"Mas maganda sana kung makakagamit tayo ng sasakyan."

"Oo nga. Pero ang problema natin ay ang daanan. Halos lahat ng dinaanan nating kalsada ay maraming abandonadong sasakya. Naalala kong nagsimula ang lahat ng kaguluhang ito ng gabi. Sa damin ng sasakyan sa C-5 at Ortigas, sigurado akong marami din sa EDSA."

Sa dami ng aking iniisip, nakalimutan ko ang tungkol sa cell phone ko. Full charge na pala yun. Tinanggal ko na sa pagkaka-charge kanina pero nalimutan kong buhayin. Pati na rin ang two-way radio. Mayroon pa kayang gumagamit ng two-way radio sa panahon na 'to?

Bubuhayin ko sana ang two-way radio ngunit mas mainam na gamitin iyon pag maliwanag na. Binuhay ko na lang ang aking cell phone. Ngunit sa kasamaang palad, wala itong signal.

"Mukang hindi na gumagana ang ilang mga cell site," ang aking sabi.

Nakita ko na lamang sa mukha ni Yassy ang pagkadismaya. Siguradong nais niyang ma-contact ang kanyang nanay ngunit kung walang signal, hindi niya ito magagawa.

Malapit nang magdilim at kami'y naghanda na sa aming pag-tulog.

Zombie.phWhere stories live. Discover now