Day 6.0

406 15 0
                                    

Umaga na. Naunang nagising sa akin si Yassy. Sa aking pagbangon, pinapainit na niya ang tira naming pagkain kagabi. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Iniisip ko pa rin kung anong klaseng behavior meron ang mga zombie na 'to.

Lumabas muna ako ng laboratoryo papuntang locker area para tignan kung nandoon pa rin ang mga zombie sa gate. Wala na sila doon. Sinilip ko ang aming patibong at doon uli nakakumpol ang mga zombie. Bagamat mas marami sila ngayon, naka kumpol pa rin sila. Isa itong palaisipan talaga.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa pag-higa. Si Yassy naman ay tumungo sa locker area upang siguro ay maghanap ng maaaring magamit. Inisip ko kung bakit gaun ang mga galaw ng mga zombie. Ito lang ang inisip ko hanggang sa ako'y makatulog muli.

Nagising ako dahil sa malakas na kulog. Hindi ko masigurado ang oras dahil madilim. Bumangon ako ngunit lila hindi ko naririnig si Yassy. Lumabas ako at tinignan kung nasa locker area lang siya. Nilibot ko ang magulong locker area ng mga lalaki ngunit wala siya dun. Bago ako tumuloy sa locker area ng mga babae, sinilip ko ang aming pain. Nakakumpol pa rin ang mga zombie doon. Ngunit marahil wala nang amoy yun dahil sa ulan.

Tumuloy ako sa locker area at tumawag, "Yassy!" Pero walang sumagot. Tumuloy pa rin ako sa loob. May naririnig akong tila mga hikbi ng umiiyak. Tinungo ko ang tunog at nakita doon si Yassy. "Mukang sinasabayan mo ang panahon," pabiro kong sabi.

Tinignan lang niya ako ng matalim. "O. Biro lang yun," sabi ko sa kanya. "Ano bang problema?"

"Maraming missed call si mama. May text din. Sabi niya, napapaligiran na raw sila ng maraming zombie. Nag text ako pero walang reply. Sinubukan kong tumawag pero walang sumasagot. Baka kung napano na sila."

Bigla kong naalala si mama at aking mga kapatid sa Baguio. Kamusta na kaya sila. Sa lahat naman kasi ng araw na maiiwanan ko ang cell phone ko sa bahay.

"Siguradong okay lang sila. Wag kang mag-alala," ang sabi ko sa kanya. Maski ako man ay nag-aalala na rin.

Kaunting sandali pa ay tumila na ang ulan. Unti unti nang lumalabas ang araw. Bumalik kami sa loob ng laboratoryo para kumain. Pagkatapos kumain ay nagpahinga si Yassy sa kanyang tulugan. Sumunod ako sa kanya para mahiga rin dahil hindi ko pa rin maintindihan ang galaw ng mga zombie.

Habang ako'y nakahiga, napansin ko na may pwedeng pasukan sa kisame. "Saan kaya papunta iyon?" sabi ko kay Yassy na halos nakatulog na.

"Ang alin?"

"Yun," sabay turo ko sa kisame. "Tignan natin. Baka may mga gamit sa taas na magagamit natin palabas dito."

Itinabi namin ang aming mga higaan at inayos ang mga rack para maging tungtungan paakyat sa daanan sa kisame. Madilim ang itaas pero may mga kaunting ilaw na nakapapasok sa mga butas sa gilid. Ginamit namin ang emergency light bilang flashlight. "May catwalk dito papuntang mga locker area," sabi ni Yassy.

"Siya nga. At may pintuan sa dulo."

Nilakad namin ang catwalk at nakarating kami sa pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto na pawang emergency exit ang disenyo; mabubuksan palabas, pero hindi papasok. Ginawa naming pang-harang ang emergency light para hindi magsara ang pintuan at makapasok pa muli kami.

Nasa rooftop na kami ngayon. Basa ang paligid dahil sa katatapos lang na ulan. Tanaw namin ang aming paligid.

"Mukang pwede tayong dito dumaan papuntang production building," sabi ko. "pagdating nga lang dun, hindi tayo sigurado kung kakayanin tayo ng bubong kasi ang alam ko yero lang yun na panaggalang sa ulan at araw."

Lumapit kami sa gilid ng bubong kung saan tanaw namin ang kumpulan ng zombie. Nakakumpol pa rin sila ngunit hindi na sila nakaharap sa aming pain. Mukang wala na itong bisa dahil sa ulan.

"Andami nila. Pati sa labas ng compound," habang nakaturo si Yassy sa main gate ng compound.

"Oo. Hindi tayo basta makakalabas dito maski pa mabagal sila maglakad. Sa dami nila, para silang naglalakad na pader. Kapag naharang ka, hindi ka na makakalusot. Kaya dapat nating malaman kung paano sila imanipula."

"Imanipula?"

"Una, alam nating hindi sila nakakarinig pero nakaka-amoy. Di ba yun ang ginawa natin sa mga t-shirt?" ang sabi ko habang nakaturo sa kumpol ng mga zombie sa parking lot. "Kaya lang baka wala nang bisa yun kasi umulan."

Tumiango lang si Yassy sa aking sinabi. "Kaya lang," ang aking patuloy, "yun lang ang sigurado tayo. Kagabi, lumapit sila sa gate ng locker area ng mga lalaki nung naghanap ako ng mahihigaan. Tapos bigla nila inatake yung lalaki sa pinto. Ano bang pareho dun?"

"Gabi na nun di ba?"

"Oo," ito lang ang nasagot ko at alam kong yun ang pareho. "Oo nga't gabi na't madilim yun pero..." Napatigil ako sa aking sinabi. "Sa ilaw."

"Ha?"

"Pumupunta sila sa ilaw. Sa umaga, maliwanag kaya kalat sila at ang pang-amoy ang gamit nila. Pero sa gabi, pinupuntahan nila kung nasaan ang ilaw."

"Maliwanag naman ngayon. Bakit sila naglalakad papunta rito?"

"Nakikita nila tayo. Tayo mismo ang pinupuntahan nila. Pag wala silang nakikitang makakain, ginagamit nila ang pang amoy nila. At mukang yung may malakas na amoy ang pinupuntahan base sa flavoring na ginamit natin."

Niyaya ko nang bumaba sa laboratoryo si Yassy. "Tara. May naisip akong experiment para malaman kung tama nga yung naisip natin."

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon