Day 19

209 11 0
                                    

Sa aming pagbalik kahapon, nagpahinga lamang kami ni Yassy. Tanghali na nang ako'y bumangon.

Lumabas ako ng model unit at kinausap si Charlie. Sa aming pag-uuusap, napansin ko na wala si Yassy. Tinanong ko si Charlie kung nasaan si Yassy. Ang sabi lamang niya ay maagang umalis si Yassy para tignan kung saan pwedeng dumaan paalis ng Cubao.

Matapos ng nangyari kayapon, nalaman namin na hindi na pwedeng daanan ang riles palabas ng Cubao. Lalo namang hindi pwedeng dumaan sa EDSA. Ang pinakamalapit na pwedeng daanan papunta kina Yassy ang ang Kalayaan at Katipunan.

Kinuha ko ang katana at baril at lumabas para sundan si Yassy. Hindi ko nga lang alam kung saan siya nagtungo pero ang pinakamalapit na daanan ay ang Kalayaan Avenue.

Halos walang zombie ang daanan papuntang Kalayaan, at least sa 20th Avenue. Marahil ay nagpunta silang lahat sa EDSA nung naging mga agresibo sila. Nakarating ako sa Kalayaan ng hindi nakikita si Yassy. "Hindi kaya tumuloy, tuloy na siya papunta sa kanila?" ang tanong ko sa aking sarili.

Umabot ako ng Kamias nang maisipang magbalik na lamang ng mall. Pero sa pagkakataong ito, naisipan kung dumaan na lamang ng 13th Avenue. Habang papalapit ako ng 13th Avenue, napansin ko na tila may mga zombie sa kalsada. Tila napapalibutan nila ang isang lugar. Lumapit ako para tignan kung anong gusali habang pinanatili ko ang layo ko sa kanila. Ang pinapalibutan nila ay isang outpost. Paalis na sana ako nang may biglang tumawag sa akin, "Jiro!"

"Yassy?!"

Si Yassy ang nasa loob ng outpost. Hindi ko na inisip pa kung paano pa siya nakarating doon. Maraming zombie sa paligid ng outpost, hindi tatagal ang pintuan ng outpost sa dami. Pwede akong maging pain para ako ang habulin ng mga zombie. Pero sa dami nila, nakarating na ako ng mall, mapapalibutan pa rin ng zombie ang outpost.

Bumigay ang pintuan ng outpost at nagsimula nang pumasok ang mga zombie. Nakita kong lumabas mula sa bintana ng outpost si Yassy at umakyat sa bubong. Iba talaga ang nagagawa ng adrenaline sa tao. Maski mukang imposible, nagagawa.

"Hintayin mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "Babalik ako!"

Nagmadali ako pabalik ng mall para kumuha ng maaaring pamuksa sa mga zombie at para makahingi na rin ng tulong kay Charlie. Manatili lang si Yassy sa itaas ng outpost, hindi siya maaabot ng mga zombie doon.

Hindi ko na napansin pa ang pagdaan ng oras. Nagmmadali kami ni Charlie dala ang kung anumang bagay na makakatulong sa amin para matulungan si Yassy.

Pagdating namin sa outpost, wala na si Yassy sa itaas ng bubong.

Masyadong marami ang zombie na nakapalibot sa outpost. Hindi niya matatalon ang ganoon kalayo. Pero may nakakumpol na mga zombie sa iang bahagi ng kalsada. Mukang tinangka ni Yassy ang tumalon. Ngayon wala na siya.

Wala na si Yassy.

Zombie.phWhere stories live. Discover now