Day 13.0

253 12 0
                                    

Masungit ang panahon paggising ko. May kulog. Malamang may kidlat din. Malakas ang ulan. Sigurado ako babaha mamaya. Kapapasok lang ni Charlie sa pinto mula sa mall paglabas ko ng model unit.

"Gising ka na pala," ang kanyang bungad. "Galing ako ng supermarket. Tinignan ko kung gano pa karami ang natitirang stocks doon."

"Marami bang nakuha ang grupo ng mga lalaki kagabi?" ang aking tanong.

"Hindi ko masabi kasi ikaw yung huling kumuha bago sila," sabay tawa si Charlie.

"Ako na lang titingin,' ang aking sabi. At ako'y lumabas ng pinto papuntang supermarket bitbit ko ang katana.

Nilibot ko ang buong supermarket para makita kung ano ang kinuha ng grupo. Mukang puro mga biskwit at tinapay ang kanilang kinuha dahil wala na karamihan nun dito. Siguradong maiinis lang sila sa tinapay na nakuha nila dahil hindi naman nagtatagal ang tinapay ng isang linggo. Liban na lang kung nakabalot ito at selyado.

Pumunta ako sa kabilang lagusan ng supermarket. Ito rin ang daanan papuntang kabilang linya ng Rail Transit. Baglabas ko, nakita ko na may isa pa palang daanan papasok ng mall sa itaas na palapag. Yun ay konektado sa gusali sa kabilang gilid ng Rail Transit. Maisasara lang ng tuluyan ang mall na ito kung isasara lahat ng lagusan dito sa may Aurora. Ang daanan patungo sa central bus station ay napapligiran ng maraming zombie. Ang ligtas na daanan ay sa dinaanan namin ni Yassy na catwalk mula sa Farmings.

Umakyat ako sa pinakataas na palapag ng Gate. Dito ko naalala na may entrance dito patungo sa mas mataas pang palapag. Hindi ko alam kung ano ang nandoon dahil hindi naman yun pwedeng pasukin ng ordinaryong tao na namamasyal lang sa mall. Lumapit ako sa pinto para subukang buksan. Naipihit ko ang doorknob pero hindi ko mabuksan. Tila naka-lock ito mula sa loob.

Maaaring may mga tao sa loob na nagtatago. Ni-lock nila para hindi makapasok ang ibang tao o zombie? Hindi naman marunong umakyat ng hagdan ang mga zombie. Baka hindi nila alam. Kung alam nila, baka ibang tao ang pinipigilan nilang makapasok.

Bumaba ako patungo sa kung saan tanaw mula sa malalaking bintana ang central bus station. Hindi na nakaharap ang mga zombie sa condo pero napapalibutan pa rin nila. Dahil siguro sa ulan. Humina ang amoy ng pagkain na nanggagaling doon. Medyo bumabaha na rin.

Bumalik ako sa mga model unit. Pagpasok ko nakita ko sila nag nagsimula nang kumain.

"San ka galing?" ang tanong ni Yassy.

"Nilibot ko ang mall. Gusto ko lang makita kung ligtas ba dito," ang aking sagot. "Siguro may mga tao sa itaas. Hindi sa mall pero dun sa taas pa."

"Ah. Sa condo," ang sabi ni Charlie. "Condo and offices ang nasa itaas. Call center kasi ang nandoon. Convenient nga eh kasi yung mga nagtatrabaho dun sa call center na yun sila rin yung mga nakatira."

"So posible nga na may tao doon?" ang aking tanong.

"Oo," sabi ni Charlie. "Baka nga kompleto pa sila dun kasi hindi naman nila kailangang lumabas madalas."

Zombie.phWhere stories live. Discover now