Day 24.1

221 12 0
                                    

Hindi ko inaasahang ganun karami ang zombie sa riles hanggang makarating sa North EDSA station. Halos maubos namin lahat ng Molotov na aming ginawa. Kailangan pa naming magpain para lumapit sa amin ang ilang zombie dahil masyado silang malapit sa mga pagon ng tren.

Isang araw din ang ginugol namin para lamang makarating ng North EDSA station. Hindi ko sigurado kung may mga zombie mga kasunod na station pero sa natataw ko, wala naman. Mangilan ngilan din ang zombie sa EDSA mismo. Pwedeng doon na lang ako dumaan.

Napagpasyahan ko kahapon na hanggang North EDSA lang muna ang aabutin. Siguradong habang palayo ng palayo ang aking nararating, paiksi rin nang paiksi ang oras ko sa pagsusugpo ng mga zombie dahil ginugugol ko rin ang oras sa paglalakbay mula at papuntang Cubao. Kailangan magkaroon ng pangalawang tutuluyan o di kaya, tuloy tuloy na lang hanggang makarating sa amin.

Pero sa ngayon, pahinga muna mula sa pag-exterminate. Iba muna ang dapat pagtuonan ng pansin.

Napag-usapan naming mga nakatira dito; kami sa mall at sa hotel, na kailangan na naming maghanap pa ng supermarket na pwedeng pagkunan ng mga supply. Marami pa namang laman ang dalawang supermarket na sakop namin pero hindi na magtatagal ang mga yun.

Napagpasyahan naming kumuha na ng mga supply sa dalawang malalaking supermarket na malapit sa amin. Ang isa ay katabi lamang ng Gate: ang SaveWise. Mas malaki pa yun sa pinagsamang laki ng supermarket sa Gate at Farmings.

Naglatag sila ng plano para malinis ang SaveWise. Sinabi kong hindi muna ako sasama sa operasyon nila. Hindi naman sa pagiging maramot pero, kailangan nilang masanay sa ganung operasyon. Wala pa naman sigurong isang buwan pero pakiramdam ko, antagal ko nang ginagawa ito. Sa layo ng nilakbay namin ni Yassy bago pa man makarating dito.

Kung mayroon mang mangyaring aberya, saka ako tutulong sa kanila. Pero sa ngayon, gaya nga ng sabi ko, magpapahinga lang muna ako. Binuksan ko ang TV sa activity center ng Gate. Ganun pa rin ang nasasagap na signal. Walang pinagbago. Wala rin naman bagong balita ang sinasabi ang mga taga hotel.

Wala pa mang limang minuto ang lumilipas nang sila'y tumuloy sa SaveWise ay may isa sa kinilang grupo na hinihingal galing sa labas mula sa direksyon ng SaveWise. Kung hindi ako nagkakamali, Manny ang kanyang pangalan.

"Ang dami nila," ang sabi niya. "Napalibutan sila bigla sa loob ng SaveWise."

Sumilip ako mula sa bintana na tanaw ang SaveWise. Napalibutan ang SaveWise ng mga zombie. Pero paanong nangyarin yun. Katulad lamang ng nangyari kay Yassy sa outpost. May ibang grupo ng tao na nandirito. Nagmadali akong bumaba sa lagusan papuntang SaveWise. Ibinaba ko ang roll-up gate at inilagay ang kandado.

Sa pagkakataong iyon ay may natanaw akong ilang tao na tumatakobo patungo sa lagusan. Hindi ko sila kilala. Sila na hinihinala kong may pakana ng patibong sa SaveWise. Tamang tamang dumating si Charlie dahil narinig niya ang ingay ng pagbaba ko ng gate.

"Wala na bang ibang lagusan sa kabila, sa Farmings?" ang aking tanong sa kayna.

"Sinara na natin lahat doon dahil napakaraming zombie sa EDSA." ang sagot ni Charlie. "Bakit anong nangyari?"

"May ibang grupo na nandito. At hindi sila pala-kaibigan." Nag isip akong mabuti at naalalang may isa pang lagusan sa kabila. Ang riles. "Magtawag ka ng ibang tao sa hotel," ang aking sabi ko kay Manny. "Bantayan ninyo lahat ng lagusan dito sa Gate. Charlie, samahan mo ako sa may riles. Baka may dumaan duon."

Dala namin ni Charlie ang mga baril, pinuntahan namin ang riles ng railway transit.

Pagdating namin sa platform ay tumanaw kami sa magkabilang direksyon. Maski malayo ay matatanaw mo kung may paparating. "Baril?" ang sabi ni Charlie. "Sa tingin mo ba ay mapapahamak tayo sa mga taong iyon?"

"Nagawa nilang painan ang SaveWise para makulang ang mga kasama natin doon," ang aking sabi. "Baka sila rin ang may gawa sa nangyari kay Yassy. Pero sa tingin ko, hindi sila marami. Dahil kung marami sila, pwede silang sumugod ng sabay sabay."

"Hindi kaya kinakapa lang nila ang dami natin kaya hindi pa sila sumusugod?" ang sabi ni Charlie.

May punto si Charlie. Pero iilang tao lang ang makaka-isip ng ganon. Mas delikado kung ganong klaseng tao ang namumuno sa kanila.

Zombie.phWhere stories live. Discover now