Day 5.0

682 27 6
                                    

Nag break time uli ako ng medyo late. Madaling-araw na kasi pasado alas dose na ng hating-gabi. Hindi lang naman ako ang nag-be-break ng ganung oras.

Paglabas ko ng canteen ay hindi pa ako dumeretso sa aking pwesto. Nagpahangin muna ako saglit. Dinig ko ang mga sirena ng bumbero at ambulasya, pati na rin sa pulis. Nakakakaba naman ang mga tunog na iyon. Sa may kalayuan ay tanaw ang ilang ng parang nasusunog.

Napalingon ako bigla sa gate ng pabrika nang may narinig akong malakas na kalambag. Nakitako ang mga guard na tumakbo patungo ng gate.

"Mukang may nanggugulo," ang dinig kong sabi ng isa sa mga tabahador sa kabilang linya.

Binuksan ng mga guard ang gate. Marami naman sila dun kaya kung sino man yung nanggugulo, kaya nila.

Napaatras ang mga guard dahil may sumunggab sa guard na lumabas. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Kinagat ito ng isang tao. May isa pang pumasok. Duguan ang bibig na parang sa aking panaginip.

Binunot ng isang guard ang kanyang baril at nagpaputok. Dinig sa buong pabrika ang alingawngaw ng putok ng baril.

Unti unting dumarami ang nakakapasok sa gate. Hindi na ito kinaya ng mga guard ang silang lahat ay parang nawala sa dami ng pumasok. Nagtakbuhan na ang mga trabahador sa pabrika. Ang iba na lumabas upang tignan kung ano ang nangyayari ay pumunta sa direksyon ng gate. Ang iba ay nakagat ng mga yon.

Tumakbo ako palayo.

Sa laboratoryo na lang ako pupunta. Mas malapit iyon kayso sa pwesto ko sa pabrika.

Dumaan ako sa locker room dahil may short cut dito papuntang laboratoryo. Hindi ako tumuloy agad na pumasok sa locker room. Tumingin muna ako sa labas kung nasaan na ang mga bayolenteng tao. Tumutungo sila sa pabrika kung saan nagtutungo ang mga nagtatakbuhang tao. Mukang hindi nila ako nakita.

Daanan ko muna locker ko at kunin ang aking mga gamit.

Matapos kOng makuha ang aking mga gamit ay tumuloy na ako sa laboratoryo. Sa back door ako dumaan. Dahan dahan akong naglakad sa loob baka sakaling may nakapasok sa kanila. Dahan dahan akong sumilip sa direksyon ng main entrance ng lab. Dali dali akong tumungo sa pinto at ini-lock ang pinto. Ihinarang ko din ang mababa, ngunit mabigat na book shelf sa pinto.

Binalikan ko ang back entrance upang it ay i-lock din.

Papatayin ko na sana ang mga ilaw nang may biglang kumatok sa pinto. Malakas ang kanyang katok.

"Buksan nyo ang pinto," ang sigaw ng babae sa may pintuan. Nakikita ko siya sa maliit na bintana ng pinto. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

Pagbubuksan ko ba siya?

Palapit na sana ako sa pinto nang may biglang sumunggab sa kanya. Malakas ang sigaw ng babae. Humihingi ng tulong. Nasasaktan. Pero hindi ko siya matulungan. Iniisip ko ang aking sariling kaligtasan.

Nakatigil lang ako sa aking kinatatayuan. Hinihintay ko kung ano ang susunod na mangyayari. Makalipas ang ilang sandali, unti unti akong lumapit sa pinto. Tumungtong ako ng kaunti sa bookshelf upang makasilip ako sa maliit na bintana ng pintuan. Wala na yung sumunggab sa babae.

Nakahandusay ang babae. Naka-uniporme siya ng katulad sa akin. Sa kabilang linya siguro siya nakadestino. Duguan ang kanyang leeg, tila may kagat. Unti unting umaagos ang kanyang dugo.

"Patay na siya," sabi ko sa aking sarili. Hindi ko siya nailigtas. Ngunit kung pinag-buksan ko siya, marahil pati ako ay nabiktima na rin.

Nakatingin pa rin ako sa nakahantusay na babae nang biglang bumukas ang kanyang mga mata. Unti unti siyang gumalaw. Bumaba ako sa pagkaka-tungtong ko sa book shelf at lumayo. Nang makatayo na ng tuluyan ang babae, humarap siya sa pintuan na tila nakatingin sa akin. Ibinabangga niya ang kanyang sarili sa pinto; ang kanyang muka ay gigil na parang gustong mangagat.

Kumuha pa ako ng ilan pang book shelf para iharang sa pinto. Siguro naman ay hindi niya mabubuksan yon. Ngunit patuloy siya sa paghampas sa pintuan. Hanggang sa ang salamin na ang kanyang nahahampas. Di nagtagal at nabasag ang salamin. Isinuot ng babae ang kanyang braso sa silipan ng pinto. Hindi niya alintana ang mga bubog na sumusugat sa kanyang mga braso.

Pumasok ako sa bandang looban ng laboratoryo upang magtago. Di nagtagal ay tila nawala ang ingay ng babae sa pinto. Dahan dahan akong sumilip at nakitang wala na nga siya doon. Hindi na ako tumuloy pang lumapit sa pinto at lalong pumasok sa loob ng lab. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang nangyayari.

Ano ba yung mga yun? Mga tao na parang asong ulol. Nangangagat. At yung babae kanina. Alam ko patay na yon pero bumangon pa siya uli... Zombies? Kung anuman sila. Hindi na sila tao. Kailangan sila labanan. Pero paano? Sa dinami dami ng nalaro kong survival horror games, sa tingin ko may training na ako sa pakikipaglaban sa mga zombie. Baril? Laboratoryo ito, walang baril dito. Ang mga baril na alam ko ay hawak ng mga guard. At sa huling balita ko sa mga guard, sila ang unang mga biktima ng mga zombie na 'to. Palakol? Baseball bat? Itak? Wala lahat nun dito.

Sa aking paghahanap sa laboratoryo ng pwedeng magamit na sandata, nakahanap ako ng dalawang burike. Ito yung ginagamit na pantusok sa mga sako para makakuha ng sample. Gawa ito sa tubo na pinatulis sa dulo. Kung ang mga zombie na ito ay katulad ng mga nasa nalaro ko, pwede itong pansaksak sa kanilang ulo.

Wala na akong nakitang ibang pwedeng gawing sandata. Maliban na lang kung sisirain ko ang mga kagamitan at gamiting panghampas ang mga paa ng mga upuan at mesa. Tama. Ganun na nga ang gagawin ko. May mga rack sa looban na pwedeng sirain para gawing pamalo.

Nagtungo ako sa pinaka looban ng laboratoryo kung saan naroon ang mga rack. Hindi ko pa nabubuksan ang ilaw ay may narinig akong kaloskos. May nakapasok dito na hindi ko napansin? Dahan dahan kong inabot ang switch ng ilaw.

"Huwag!" ang sigaw ng isang babae na nagtatago sa dulong sulok ng silid. Iba ang suot niyang uniporme; uniporme ng mga casual. "Huwag kang lalapit."

"Hindi ako tulad nila," ang sabi ko sa babae. "Kung katulad ko sila, malamang kanina pa kita nakagat." Hindi na nagsalita pa ang babae.

"Anong nangyayari?" tanong ng babae.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Parang isang horror movie ito. Nagiging parang zombie ang mga tao." Ang isipan ko kaninang tila may hinahabol ay bahagyang bumagal. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nagdala kasi ako ng sample dito nung may narinig akong putok. Tumakbo ako palabas para tignan at nakita ko... Hindi ko alam kung anong nakita ko. Tumakbo ako pabalik dito at nagtago sa loob." Tahimik siyang nagtago. Ako nga'y hindi ko siya napansin hanggang ngayon. At least hindi siya nag-panic.

"Mukang ligtas tayo sa ngayon. Mabigat ang mga hinarang ko sa pinto. Pero siguradong nandiyan pa sila sa labas. Magpahinga muna tayo dito. Mayroon atang pwedeng panlatag sa sahig para mahigaan. Nasa itaas ng mga rack. Sisilip lang ako sa labas." Iniwan ko ang babae sa looban.

Sumilip ako sa silipan ng pinto na basag na ang salamin. Isinara ko ang switch ng ilaw sa parteng ito ng laboratoryo upang hindi mapansin ang loob. May ilang zombie na napalingon sa direksyon ng laboratoryo nang mamatay ang ilaw pero hindi sila lumapit. Andami nila sa labas. May mga naka-uniporme ng katulad ng akin at katulad ng sa babaeng nasa looban ng laboratoryo.

Bumalik ako sa looban ng laboratoryo. "Magpahinga ka na diyan, " sabi ko sa babae. "Marami pa sila sa labas. Wala tayong mapupuntahan sa ngayon. Ako nga pala si Jiro. Ikaw?"

"Yassy."

"Magpahinga muna tayo. Hintayin natin ang liwanag."

Zombie.phTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon