Day 12.0

251 12 0
                                    

Nagpahinga kami ng halos buong umaga sa aming model unit. Nagpasya kami ni Yassy na ipagpabukas na lamang ang paglalakbay namin. Tutuloy na sana akong maligo nang may kumatok sa pinto. "Baka hindi pa kayo kumakain," tanong ni Charlie mula sa labas. "May makakain dito."

Lumabas kami ni Yassy ng model unit. May sinaing, at de lata na nilabas si Charlie. Ipinatong niya ang mga ito sa isang lamesa na malamang ay ginagamit nila sa pagbebenta ng mga condo unit.

Umupo kaming lahat para kumain. Binuksan ko ang isang lata ng tuna. "Buti at may rice cooker kayo dito sa pwesto ninyo," ang aking sabi.

"Kinuha ko yan sa department store," ang sabi ni Charlie. "At yung bigas, sa super market."

"Ah. May stock pala kay dito. Mabuti naman kung ganun," ang sabi ni Yassy.

"Hindi ganon karami ang stock namin," ani Charlie. "Mabilis lang kasi ako dahil hindi ko pwedeng iwanan ng matagal ang anak ko dito. Kung kasama ko naman siya, sakto lang na magkakasya sa pushcart."

"Oo nga naman," ang aking sabi. "Tara, tulungan kitang kumuha ng stocks ninyo."

"Ako na magbabantay kay Nina," ang sabi ni Yassy.

"Pwede pa tayo mag-ilang balikan."

Naghanda kami ni Charlie sa aming pagkuka ng stocks. Napag-usapan namin na maghihiwalay kami. Siya sa department store para makakuha ng gamit nila ng kanyang anak. Ako naman sa supermarket para sa pagkain. Mas madali sa akin dahil ilalagay ko lang sa pushcart lahat ng aking kailangang makuha. Hindi ko dinala ang aking katana pero naisipan kong magdala ng baril. Pinahiram ko rin kay Charlie ang isang baril. "Eto. Dalhin mo 'to. Ayaw ko man isipin na baka magamit mo. Pero mas mabuti na yung sigurado."

"Wala pa naman akong na-e-engkwentrong bayolenteng tao sa pagkukuha ko ng stocks," ang sabi niya.

"Halos isang linggo na rin ang lumilipas, Charlie. Baka may mga naghahanap na rin ng stocks nila diyan."

Tumuloy na kami ni Charlie sa aming gagawin. Sa unang balik ko, dala ko ay sako sakong bigas. Sa pangalawang balik ko. Dala ko ay mga tubig. Sa pangatlong balik ko, mga de lata at mga instant noodles. Sana maisipang kumuha ni Charlie ng portable stove.

Sa akin sanang huling pag kuha ng stocks, napansin kong tila may gumagalw sa loob ng supermarket. Yumuko ako at nakitang may mga taong kumukuha ng stocks. Hindi muna ako pumasok sa loob at hinintay silang umalis. Tatlong lalaki. May mga dalang bag na tila pang-camping. Dun nila sinilid ang mga nakuha nila na pagkain. Ang isa ay tila may dalang patalim. Pumasok at lumabas sila sa kabilang lagusan ng supermarket. Mukang hindi na sila naglakas-loob pa na pumasok.

Naghintay muna ako ng ilang sandali at pinakiramdaman ang paligid kung may tao pa. Ilang sandali pa ay pumasok ako ng dahandahan sa supermarket. Sinuyod ko ito habang nakahanda ang baril upang makasiguro na wala na ngang tao. Lumapit ako sa kabilang lagusan nang marinig ko na may mga nag-uusap at papalapit.

"Ubusin natin ang laman nito mga pare!" ang sigaw ng isa.

"Dali dali akong nagtungo sa pinanggalingan ko at muling nagtago. Hindi pa man sila nakakapasok ay tumuloy na ako sa model mga model unit.

Zombie.phWhere stories live. Discover now